Chapter 40

9.5K 163 16
                                    


Ang tibok ng puso ko ay muling bumibilis habang nakatingin sa kaniya. Inilalayo niya ako kay Errol, ayaw na niyang makasama ko si Errol... a-anong. S-Sandali...

Lahat ng nais niyang gawin ko noong una ay kabaliktaran na ngayon.

"Tatlong buwan na kasunduan, Thauce, nakalimutan mo na ba? Kailangan kong kuhanin ang atensyon ni Errol, paibigin siya. Manatili sa tabi niya. Bago ang operasyon ni Seya malinaw ang lahat sa ating dalawa. Thauce, gusto ko nang matapos ang kasunduan, ginagawa ko na, 'di ba? ginagawa ko na ang lahat k-kahit masakit sa loob ko na lokohin si Errol."

"Ano na naman ito?"

Paulit-ulit na ako, paulit-ulit na ako sa kung ano ang usapan naming dalawa dahil hindi ko na maintindihan ang ugali niya.

Hindi noon kaya ng konsensya ko, naisip ko na paano kung malaman ni Errol ang tungkol sa kasunduan? sobrang kahiya-hiya. Ano ang mukhang maihaharap ko? pero wala na akong magagawa dahil narito na ako. Tatapusin ko na pero ang utak ni Thauce, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo doon.

Nang tumahimik siyang muli ay nahilot ko ang aking sintido. Nauubos ang aking pasensiya nang muling tingnan siya.

"You don't want to continue the agreement before, right? then okay. Work for me," napalunok siya, hindi nakaligtas sa aking mga mata iyon.

Hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi. Ano ang ibig sabihin niya?

Sariwa pa rin sa isipan ko ang usapan namin na iyon sa kaniyang opisina, nang dalhin niya ako sa silid doon at kubabawan. G-Ganoon ba ang nais niyang maging trabaho ko? a-ang maging se-se x... a-ayoko.

Kahit naman gusto ko siya ay ayoko! hindi ako ganoong klase ng babae!

Umiling ako sa kaniya. Sunod-sunod.

"Itutuloy ko itong napag-usapan, Thauce. Ang mga unang sinabi mo. Iyon ang nasa kasunduan. Sa papel na pinirmahan ko."

Desidido na rin ako na mapalayo sa kaniya. Ang kalimutan siya. At... at kasamaan man na magamit si Errol, pero w-wala na akong pagpipilian. Nais ko nang lumayo sa kaniya.

"Tatapusin ko ang napag-usapan natin. Ang tatlong buwan. Mananatili ako sa tabi ni Errol. Tama ka naman simula umpisa pa lang. Maaaring mahulog ang loob ko kay Errol. Mabait siya, maalaga at mas mararamdaman ko iyon ngayon sa pagsasama namin."

"W-what..."

"What the fck..." rinig ko iyon kahit mahina. Kumunot rin ang aking noo nang bigla siyang tumalikod. Ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang baywang. Nagpalakad-lakad siya pabalik-balik at hindi humaharap sa akin.

"Kung wala ka nang ibang sasabihin pa ay aalis na ako. Hinihintay na ako ni Errol sa silid namin, magpapalit pa ako ng damit dahil nakakahiya kung magtatagal kami dahil tiyak na naghihintay na rin ang mga kaibigan ninyo," sabi ko at hindi ko na hinintay pa na magsalita si Thauce. Tumalikod na ako at naglakad. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lang ako nang hablutin niya ang aking kamay at mahigpit na hawakan.

A-Anong...

Ang isa naman ay mahigpit na kumapit sa aking baywang.

"Thauce--"

"No."

Ang bilis ng pangyayari na nasa kaniyang mga bisig na naman ako at magkalapit na naman kaming dalawa. Sa hindi ko inaasahang pagkilos niya ay hindi kaagad ako nakalayo. At ngayon kahit subukan ko pa ay hindi na ako makawala sa kaniya.

"A-ano bang no? ano pa ba ang gusto mong pag-usapan, Thauce?!" salubong ang aking mga kilay, sinusubukan ko na kumawala ngunit mas humigpit pa ang kapit niya.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon