END

630 31 6
                                        


Tanghali na nung magising si Alexis. As soon as he opened his eyes, mukha ng nag-aalala ni Andrus ang sumilay sa kaniyang paningin, at ang kasunod nito ay ang garalgal nitong tinig habang nakatitig sa kaniya.


"Gising ka na ba? May masakit ba sayo? Gusto mo bang kumain?"Mababanaag ang pamamaos sa boses nito na siyang naghatid ng mainit na damdamin para kay Alexis. Umiyak ba si Andrus para magkaganito ang boses nito? Without the obstruction of his big belly, pakiramdam ni Alexis ay parang may kulang sa kaniya.

"Ayos lang ako Andrus... Hindi ako nagugutom, medyo nanghihina lang."mahinang pagsasabi niya sa asawa.

Sa mga oras ding iyon ay pumasok ang Doctor at ilang nurses saka mabilis na nag-asikaso sa kaniya habang si Andrus naman ay nanatiling nasa tabi niya.

"Tinakot mo ako Wifey..."may bahagyang panginginig sa boses ni Andrus bagay na ikinatawa rin ng kaunti ni Alexis.

"Ayos lang ako Andrus. Nasaan ang mga bata? Gusto ko silang makita..."mahinahong sabi niya bago akmang babangon nang biglang mapasinghap siya nang kumurot ang sugat. Doon lamang naalala ni Alexis na may sugat pala siya sa bahaging tiyan niya.

"No you're not okay. May sugat ang katawan mo. Huwag ka munang gaanong kumilos. Makikita mo rin ang mga bata." Sa sandali ring iyon ay pumasok ang Ina ni Alexis na si Adelaide at sa bisig nito ay kalongkalong ang isang maliit na sanggol na lalaki. Sa likod naman nito ay ang dalawang matandang Saavedra at Alfonso Mendes, kalongkalong rin ng mga ito ang dalawang sanggol. Ang isa ay lalaki at ang isa naman ay babae.

Nang masilayan ang tatlong cute na sanggol, pakiramdam ni Alexis ay mabilis na nag-umalab sa kaniyang dibdib ang Isang nakapainit na emosyon. Damang-dama niya ang dahan-dahang pag-iinit sa gilid ng kaniyang mga mata. Damang-dama niya ang mga luhang namumuo mula rito. At hindi rin masukat ang kaligayahan niya. Sa totoo lang ay hindi na niya inaasahan na mararanasan ang ganitong kasiyahan. Noong mga araw na iniwan siya ni Vincent at ipinagpalit sa Kapatid na si Krystal. Tuluyang naglaho ang pag-asa niyang bumuo ng pamilya. Sa mga male conceiver na tulad niya, bibihira ang magkaroon ng tunay na kaligayahan sa buhay pag-ibig. Hindi rin niya inaasahan na mabibiyayaan siya ng tatlong cute na sanggol, gayong batid ng lahat na hindi ganoon kadali ang magbuntis ang mga gher. Sa 10 na gher sa mundo 5 lamang ay may pag-asang magdalang-tao kung kaya ay bibihira ang mga taong magnanais na pakasalan sila.

Isa rin ito sa mga dahilan sa kung bakit taliwas ang ibang angkan ng Saavedra sa pagpili ni Andrus sa kaniya bilang main wife nito. Hindi lang ito dahil sa nagmula siya sa isang mababang pamilya. Hindi rin dahil sa pagiging anak sa labas niya kundi dahil sa takot na maging dahilan ito para lumawak ang lahi ng mga male conceiver sa Angkan ng Saavedra. At ang ibang rason ay batid ng mga ito na hindi nila magagawang kontrolin ang isang Andrus Saavedra. Para sa mga mata ng ilan ay isa silang pagkakamali na naisilang ang mga tulad nila sa mundo.

Ngunit ngayon na nasa harapan na niya ang tatlong sanggol na ito, nawala na parang bula ang mga agam-agam sa puso niya. Para kay Alexis ay hindi na mahalaga kung anoman ang iisipin ng mga tao sa kaniya. Ang mahalaga ay kasama niya ang husband niyang si Andrus at ang mga munting anghel.

Akmang ilalahad ni Alexis ang palad sa papalapit na Inang si Adelaide. Isang masayang tinig ang pumukaw sa kanilang atensyon. Tinig ng munting male conceiver na kapatid ni Andrus, si Zachary.

"Brother! Brother...Gusto kong makita ang mga little pamangkin ko!"

Tawanan naman ang naging sukli nito sanhi upang mabalot ng mainit na emosyon ang puso ni Alexis. Ito ang pinangarap niya. Ang bumuo ng pamilya kasama ng mga taong mahal niya. At ng lalaking mamahalin niya at mamahalin rin siya ng buo at walang kahati.

"Ang cute nila at ang lambot ng balat."excited na sabi ng munting male conceiver habang nakatitig sa maliliit na sanggol.

"Cute? Nasaan ang cute diyan? Bakit napakapangit ng mga anak ko? Mukhang mga matanda.Tama naman ako diba wife? "takang tanong ni Andrus na siyang dahilan para makatanggap ito ng batok sa ulo mula sa kaniyang Ina.

"Anong pinagsasabi mong Ama ka? Ganyan talaga ang mga bagong silang na sanggol! Ganyan karin noong isinilang kita."

"Ganyan ako kapangit?!"tigagal na saad ni Andrus na siyang tinawanan naman ng tatlong kaibigan nito.

"Lintek ka talaga! Ama ka na kaya umayos ka!"aniya ni Veronica Saavedra.

Makita ang masayang emahe na ito, kaligayahan ang bumabalot sa puso ni Alexis.
Ang malaman na natupad ang kaniyang simpleng pangarap ay naghatid ng matamis na emosyon sa puso ni Alexis. Batid niyang hindi pa ito ang una at huli dahil naniniwala siyang may mga darating pang pagsubok sa kanilang dalawa ni Andrus ngunit nagtitiwala siyang hangga't magkasama nilang haharapin ito ni Andrus, malalampasan nila kung anoman ang mga pagsubok na ito.

"Napag-isipan niyo na ba ang mga pangalan nila?"may ngiti sa labing pagtatanong ng Ina ni Andrus habang nakangiti sa karga-karga ng husband nitong si Ambrosio ang baby girl ni Alexis.


"Armel, Arris at si baby Luna. Ito ang naisip namin ni Andrus na mga pangalan nila."may ngiti sa labing sabi ni Alexis bago maingat na iniabot ang palad sa sanggol na hawak-hawak ng kanilang Inang si Adelaide.

"Armel Saavedra. Siya ang panganay sa kanilang tatlo. At si Arris Saavedra ang pangalawa para naman sa aming bunsong baby girl, nararapat sa kaniya ang tawagin na Luna Saavedra."siyang tugon naman ni Andrus sabay halik sa noo ng kabiyak.

"Armel, Arris at Luna. Napakagandang mga pangalan para sa tatlong mga anghel. So, kami na ni Alfonso ang bahala sa mga palayaw nila diba?"masayang pagtatanong ng matandang Saavedra bagay na mabilis naman na sinang-ayonan ng lahat.

"Huwag kang pipili ng maganda. Ayon sa kasabihan noon ay kinakailangan na pangit ang mga palayaw ng mga bagong silang para makaiwas sa kapahamakan."tugon ng matandang Mendes.

"How about..Eggie para kay Armel."

"Ano 'yon itlog?"takang tanong ng anak nitong si Ambrosio Saavedra.

"Subukan natin ang mga pagkain. Ano gusto mo Baozi? Ah--para kay Arris ay Wantons nalang, hindi ba't paborito ni Alexis ang kumain ng wantons nung nagdadalang-tao pa lamang ito."

"Kay little Luna naman puwedi na ang Baozi."

Sa usapan na ito ay hindi mapigilan ni Alexis ang mapatawa. Isipin palang na tatawagin sa mga palayaw ang mga anak nila kung malalaki na ito.

"Dad...hindi ba magiging kahiyahiya 'yon para sa mga bata paglaki nila? Eggie! Wantons nasaan ka? Hoy Baozi tawag ka ng Lolo mo, ganoon? Paano kung mabully sila? Hoy, Itlog tawag ka ni Teacher. Ngayon palang Dad, hindi ko na mapigilan ang matawa."halos magkandautal na saad ng Ama ni Andrus bagay na tinawanan lamang ng dalawang matanda dahil sa mabilis na pagbabago ng manigas na aura sa mukha nito.

"Ah...Lion at Tiger nalang para astig ang tema."siyang saad naman ng mga kaibigan ni Andrus. Sa labas ng pinto ay makikitaan ng hindi matagong ngiti at kislap ng pagkatuwa ang mga mata nina Butler Wu at Sebastian. Sa isipan ng dalawa, magmula sa araw na ito ay magbabago na ang Mansion ng mga Saavedra.






END.


~~~

Note:Mayroon tayong ilang special chapter at ilang chapters para sa mga side characters. Matagal na panahon rin noh? At kahit wala na ang BW fandom natin ay heto parin ang ilan sa atin naghihintay sa pagbabalik ng BW. Ngunit huwag mabahala, hangga't nasa puso natin sina Bright at Win. Mananatiling buhay ang pagmamahal natin para sa kanila.



Maraming Salamat.

The Possessive Husband (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon