TANYA SAAVEDRA
Hindi madali ang buhay ko. Party dito, party doon, tamang pakikisama sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang maiingit sa buhay ng ibang tao. Kung minsan ay napapaisip nalang ako na, kung hindi ako naging parte ng Saavedra may mga taong magkakandarapa pa kaya para makuha ang atensyon ko? Marahil ay wala. Ito rin ang isa sa mga dahilan sa kung bakit ay hindi ko gusto ang mga atensyon na nakatutok sa akin ngayon. Artista ako pero lingid sa kaalaman ng mga Fans ko ang ugnayan ko sa Saavedra ngunit sa gabing ito ay makikilala na ako ng mga ito dahil narin sa pagnanais ng family ko na mahanapan ako ng fiance.
The chatter of pretentious high society greets my twin Stephanie and me as we step into the ballroom, which is decorated in gold and crystals. Sa mga sandaling ito ay nag-uumapaw na ang disgusto sa puso ko na pilit ko namang itinatago sa pamamagitan ng matamis na ngiti. I hate everything about these events, the fake smiles, the fake conversations, and the fake people. Kung nandirito lang sana ang gher wife ng pinsan kong si Andrus, marahil ay magiging maaliwalas pa ang expression sa mukha ko dahil may makakausap akong tunay na tao.
With a deep breath, mabilis kong isinuot ang pekeng ngiti sa aking mukha kapagkuwan ay pasimpleng kinurot ang tagiliran ng kakambal kong si Stephanie na sinuklian naman nito ng nakalulukong ngiti. Batid nito ang disgusto ko sa mga ganitong kasiyahan.
"Look your best tonight sweetie." My mom's cold, lifeless voice repeat in my mind at siyang dahilan para tunay na mawalan ako ng pasensya sa mga oras na ito.
"Relax Tanya."mahinang bulong sa akin ni Stephanie bago nakangiting bumaling sa mga ilang kababaehan na kaibigan ng aming Ina na lumapit sa amin para bumati.
Look your best sweetie.
Do not embarrassed us, honey.
You are a reflection of our family.
This is your day so, be good.
Nakasanayan ko na ang mga ganitong paalala sa akin ng parents at mga kamag-anak namin. Nakalakihan na namin ni Stephanie ang mga paalalang ito . Mga paalala na marahil ay maaring nanuot sa kaibutuuran ng aking mga buto.
Lose a few pounds, Tanya. Hindi maganda sa babae ang may taba sa katawan.
Smile and fix your dress honey. Ganyan ang tunay na babae.
Tandaan mo Tanya at Stephanie. Men don't like women who speak too much, kaya kontrolin ninyo ang mga sarili ninyo.
Kontrolin? Paano kung gusto ko magpakatotoo? Hindi na ba Ako magagawang mahalin ng lalaking mapipiling pakasalan ko dahil maingay ako? Paano nalang si Stephanie na bibo at masayahing babae? Kalilimotan na ba ng kapatid ko ang tunay na sarili nito?
Isang mainit na mga palad ang pumukaw sa naglalayag na utak ko bago sumilay sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ng kapatid kong si Stephanie.
"Sis..."
"Ayos lang ako Stephanie. Don't worry about me. Isipin mo ang sarili mo at sa kung sino ang binatang napili nina Mommy para maging fiance mo." Sa sinabi kong ito ay mabilis ngang nagbago ang expression ng mukha nito bagay na inaasahan ko rin naman. Sa aming magkapatid ay hindi parte ang kalayaan na pumili at magdesisyon para sa aming mga sariling buhay. Isang katotohanan na kinamumuhian ko sa second branch ng Saavedra na kinaaniban ko.
Kumalma ka Tanya. Hindi dapat magagalitin ang isang babae.
Keep it together, Tanya. Ang isang babaeng kagalang-galang ay mahinahon.
"Papalapit na ang parents natin at marahil ang kasama ng mga ito ay ang magiging fiance mo, sis."may nababahid ng pag-aalalang sabi ni Stephanie bago mabilis na umalis sa kinatatayoan ko at nagpaalam sa mga kausap nito.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
