Note; Trigger warning ⚠️
May masisilayan na pangyayari kaya hinihikayat ang readers na mag-iingat sa pagbabasa.
Nang sabunutan ako ng boyfriend ko at baliin ang aking binti, nagbigay ako ng senyas sa pamangkin ko na nasa apat na taong gulang. Nang mawala ang parents nito ay ako na ang umako ng tungkulin bilang magulang niya. Pasimpleng ibinuka ko ang aking labi ang senyales na iniutos ko sa kaniya sa tuwing sinasaktan ako ng boyfriend ko. Bakit Ako pumapayag na saktan Ako? Dahil si siya lamang ang naging sandigan ko sa mga oras na walang wala ako. Madaling sabihin ay kay Michael na umikot ang buhay ko. At kung mawawala siya paniguradong mawawalan ng direksyon ang buhay ko.
Hindi naman siya ganito noon, nagbago lang siya ng dahil sa pagkalugi ng kaniyang business. At ngayon ay palaging naglalasing siya at sa tuwing naalala niya ang matinding kabiguan niya. Sa akin niya inilalabas ito, malaking pasasalamat ko dahil hindi niya sinasaktan ang pamangkin ko.
Mabilis naman na tumakbo si Harold palabas ng pinto dala-dala ang phone ko at nagdial sa numero na tinuro ko.
Idinial niya ang lihim na numero at sinabi: "Lolo, parang mamatay na po si Tito."
Lolo. Ang totoo ay hindi Lolo niya ang tinatawagan niya kundi ang numero ng mga pulis. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong utusan si Harold na kontakin ang numero para humingi ng tulong. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay sumobra ang galit ni Michael.
Nang sabunutan ako ni Michael at kaladkarin sa pasilyo, alam kong hindi matatapos ang gabing iyon gaya ng dati. Hindi na lang ito sigawan o tulakan. Naramdaman ko ang malakas na pagtama nang itulak niya ako sa pader at, bago pa ako makapagtanggol, narinig ko ang isang nakakangilong langitngit sa aking kanang binti. Sobrang tindi ng sakit na nawalan ako ng hininga. Napabagsak ako sa sahig, nanginginig, habang patuloy siyang sumisigaw na kasalanan ko ang lahat, na ako ang nag-udyok sa kanya.
Ang aking pamangkin na si Harold, na apat na taong gulang, ay nagtatago na ngayon sa pintuan ng silid-tulugan, yakap-yakap ang kanyang laroan habang nakatitig sa aking direksyon. Ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa takot. Alam kong maaaring lalong maging marahas kay Harold kung makikita niya akong umiiyak, kaya ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko. Itinaas ko ang aking kamay nang may paghihirap at tinapik nang dalawang beses ang sahig gamit ang aking mga daliri. Iyon ang aming lihim na senyas, ang aming pinagsanayan na parang isang laro lang.
"Ipikit mo ang matama mo"natitira kong tinig.
Ang lihim na senyales.
Tumawa si Michael, sa akala niyang nahihibang na ako. Pumunta siya sa kusina, galit na galit, at pabagsak na isinara ang mga pinto. Patakbong pumunta si Harold sa gilid ng pasilyo, habang hawak ang cellphone na hindi ko kailanman ginagamit. Gamit ang kanyang maliliit na kamay, idinial niyang muli ang mga numerong kanyang kinabisado. Nang sumagot, sinabi niya ang eksaktong linya na itinuro ko noon sa kanya:
Lolo, parang mamatay na po si Uncle.
Nakahiga ako sa sahig, nahihilo, habang ang binti ko ay nasa posisyong hindi natural. Bawat segundo ay tila walang hanggan. Narinig kong bumalik si Michael at nakita ko ang kanyang anino na papalapit muli. Yumukod siya sa akin, mariing hinawakan ang aking mukha, at pinagbantaan ako na kung magsasalita ako, wala nang makakakita pa sa pamangkin ko. At ng dahil sa mga salitang ito ay tuluyan na binalot ng takot ang puso ko. Gustohin ko man ang lumayo sa kaniya hindi ko alam kung paano. At takot rin na baka hanapin niya ako at tuluyan na patayin niya ako.
"Kasalanan mo! Ikaw ang malas sa buhay ko!"malakas niyang sigaw bago paulit-ulit na sinasaktan ako. Pigil ang pagsigaw ko dahil ayaw kong matakot ng husto ang pamangkin ko. Napakabata pa niya para para masaksihan ang katakot-takot na kaganapan na ito.
Limang-taon kaming magkasintahan ni Michael na maayos naman ang pagsasama namin. Ngunit nang dumating ang pang-anim na taon namin ay bumagsak ang kaniyang business, napuno siya ng utang kung kaya ay palipat-lipat kami ng tahanan. At dahil sa samo't-saring emosyon at bigat ng problema. Sa akin ibinabaling ni Michael ang galit nito. Walang sawang sinasaktan niya ako at ang masuwerte parin ay wala naman siyang balak na ako ay patayin.
Sa sandaling iyon, mula sa kalye, narinig ang isang malayong sirena. Natigilan si Michael, nakikinig. Palapit nang palapit ang sirena. Ang kanyang ekspresyon ay nagbago mula sa panghahamak tungo sa pagkapanic. Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi alam kung makakarating sila sa tamang oras, habang ang mga katok sa pinto ay dumadagundong na parang kulog.
Sa mga oras na iyon ay dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ng boyfriend ko. Nagmamadaling tinadyakan muna ako ni Michael bago patakbong tinahak ang sekretong pinto at tumakas dito. Sa pagkakataon na ito ay ligtas ako. Ito ang mabilis na bulong ko sa utak ko. Mabilis at nanginginig na binuksan naman ni Harold ang pinto gamit ang kaniyang maliit na mga kamay at doon ay bahagyang nasilayan ko ang pagpasok ng mga nakasuot pulis kasuotan bago Ako tuluyan na nilamon ng dilim.
Nagising ako sa loob ng isang hospital at sa tabi ko ang umiiyak na si Harold. Mabilis kong niyakap ang pamangkin ko. Sa sandaling iyon ay pumasok ang nurse kasama ang dalawang Lalaking pulis at tinanong ako. Sa una ay nais kong magsalita pero noong maalala ko ang mga banta sa akin ng boyfriend ko. Mabilis kong nalunok ang mga ninanais kong sabihin.
Ayaw kong mapahamak ang pamangkin ko.
Kung kaya ay nagsinungaling ako. Sinabi kong may magnanakaw na pumasok sa bahay ay nakipaglaban ako kaya nasaktan ako ng husto. Mabuti nalang at hindi nagsalita si Harold dahil paniguradong hindi paniniwalaan ng mga pulis ang mga binitawan kong testimonya.
Paulit-ulit kong ideneklara na pagnanakaw ang lahat. Wala rin may nagsalita sa mga kapitbahay namin kaya safe ang pagsisinungaling ko. Batid kong mali ang ginagawa ko pero naunahan ng takot ang puso ko para sa buhay namin ng pamangkin ko.
Wala akong pagtitiwala sa mga pulis. Hindi ko nasisiguro na magagawa nga nilang protektahan ako kay Michael lalo pa at maraming connection ang bf ko para masaktan ako.
Pikit-matang ininda ko ang sakit. Ngayon ay paniguradong magtatago si Michael nang ilang araw o marahil ay buwan. Safte kami ni Harold sa mga ilang araw na iyon.
"Uncle...okay ka lang ba?"pagtatanong ni Harold sa akin.
Pinili kong ngumiti sa kaniya pero ang totoo ay naiiyak na talaga ako. Maagang naulila kami ng kapatid kong si Annalyn Metawin. Nakapagtapos naman ako ng pag-aaral kung kaya ay nakapasok ako bilang isang guro sa isang publikong paaralan. At nang makilala ng kapatid ko ang husband nito, malaking ang pagkatuwa ko. Isa akong male conceiver at kasiyahan ko na malaman na nahanap narin ng kapatid ko ang kaligayahan nito.
At nang makilala ko si Michael dagdag kaligayahan ang naramdaman ko.
Nang isilang ni Annalyn ang anak nitong si Harold walang pagsidlan ang kaligayahan sa puso ko. Ngunit mga ilang buwan lamang ay naaksidente ang kapatid ko at ang husband nito. Sa akin napunta ang kustudiya ni Harold at mga ilang buwan lamang ay bumagsak ang business ni Michael. Doon na nagsimulang naging Impyerno ang buhay ko.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung matatakasan ko pa ang buhay na ito. Sa tuwing lalayoan ko si Michael ay nagsisimulang sumibol ang takot sa puso ko. Pakiramdam ko ay hindi ko alam kung paano magsisimula.
Ang tanong ko ngayon ay may mga kamay pa bang aabotin ang kamay ko para iligtas Ako sa magulong mundo na kinabibilangan ko?
Meron nga ba?
Kung mayroon man...
Nasaan siya?
TO BE CONTINUE.
------------------------
Note: Mangyari na mag-iwan ng komento para alam ko ang opinion ninyo.
Salamat.
Book 2
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
