Pennie: Yay! habol sa Valentine's day! happy reading!
----
Ang simpleng pag-iiwan rin ni Thauce ng pagkain sa akin ay naging malaki ang epekto. Isa iyon sa hindi ko inaasahan sa kaniya lalo pa sa nangyari sa pagitan namin na dalawa. At ang sticky note... kahit na pangalan ko lang ang nakasulat doon ay ilang beses ko pa ngang tinitigan at binasa.
"Are you okay, Zehra?"
Binalingan ko si Lianna nang marinig ko ang boses niya.
"Ayos lang..." tipid akong ngumiti sa kaniya.
Alas nuwebe ng gabi at narito kami ngayon sa may entertainment room sa kanilang resthouse. Nanonood naman kami ngayon ng horror movie. Kahit na panay ang tili ng mga kababaihan sa tuwing lalabas ang multo ay hindi non nakuha ang atensyon ko sa sobrang pag-iisip sa pagkain na itinabi ni Thauce para sa akin.
Tuloy, ito, bumaling na naman ako sa kaniyang pwesto. Malayo sa akin. Hindi naman siya dapat narito. Pinilit lang ng mga lalakeng kaibigan niya dahil napansin na ng mga ito na inilalayo ni Thauce ang sarili.
Napabuga ako ng hangin. Kasalanan ko iyon. Pati ang sana ay bonding nila ng mga kaibigan niya ay naaapektuhan kasi palagi rin akong kasama ng mga ito.
Talagang sinusunod ni Thauce kung ano ang sinabi ko sa kaniya.
"Aahh! oh my! can we change it?! ang boys lang ang nage-enjoy!" sabi ng isang babae.
"Lianna and Zehra also! look at them!" si Tristan ang nagsalita at itinuro kami.
Ang totoo ay hindi ko na maintindihan ang aming pinanonood. Oo at nakatingin ako sa screen pero ang isipan ko ay nasa ibang bagay.
"Are you scared, Zehra?"
Hindi sana makukuha ng tanong na iyon ang atensyon ko kung hindi kinuha ni Errol ang aking kamay at mahinang hilahin. Napatingin tuloy ako doon.
Hindi lang pala ako dahil napansin ko na pati ang mga katabi namin. Si Wayne, Kit, at Lianna pero ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang pag-angat ng tingin ni Thauce. Nasa screen kanina ang paningin niya at sa lakas ng volume ng TV ay nakuha pa ng tanong ni Errol ang atensyon niya.
"Hindi... hindi naman ako takot. Ayos lang sa akin," sagot ko. Pasimple kong binawi ang kamay ko at kunwari ay inihimas sa aking mga braso ngunit hindi rin naging magandang kilos dahil nang makita iyon ni Errol ay hinubad niya ang jacket niyang suot at inilagay sa aking mga balikat. Kinuha pa niya ang kamay ko at ikinulong sa kaniyang mga palad na parang binibigyan ng init.
"Errol, huwag na. Ayos lang, hindi naman ako masyadong nilalamig--"
"Actions speak louder than words, Zehra. Wear it and I can feel your hands, ang lamig ng mga kamay mo," sabi niya.
Siguro ay dahil sa pag-iisip?
"Errol," angal kong muli pero umiling lang siya. Umangat pa ang isa niyang kamay at inipit ang buhok ko sa likod ng aking tainga.
"So sweet, Errol!" sabi ng isang babae.
"Yes, Rica, masyadong nagpapainggit si Errol," sabi naman ni Tristan.
Ngayon ay nasa amin na talagang dalawa ang atensyon ng mga nasa loob! lalo akong nailang. Para matapos na lang ay isinuot ko na ang jacket. Narinig ko rin ang panunukso ng ibang mga kalalakihan kay Errol. Pero napansin ko ang seryosong mukha ni Kit at ang pag-ayos nito ng upo, nag-iba rin ang timpla ng mukha.
"Stop with the teasing. Nahihiya na si Zehra," si Errol na nakangiti nang batuhin ng mga throw pillows ang mga kaibigan na lalake.
"Don't deny this Errol, sa ating lahat ikaw ang mas nag-e-enjoy dito sa bakasyon, 'di ba? Paano ba naman ay kasama mo pa si Zehra sa room!"
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...