Chapter 123

4.6K 81 0
                                    


Alam kong ayaw ni Thauce na magkita pa kami ni Errol at magkausap pa. Pero para sa akin, gusto ko pa rin masabi rito ang totoo dahil isa si Errol sa mga taong naramdaman ko na tunay ang naging malasakit sa akin.

Kahit pa may nalaman ako na hindi maganda tungkol sa kaniya.

"Thauce will really kill me," nakangisi niyang sabi.

Nang magkita kami kanina sa harapan ng mall ay kinamusta lang niya ako, aalis na rin siya talaga kaagad pero kinuha ko na rin ang pagkakataon na 'yon para makausap siya. Ngayon ay narito kami sa isang coffee shop, hindi naman ganoon kalayo sa mall.

"Ako naman ang nag-imbita sa 'yo dito, kaya ako na ang bahala kung magagalit si Thauce."

At talagang magagalit nga ang asawa kong 'yon.

"Kamusta ka na, Errol?" tanong ko sa kaniya.

Habang tinitingnan ko siya ngayon ay pakiramdam ko ibang tao na ang kaharap ko. Ang buhok niya ay medyo humaba, ang ilalim ng mga mata niya ay nangingitim. Pero bukod doon, ramdam ko ang lungkot sa mga 'yon.

"How am I? I don't know how to actually answer that, Zehra, after all of that happened. Pero siguro, ayos lang ako, as you can see."

Umiling ako agad dahil hindi 'yon ang nakikita ko.

Pagkatapos ng nasaksihan namin ni Thauce noon sa ospital, ni ang tingnan niya kami ay hindi niya nagawa. Para ngang blangko noon si Errol, na pakiramdam ko, si Eleaz lang at ang galit nito ang nasa isip niya. Pati ang nangyari kay Lianna.

"Maybe, you are thinking why I suddenly vanished?"

"Hindi naman... wala rin naman akong inaasahan na paliwanag sa 'yo noon, Errol. Pagkatapos ng pagtatapat ko at ni Thauce ng relasyon namin na dalawa, alam ko na syempre, hindi na magiging tulad ng dati ang relasyon natin."

"Pero ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap ay dahil gusto kong humingi ng tawad sa 'yo, Errol."

Yumuko ako sa kaniya, at pag-angat ko ng tingin ay nakangiti siya sa akin. Iba ang kislap sa mga mata niya.

"Hindi ba ako ang dapat humingi ng tawad? Alam kong sinabi ni Kit sa 'yo kung anong klase ako ng tao, Wayne told me what happened. Pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit ako lumayo, Zehra. It's just that... I really fell in love with you."

Ang mga ipinakita niya sa akin, una pa lang ay naramdaman kong hindi peke. Lahat ay totoo.

"At first, yes, I admitted that I was challenged to have you. To make you mine. Sanay akong lahat ng babae ay madali ko lang nakukuha, but when I saw that Thauce looked like he was interested in you, mas lalo ko na ginusto na makuha ka. I don't know, naging ugali ko na ang lahat ng mga nagugustuhan niya ay gusto ko na mapasa akin. Gusto kong makuha."

"Katulad ni Lianna..." sabi ko. Nahuli ko ang paglunok niya, pati ang pagdaan ng sakit sa mga mata.

"Yes. Dahil sa... inggit."

"Thauce was always on top, almost in everything. And my father since I was a child always tells me to be like him. 'Gayahin mo si Thauce.' 'Tingnan mo ang mga achievements niya.' Ang basehan ni Dad ng success sa tuwing pinapangaralan niya ako noon ay si Thauce. Na kahit halos magkasing-edad lang kami, na para sa akin marami pa rin dapat matutunan si Thauce ay siya palagi ang bukambibig ng Dad. That's when I started to hate him."

"And I used Lianna. I was an asshole to use her, I know. Pero tuwang-tuwa ako nang mayroon akong bagay na gusto ni Thauce noon na hindi niya nakuha."

Nanikip ang dibdib ko sa mga narinig kong sinasabi ni Errol. Pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Lianna, naalala ko ang pag-iyak niya at kung paano niya sabihin sa akin na mahal na mahal niya si Errol.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon