Napalunok ako, binuksan ko rin ang mga mensahe.
"Arzen, are you home already? ang sabi ni Shirley ay mag-o-overtime ka."
Dalawang oras na ang nakalipas nang isend nito ang mensahe.
"I-I am sorry. Hindi ko na rin alam ang gagawin kay Dad. His mind is closed and he still wants the marriage to continue."
Natutop ko ang aking bibig. Naramdaman ko agad ang kirot nang mabasa ang mensahe ni Lianna. Lalo na ang pinakahuli.
"Arzen, I need you..."
H-Hindi pa rin tapos ang pag-uusap sa kasal?
Nanlalamig ang mga kamay ko nang ibaba muli ang cellphone. Napatingin ako kay Thauce na natutulog. Napapikit ako ng mariin, tumalikod ako at mabilis na bumaba patungo sa kusina. Pagkarating ko ay binuksan ko ang ref at uminom kaagad ng tubig.
"Z-Zehra, sinabi mo na maniniwala ka kay Thauce, hindi ba? hindi matutuloy ang kasal nila. H-Hindi siya papayag..."
Naghilamos ako, itinuon ko ang aking atensyon sa pag-iinit ng mga pagkain. At nang makatapos ako ay inayos ko ang aking sarili bago umakyat dala-dala ang tray. Ngunit pagdating ko doon ay natagpuan ko si Thauce na nakabihis na, may galit sa kaniyang mukha habang may kausap sa cellphone.
"Okay. I'll go there now."
A-Aalis siya? si Lianna kaya yung kausap niya?"
Pagkababa niya ng cellphone ay lumapit si Thauce sa akin. Naibaba ko naman ang tray sa gilid at mahigpit akong napakapit sa suot niya. Pero bago ko pa matanong kung saan siya pupunta ay narinig ko na 'yon sa kaniya.
"I need to go to Martini's Hospital. Lianna was taken there."
Sa mga narinig ko, ang kaba at takot na nararamdaman ko sa sitwasyon namin na dalawa ay napalitan ng pag-aalala kay Lianna.
"Ano? b-bakit? anong nangyari kay Lianna?"
"Fck. I still don't know, baby. I'll go there now."
"Don't wait for me, I might come home late," pagkasabi non ni Thauce ay binigyan niya ako ng mabilis na halik sa mga labi.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniya, halata rin na nagmamadali na siyang umalis. Pagkakuha ng susi ng sasakyan niya sa gilid ay binalikan niya ako.
"Mag-iingat--" pero hindi na niya 'yon narinig pa, patakbo siyang lumabas ng silid at pagkasarado ng pinto ay napaupo ako sa gilid ng kama.
Napatingin ako sa pagkain na inihanda ko para sa kaniya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong pwesto habang ang isipan ko ay okupado ng kung ano ba talaga ang nangyayari.
Ipinilig ko ang aking ulo at tumayo.
"Magtiwala ka kay Thauce, Zehra," matigas kong sabi sa sarili ko. Huminga ako ng malalim. Inalala ko rin ang mga salita ni Lianna. Siguradong walang namamagitan sa kanila, pero bakit gustong-gusto ng ama niya na ituloy ang kasal?
Bumaba ako ng silid dala ang tray at ang malalim na pag-iisip sa nangyayari. Hindi rin ako nakakain, napapainom ako ng tubig habang nasa sala at nakaupo sa sofa. Panay ang pagtingin ko sa oras. Hinihintay si Thauce kahit pa sinabi niya sa akin na huwag ko siyang hintayin.
"Alas-nuwebe..."
K-Kung pumunta kaya ako sa Hospital? itatanong ko na lang kung anong room number ni Lianna.
Nang maisip ko 'yon ay tumalima agad ako. Pero bago pa ako makaalis sa pwesto ko ay siyang pagtunog ng pinto. Lumapit naman ako doon at binuksan 'yon.
Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras? importante na tao ito tiyak dahil nakapasok ito sa mismong harapan ng bahay ni Thauce. Pagkabukas ko naman ng pinto ay ang bilis ng pangyayari, may isang babae na kaagad na pumasok na parang sanay na sanay na itong ginagawa 'yon.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomantizmDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...