Pakiramdam ko ay namanhid ang aking buong katawan habang nakaupo pa rin sa sahig. Nakaalis na ang stepmother ni Thauce pero ako ay nanatili pa rin na hindi kumikilos. Nakatingin sa mga larawan habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.
Wala nang mas sasakit pa na malaman ko na buntis si Lianna at ang ama ay si Thauce. H-Hindi ko 'yon naisip sa kabila ng p-pagseselos ko...
Natutop ko ang aking bibig nang mapahikbi. Ang mga larawan na ito, sobrang lapit nilang dalawa. N-Nakangiti si Lianna at nakatingin sa kaniya h-habang nakaalalay ang kamay niya at naglalakad silang dalawa.
"Believe in me, Zehra."
"I can lose my company but I cannot lose you."
Mas naramdaman ko ang kirot nang marinig ko sa aking isipan ang mga salitang sinabi niya sa akin isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ko na malaman ang tungkol sa kasal.
At kahit na hindi ko gusto, ang mga alaala sa isla kung saan napakaprotektado at maingat niya kay Lianna ay kusang pumasok sa isipan ko.
A-at pati ang mga senyales na buntis ito.
Hindi ko alam... h-hindi ko alam kung bakit parang napakahirap naman abutin ng ligaya kasama si Thauce? b-bakit sunod-sunod ang problema? isang linggo pa lang ang nakalipas nang malaman ko na gusto silang ipakasal ni Lianna pagkatapos ay i-ito naman?
Mas mabigat ito at mahirap tanggapin.
"T-Thauce..." kinuha ko ang isang larawan, dahan-dahan kong iniangat 'yon sa harapan ko. Napayuko ako at mas lumakas ang tunog ng aking pag-iyak habang nakatingin doon. At habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko, kumilos na ako. Nakaluhod ko na inipon ang nakabagsak na mga larawan.
Bawat kuha ko at tingin ay parang matalim na bagay na bumabaon sa dibdib ko. At habang ginagawa ko 'yon ay nakarinig ako ng mga yabag. Nagmamadali.
"Ma'am Zehra..."
Pinalis ko ang mga luha ko nang marinig ang boses ni Adriano. Pagkakuha ko ng mga larawan ay ang pera naman na ibinagsak sa akin ng step-mother ni Thauce. Dahan-dahan akong tumayo pero dahil sa nanghihinang mga tuhod ay muntik na akong muli na bumagsak kung hindi lang ako naalalayan ni Adriano.
"S-Salamat..."
"Ma'am, mas mabuti po siguro kung huwag kayong aalis. Kung ano man po ang mga sinabi ni Ma'am Diana sa inyo, hintayin ninyo po si Mr. Cervelli para--"
Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso na ikinatigil niya sa pagsasalita. Pagbaling ko sa kaniya ay ang labo ng tingin ko dahil sa mga luha. Nanginginig ang mga labi ko na ngumiti, at muli akong napahikbi bago magsalita.
"Hindi ba t-talaga ako nararapat para sa kaniya? Mahal na mahal ko si T-Thauce pero ang sakit-sakit ng dahilan sa pagkakataon na ito para magkalayo kami."
Nang bumitaw ako sa kaniya at magsimulang maglakad ay naramdaman ko na sumunod si Adriano. Napakabagal ng paghakbang ko, hinang-hina ako at halos hindi na makapag-isip ng tama.
Muli kong nilingon ang tauhan ni Thauce, nakita ko ang awa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko ang sarili ko... kumukuha ng lakas pagkatapos ng mga nalaman ko.
"G-Gabi na, magpahinga ka na. Maraming salamat, Adriano."
Pagkasabi ko non ay muli akong pumihit. Dahan-dahan akong naglakad paakyat sa silid namin ni Thauce dala ang mga larawan at pera ng stepmother nito. Nanginginig kahit ang mga binti. May isang beses na muntikan akong madupilas sa pag-akyat pero nakaalalay pa rin sa likod ko si Adriano.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...