PAGPAPATULOY
Katahimikan ang tanging nadarama ni Alexis sa mga oras na ito. Habang naglalayag ang isipan ni Alexis hindi maiwasan ni Alexis ang magkaroon ng kaunting awa at panghihinayang sa sinapit ng dalaga. Kung namuhay lang sana ng tama at payapa ang babae hindi na sana aabot sa sitwasyon ngayon ang buhay ng dalaga.
Trisha Krishnan Tontawan. Ito pala ang tunay na pangalan ng babaeng umangkin sa kataohan ni Tu ng Tontawan Family. Ang babaeng illegitimate Child ng Ama ni Tu at siyang dahilan rin ng pagkawasak ng malaking pamilya ng Tontawan. Ang higit na kaawa-awa sa sitwasyon na ito ay ang dalaga na si Tu Tontawan. Sinong mag-aakala na masisisira ang buhay nito ng dahil lamang sa iinggit at pagkakamali na nagawa sa nakaraan ng kanilang Ama.
Sa isiping ito ay hindi magawang pigilan ni Alexis ang mailing at mapahawak sa maliit na buhay sa kanyang tiyan. Hinding-hindi niya mapapayagan na maranasan ng anak niya ang ganitong sitwasyon. Bilang magulang ay hindi niya mapapayagan ang masaktan o makitang mahirapan ang anak nila ni Andrus.
"Okay lang na huwag na ninyo akong samahan. Hindi naman Ako magagawang saktan ng babaeng kakausapin ko."mahinang sabi ni Alexis sa mga taohang pinagkatiwala ni Andrus sa kaligtasan niya.
"Patawad Madam. Ngunit mariing pinagbilin sa amin ng Young Master Andrus ang hindi ka iwan. Buhay namin ang kapalit sa kung anoman ang mangyaring kapahamakan."
Sa kasagotan na ito. Hindi rin masisisi ni Alexis ang asawa dahil narin sa naging malaking takot nito sa mga nakaraan na kaganapan. Noong mga sandaling nakidnap siya ng Pekeng Tontawan ay damang-dama ni Alexis ang takot na nag-umigting sa mga mata ni Andrus. At ayon narin sa kuwento ng mga taohan nito at ni Sebastian. Doon lamang nila nakitang tuluyang tila nawala sa katinuan si Andrus. Ang lahat ng sinomang sumagabal o humahadlang sa paghahanap nito sa gher wife nito ay walang alinlangan na binabawian ng buhay. Noong mga sandaling iyon ay tunay na binalot ng matinding takot ang mga puso ng mga taong saksi at naroroon, maging ang mag-asawang Saavedra at matandang Saavedra ay walang nagawa para kontrolin ang sitwasyon.
Isipin lamang ni Alexis na magkakaganoon si Andrus ay mabilis na naninikip sa takot at pagkabahala ang kaniyang puso.
"Sigi. Nauunawaan ko."
Nagpatuloy silang maglakad hanggang sa marating nila ang pinakadulong silid na pinalalamutian ng Isang makakapal na salamin. At mula sa loob nito ay makikita ang isang nakayukong dalaga habang nakaupo at yakap-yakap ang sarili. At waring may binubulong-bulong ito sa hangin na tanging ito lamang ang nakakaunawa. Nang makaupo si Alexis ay marahang pinakatitigan ni Alexis ang dalaga at inantay na mapansin nito ang kaniyang presensya.
At nang mapansin na ng Pekeng Tontawan ang presensya ni Alexis mabilis na kinuha nito ang Telepono at nakipagtitigan kay Alexis.
"Mendes? Anong ginagawa mo rito? Nandito ka ba para pagtawanan Ako?"mababanaag ang hindi matagong hinanakit sa boses nito.
"Miss Tu. Kamusta? O maaari nating sabihin na, kamusta ka na Miss Trisha?"
Nang marinig ng babae ang sinabi ni Alexis, mabilis nagpakawala ito ng nanginginig na hininga kapagkuwan ay naniningkit sa galit ang mga matang tumitig kay Alexis.
"Bakit ka nagtungo? Sabihin mo sa akin kung bakit?"mababanaag ang panginginig sa tinig ng babae habang hawak sa kanang kamay ang telephone. At akmang kikilos para tumayo subalit mabilis rin naman itong napayuko at umungol na waring may iniindang matinding karamdaman. At sa mga sandaling iyon lamang napagtanto ni Alexis ang mga pasa nito sa katawan.
"Huwag kang mabahala madam. Walang lalaking nanakit sa kaniya rito bagkus ay maligayang binati siya ng mga kababaehan kasama niya rito."walang emosyon na saad ng lalaking nasa likoran niya. Sa sinabi nito ay hindi tuloy malaman ni Alexis sa kung ano bang magiging reaction niya sa sinapit ng dalaga. Matatawa ba siya o maaawa para rito?
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
