~Alexis~
"Brother umuwi karin sa wakas. Alam mo bang nag-alala kami sa'yo? Alalang-alala si Grandpa Alfonso sa ginawa mo, hindi mo manlang ba ito naisip? Saan ka ba nagsusuot?"
Mariing saad ni Krystal nang makarating ako sa Mansion ng Mendes Family. Maamong mukha nito ay nag-umapaw ng kalungkotan at pagtatampo. Ngunit kasalungat ang nakikita ko sa mga emosyong ito. Kitang-kita ko sa mga mata ni Krystal ang kasiyahan sa matinding kahihiyan na aking pinagdaraan. Ang mga mata nito ay waring nagsasabing,
'Mainggit ka bitch!"
Sa mga nagdaang araw, mula sa kasal ni Vincent at ng half-sister ko hanggang sa makilala ko ang isang mala-adonis na si Andrus Saavedra at ang mga reaction ng mga taong nasa paligid na tandang-tanda ko pa hanggang ngayon. Pakiramdam ko ay parang naubos ang lakas ko sa tension at mabibigat na emosyong nag-umapaw sa aking dibdib. Ang katanongan na paulit-paulit na sumasaliw sa utak ko ay patuloy parin na nanaig sa aking dibdib. Ang isipin na kung tama ba ang aking nagawa noong hindi ako gumawa ng paraabn para pigilan ang kasal nina Vincent at Krystal. Pakiramdam ko tuloy parang pinagtatawanan ako ng mga taong nakababatid sa sitwasyon ko. Pakiramdam ko ngayon ay iniisip ng karamihan na talonan ako. Ang duwag ako dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang posisyon Ko sa buhay ni Vincent.
Ngunit nararapat ba talagang bumalik ako doon sa venue ng kasal o sa mismong araw ng kanilang kasal upang manggulo o ipabatid sa lahat ang katarantaduhan ni Vincent at ng half-sister kong si Krystal? Matatanggap ko ba ang mga simpatya, awa at panunuligsa sa akin ng mga taong naroroon? Sapat bang gawing rason ang katotohanan na ako ang tunay na fiance ng Ex-boyfriend ko at umastang baliw o gumamit ng ibang tao para lang sa kaligayahan ko?
Pero kung ginawa ko ang lahat ng iyon at patuloy na ipaglaban ang karapatan ko kay Vincent ngunit taliwas naman ito sa gagawin sa akin ni Vincent at ng kapatid kong si Krystal, magmumukha lang akong Villain sa love story ng kapatid ko at ng Ex-boyfriend ko.
Nakakatawa lang diba? Ang maging kontrabida sa mga taong mismong sumira sa buhay ko? Kung nagawa kong manggulo sa mga oras na iyon. Paniguradong pagtutulungan ako ng mga pamilya ni Vincent at ng sarili kong Ama. At kung sakaling maging matapang ako, hindi ko na ba mararamdaman ang malaking kahihiyan sa mga mata ng mga taong nandoon? Isama na natin ang Ama na ni Krystal na walang ibang ginawa kundi ang balewalain ang damdamin ko.
Iniwanan ng Fiance sa mismong araw ng kasal at sa huli ay nabalitaan kong nagpakasal ito sa sariling kapatid. Ang suwerte nga naman talaga ng buhay ko.
At ngayon nandito ako at nagbalik sa Mendes Family.
Malapad ang ngiti ng mga taong tila ba ay nag-aantay sa aking pagdating. Matamis ang ngiting ipinukol sa akin ng kapatid kong si Krystal bago malambing na kumalambitin sa katabi nitong si Vincent. Ang lalaking minsan rin ay nagpatunay sa akin sa katagang 'Sa akin nag-alok ng kasal ngunit sa iba nagpakasal' Marahil sa iba ay katawa-tawa ito pero sa sitwasyon ko. Isa itong masalimoot na bangongot sa tanang-buhay ko.
"Lexie... "
Animoy nakakaawang tupa na tumitig si Krystal sa aking mga mata bago magpakawala ng isang malalim na pagsinghap. Suot-suot na naman nito ito ang makapangyarihan nitong maskara na siyang rason upang makuha nito ang simpatya ng mga taong nasa paligid niya. Nag-uumapaw sa mukha ni Krystal ang kalungkutan ngunit kung iyong papakatitigan nang mabuti at pag-aaralan. Mapapansin mo sa mga mata ng babaeng ito ang 'di maitagong kasiyahan sa sitwasyon na aking kinasusuongan. Bakit hindi nalang kaya nito pasokin ang pagiging isang actress at maybe sumikat pa diba?
"Alexis, I'm sorry. Hindi ko talaga ginustong mangyari ang lahat-lahat ng 'to pero nagmamahalan kami. Mahal na mahal ako ni Vincent at mahal ko rin siya, dahil dun ay nagkamali kami sa'yo. Alam kong mahal na mahal mo ang fiance mo na ngayon ay 'husband' ko pero... mahal na mahal rin namin ang isa't isa. Please, huwag ka ng magalit pa okay? Hindi namin ginustong masaktan ka. Kapatid kita kung kaya ay mahal kita. Sorry na, huwag ka nang maglayas ng bahay. Pabigla-bigla ka nalang na nawala at hindi nagpakita. Hindi mo ba alam na alalang-ala sa iyo si Grandpa Alfonso? Ngayon ay galit na galit pa si Grandpa dahil sa paglalayas mo. Sinisisisi pa kami ngayon ni Grandpa Alfonso dahil sa katigasan mo ng ulo. Alam kong nasaktan kita, namin, pero hindi naman sapat na rason ito para mawala ka nalang bigla na parang isang bata. Fine, naiintindihan kita, magalit ka na sa'kin at lahat-lahat ay ibunton mo sa'kin. Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay magpapasalamat parin ako sa'yo dahil hindi mo ginulo ang kasal naming dalawa ng taong mahal ko. Taos-puso akong nagpapasalamat sa'yo dahil napakabuti mo."
Nababalot ng hiya at lungkot ang tinig ni Krystal na siyang rason upang mabalot ng awa ang mga mukha ng mga taong kasama namin.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
