WARNING: Mature Content
This work contains mature themes and explicit content. Intended for mature audiences, 21 and older. Reader discretion is advised.
Names, characters, businesses, events, and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.PLAGIARISM IS A CRIME. RESPECT AUTHORS. STOP STEALING STORIES. NO TO SOFT COPIES.
Main Characters:
Zehra Clarabelle Mineses /
Ze-ra Cla-ra-bel
Thauce Arzen Alessandro Cervelli/
Toss Ar-zen A-les-sandro- Ser-vel-li**
Pasensya na po sa mga errors na mababasa ninyo lalo sa grammar hehe. Thank you so much at sana po matapos ninyo hanggang dulo ang kwento ni Thauce at Zehra!Three Month Agreement
by: PennieeeZehra Clarabelle Mineses
Ang kasabihan, hindi mo kasalanan na ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo na kung mamamatay kang mahirap.
Pero sa mga taong katulad namin? isang kahig isang tuka? kung hindi mangangalakal araw-araw ay walang maipang bibili ng pagkain.
"Ilang kilo ang sa akin, Tonyo?" tanong ko sa nagbabantay sa junkshop. Nakatingin ako sa kaniya habang nagbibilang siya ng barya. Kailangan ko nang bilisan, dumidilim na ang paligid. Siguradong malakas na ulan ang darating.
"Walong kilo na plastic, dalawang kilo sa mga lata," sagot ni Tonyo.
Napabuntong hininga ako. Sapat kaya 'yon hanggang bukas?
"Ito, Zehra," inabot niya sa akin ang dalawang isang daan na buo at tatlong bente. Pagkatapos ay iba ay puro barya na. Binilang ko iyon bago ako umalis.
"Wala ka atang mga papel, Zehra? hindi ka gumagawi sa mga paaralan para kumuha?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nag-angat ng tingin dahil abala ako sa pagbibilang ng mga barya.
"Maulan, mababasa lang rin, wala namang silong ang bisekleta ko," sagot ko.
Nang masiguro ko na tama ang ibinigay niya ay kinuha ko ang mga sako na pinaglagyan ng mga nakalakal ko.
"Bukas ulit kung papalarin na makakuha. Salamat ulit, Tonyo," sabi ko.
Nag-thumbs up siya sa akin. Ako naman ay sumakay na sa aking bisekleta. Para sa dalawampung taong gulang na katulad ko, dapat tapos na ako ng kolehiyo. Pero ito, nangangalakal pa rin.
"Bwisit, uulan pa nga."
Binilisan ko ang pagpedal nang malalaking patak na ang nararamdaman kong bumabagsak sa akin. Kapag minamalas ka nga naman. Buong araw na napakainit tapos sa hapon ay bubuhos ang malakas na ulan.
Nang lumakas ang bagsak ng ulan ay tumigil ako sa gilid ng isang estabilishimento. Padilim na, kaunti na lang ang mga tao. Ang ilan ay nakasakay na upang umuwi sa kani-kanilang mga bahay.
Pinunasan ko ang aking sarili ng tuyong dami na baon ko. Sa ganitong panahon, kahit tag-araw, hindi ako nagpapawala ng extra na damit. Madalas kasing umulan. Ewan ko ba sa panahon ngayon. Iyon pa ang dahilan kaya't madalas magkasakit ang mga tao.
"Yosi, yosi, yosi."
Napatingin ako sa mama na dumaan sa harapan ko. Kinakatok niya ang kaha na taban habang nag-aalok ng yosi sa iilang mga tao na nadaraanan niya. Ang hirap ng buhay. Para sa mga katulad namin, kapag hindi kami nag-isip ng paaraan para kumita tiyak na mamamatay kaming dilat dahil sa gutom.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...