Porcelain Doll 2

177 7 0
                                        

THE PORCELAIN DOLL BOOK 2

Buong puso na inaawit ni Armel ang isa sa mga musika na siya ang mismo ang may gawa. Naghihiwayan ang mga taong nasa loob ng club pero wala roon ang atensyon niya kundi sa malakas na musika na sinasabayan niya ng pagkanta. Gamit ang kaniyang magandang tinig at kaakit-akit na karisma. Mabilis niyang naagaw ang mga puso ng ilang kababaehan at inggit at paghanga naman sa ilang kalalakehan na naroroon.

"Ahhh!"sigawan ng ilang kababaehan at male conceiver na naroroon. "Ang guwapo mo Armel! I love you!"

"Yahhh!! We love you Armel Saavedra! We love you!"

"I love you Armel!"

"I love you!"

Nagpatuloy sa pag-awit si Armel at hindi binigyan ng atensyon ang ilang kababaehan na naroroon. Tumutulo ang pawis niya dahil sinasabayan niya ng pagsayaw habang kumakanta. Ito ang libangan niya sa tuwing kinakailangan niya kumalma sa stress na nakukuha sa Kumpanya ng kanilang pamilya. Walang emosyon ang kaniyang mukha pero nakukuha parin niya ang atensyon ng ilang kababaehan na naroroon.

At habang palapit na ang kanta. Mabilis niyang ginawa ang finale song notes niya na siyang rason para higit na mabalot nang malakas na hiyawan ang buong club.

"Thank you so much Armel Saavedra!"malakas na sigaw ng host ng club pero hindi ito binigyan ng atensyon ni Armel. Ganoon siya, walang emosyon tulad na sinasabi ng ilang nakakakilala sa kaniya. Ang iba ay hindi maiwasan na ikumpara siya sa kaniyang Ama na si Andrus Saavedra.

Noong umalis sa stage si Armel at hindi pinansin ang mga pagtawag sa kaniyang pangalan. Mabilis na nagtungo si Armel sa back stage at kinuha ang cellphone niyang dala na nasa bag na binigay sa kaniya ng Dada Alexis niya. At doon ay bumungad sa kaniyang screen ang tawag ng Assistant secretary niyang si Anastasia.

"Yes hello."tugon niya sa kabilang linya at mababanaag ang kawalang emosyon sa tinig.

"Sir. May kaunting problema sa artist na hawak ng AA entertainment."
mabilis na tugon ni Anastasia sa kabilang linya.

Sa sinabing ito ng kaniyang secretary ay mabilis na nagbago ang expression ng mukha ni Armel at bahagyang kinakitaan ng pagkairita.

"Sino?"tugon niya bago nagsalin ng alak sa wine glass.

"Isang sikat na actor at singer."

At lalaki na naman? Karamihan sa sakit ng ulo sa Showbiz ay mga lalaki kumpara sa mga kababaehan. Ang ibang lalaking pinapasok ang showbiz, kapag sumikat ay feeling high in demand na kung kaya ay lumalaki ang ulo at sakit rin ng ulo sa kanilang kumpaya. Kung bakit pa kasi pinasok ng Ama niyang si Andrus ang Showbiz industry. Maybe dahil sa napagtanto ng kaniyang Ama ang pagkatuwa ng Dada Alexis niya sa mga pelikulang pinapanood nito? Para sa kanilang Dada Alexis ay gagawin ng kanilang Ama ang makakapagbigay tuwa rito. Sa isipin na ito ay hindi mapigilan ni Armel ang mailing. Napaka-henpecked husband ng other Dad nila.

"And the problem is?"pagtatanong niya sa kawalang emosyon bago sumimsim sa alak.

" Sexual Harassment."tugon sa kanya ni Anastasia.

"Those evils... they think can do whatever they please."iritado niyang tugon bago ipinikit ang mga mata para maipahinga.

" Alamin ang katotohanan sa scandal na ito. At kung mapatunayan ninyong totoo.Gawin niyo kung ano ang nararapat. Hindi kailangan ng Saavedra Corp. ang mga taong tulad nila."

"Yes, sir."

Nang mawala ang secretary sa kabilang linya. Isang marahan na katok sa pinto ang pumukaw sa atensyon ni Armel.

Hindi inaabangan ang kaniyang tugon. Mabilis na pumasok ang taong nasa labas ng pinto at nakangiting mukha ng kakambal niyang si Arris ang bumungad sa kaniyang paningin.

The Possessive Husband (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon