Chapter 65

7.8K 128 19
                                    


Hindi ko iniwan si Lianna hanggang hindi siya kumakalma. Pagkatapos ng mga nangyari kanina sa kusina, mula sa mga sinabi ni Kit hanggang sa pagtatapat ni Lianna sa akin ng totoo sa pagkatao ni Errol at sa ginawa niya ay mas pinili ko pa rin ngayon ang manatili sa tabi niya.

Nakita ko kasi sa mga mata niya yung takot habang humihingi ng tawad sa akin, kahit nang patulog na siya ay huling binanggit niya ay salitang, 'I'm sorry.' Naniniwala ako na mabuti siyang tao, sa mga sinabi niya sa akin naramdaman ko ang sinserida sa bawat salita ng paghingi niya ng tawad.

"D-Don't... leave me... E-Errol."

Napabuga ako ng hangin at hinimas ko ang kaniyang buhok. Mahal na mahal nga niyang talaga si Errol na kahit ilang taon na, kahit nalaman niya ang mga masasamang ginawa nito ay narito pa rin siya at umaasa.

Nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya, lalo na sa hirap niya sa pagkukwento dahil pakiramdam ko ay kahit ayaw niyang maalala ang masakit na nakaraan ay pinili niya pa rin para maipaliwanag sa akin ang lahat.

Ngayon mas naging malinaw sa akin ang dahilan kung bakit matindi ang galit ni Thauce kay Errol, lalo na noong umuwi si Lianna dito sa Pilipinas.

"Hindi ko sukat akalain na ganoon siyang klase ng tao... na magagawa niya sa 'yo ang ganoon..." sabi ko habang nakatingin kay Lianna. Humugot ako ng hininga at napapikit ng mariin, unti-unti kong inalis ang hawak niya sa kamay ko. Mamaya ay kakausapin ko siya dahil sa tingin ko ay hindi pa rin siya kumbinsido na hindi ako galit at hindi ko siya iiwan.

"I-Ikaw lang ang masasabi kong tunay kong kaibigan. P-Please, Zehra... I will not do it again, I am so sorry."

Nakakatakot rin ang sobrang pagmamahal sa isang tao. Alam kong mabait si Lianna, mabuti ang puso at matulungin, ngunit nakagawa siya ng mali dahil sa pag-ibig. Para sa akin ay hindi naman 'yon kagalit-galit, kahit papaano ay nauunawaan ko siya.

"Sana makalaya ka na sa pag-ibig na nagpapahirap sa 'yo, Lianna," bulong ko pagkatapos ay umayo ako at kumuha ng kumot sa cabinet, ikinumot ko 'yon sa kaniya. Hininaan ko na rin ang aircon at nang mapatingin ako sa orasan sa gilid ay saka ko naalala si Thauce, na baka may mga mensahe na siya o tawag.

Lumabas ako ng silid at tumungo sa kwarto ko. Hinanap ko ang aking cellphone at hindi nga ako nagkakamali dahil may mga missed call na doon. Halos sampung missed calls iyon, nasa walo ang mensahe, dalawa ang kay Seya at ang iba ay lahat kay Thauce na.

"What are you doing, baby?""

"I'll have dinner later with a business partner. His name is Luther Valleje, you met Rozzean last time in the orphanage, right? Luther is his older brother."

Natatandaan ko nga.

"You are not replying. Are you busy?"

"If I don't receive a reply after five minutes, I'll call."

Sa pagbabasa ng mga mensahe ay hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Hindi naman mahaba ang durasyon ng bawat mensahe at chineck ko ang huling message niya pati ang history ng unang call at wala namang limang minuto, kulang dalawang minuto lang.

Ang igsi rin talaga ng pasensiya nitong si Thauce.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng message niya. Ang panglima ay mayroong emoji na nakataas ang isang kilay. Hindi siya madalas gumamit ng emoji pero mukhang ipinaparating niya rito na nagtataka na siya dahil hindi ako sumasagot sa mensahe at sa tawag.

"Baby, why are you not answering?"

Medyo mahaba ng ilang minuto at sumunod a mensahe.

"And Lianna's not answering her phone also. Are you two together? I am starting to worry, baby. Call me after you read my messages."

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon