"Talagang hihintayin ko na humingi ng tawad sa 'yo si Rita, Zehra. I don't think that btch would do it, eh. Nung sinabi sa akin ni Wayne nagulat ako at sa isip-isip ko na imposible na gawin niya 'yon."
Ngumiti ako ng tipid kay Lianna, katatapos lang namin na kumain na dalawa. Nakaupo siya sa giilid ng kama at ako naman ay nasa gilid sa may pang-isahang sofa.
Ang totoo ay okupado ang isipan ko ng nangyari kanina sa kusina nang makasalubong ko si Kit. Kung totoong pinanigan niya si Rita ay ayos lang, magkaibigan sila at mas matagal nang magkakilala. Pero kinakailangan ko na kausapin siya.
Gusto ko na maipaliwanag rin sa kaniya kung ano ang nangyari kanina at bilang karapatan rin niya na makakuha ng dahilan sa akin kung bakit hindi ko kayang matanggap ang nararamdaman niya.
"Hindi na lang ako kikibo at wala akong gagawin sakaling may marinig na naman ako sa kaniya, Lianna. Uuwi na rin naman ako ngayong gabi, eh. Hihintayin ko na lang si Thauce."
Matitiis ko pa, kakayanin ko na lang kung may pang-iinsulto pang ibato sa akin ang babaeng 'yon.
"Arzen would get mad. I think Wayne knows that he will come back tonigt kaya rin siguro gusto niya magkaharap ang lahat. At ang totoo, Zehra? hindi magandang ideya na magharap-harap ang lahat kasama si Arzen. Wala siyang pakialam kahit sino ang kaharap niya basta galit siya, and tell me, when he called you is he calm?"
Umiling ako.
"Haaa, Rita doesn't know what kind of mess she has made this time. Nabulag na talaga siya ng pagmamahal niya kay Kit. Siguro ganoon talaga, 'no? ako, kay Errol. Look at me, Zehra. I did bad things just so he could see me again pero pinagsisihan ko naman na ang lahat ng 'yon pero itong si Rita, baliw na ata kay Kit para magawa at masabi niya 'yon sa 'yo."
Iba rin talaga ang nagagawa ng selos, pero sa kulang isang buwan namin dito sa isla, ni hindi naman kami madalas na magkasama ni Kit, kaya hindi ko rin alam kung bakit namuo ng ganoon ang selos niya at naging matinding galit.
"Well, Kit is a kind person. Katulad ng sinabi ko sa 'yo noon, He was the one who helped me when I was drown by my feelings for Errol. Ang ibig kong sabihin ay nong nagpapakalasing ako, sobrang wasted, Kit and Wayne always pick me up at Errol's place. When he exposed Errol to you? I know he just wanted to save you."
Bahagya akong napayuko nang bumaba ang boses sa pagkukwento ni Lianna.
"Friends are there to comfort you, guide you, open your eyes to what's really happening, and help you recognize your worth when you're struggling with problems. Masasabi ko Zehra na isa si Kit sa mga kaibigan namin noon na nasandalan ko, and I can't even get mad at him right now if he is on Rita's side, naiinis oo pero yung galit? hindi kasi alam kong nagpaawa lang si Rita. That btch."
Ramdam ko nga ang inis niya, pero hindi ko rin naman basta huhusgahan na lang si Kit.
"Ramdam ko rin naman yung kabutihan niya, Lianna. Saka hindi ko inakala na matatandaan niya ako noon nung nagtatrabaho pa lang ako sa bar ng kaibigan ninyo. Nagulat lang ako nang sabihin niya sa akin na noon pa lang napansin na niya ako."
"That's not possible, Zehra. You have the face! you are also kind, and well, nung mga panahon kasi na nasa ospital si Seya, naikwento ko sa kanila ni Wayne yung sitwasyon ninyo," sabi niya at ngumiti sa akin at nag-peace sign.
"Sorry, I told them without your permission."
Umiling naman ako, "Okay lang, wala naman akong problema don, Lianna. Saka alam ko naman na mabuti ang itensyon mo sa amin na magkapatid. Magdududa pa ba ako? ilang buwan na ang nakalipas, idagdag pa na hanggang ngayon ito at inaalagaan mo rin ako dito."
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...