Chapter 27

9K 158 6
                                    


Ang tatlong buwan na usapan namin ni Thauce pagkatapos ng operasyon ni Seya ay inaasahan ko nang matutuloy kahit pa malinaw na may gusto na sa akin si Errol. Kailangan na nasa akin palagi ang atensyon niya upang mawalan ng pag-asa si Lianna. Nang sa gayon ay magawa ni Thauce ang gusto niya.

Sa ilang linggo lamang ay napakarami nang nangyari na alam ko na maapektuhan ng sobra ang aming kasunduan. Ang masamang pagtingin ko sa kaniya pagkatapos ng naganap sa kaniyang opisina. Nang magmakaawa akong pagtrabahuhan na lang ang lahat ng perang magagastos niya ay nagbago nang malaman ko na siya ang nagligtas sa buhay ni Seya.

Palagi ay nais ko na siyang makita at napagtanto ko ang aking nararamdaman nang umagang iyon, sa silid ng kapatid ko sa ospital. Siya, bilang si Dr. Arzen. Ang Dr. na nag-opera kay Seya.

Hindi ko namalayan na ang mga araw ko sa ospital sa pagbabantay sa kapatid ko, sa usapan at pagkikita namin ni Thauce ay mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Isa sa hindi ko inaasahan dahil sa dating galit ko sa kaniya.

Ngayon, ang plano niya ay mukhang nagtatagumpay na dahil sa halik na nasaksihan ko sa kaniyang opisina.

"Ano ang gagawin ko dito sa bahay mo? hindi ako tatakbo sa iyo. Hindi mo ako kailangan ikulong dito, Thauce."

Tumalikod siya at naglakad. Ako naman ay naiinis na sinundan siya. Nakakuyom pa ang aking mga kamay. Ang nais niya lang naman ay mapaibig ko si Errol, makuha ko ang atensyon nito at makasama ko ng tatlong buwan para mailayo ito kay Lianna.

Tapos, ano ang gagawin ko dito sa bahay niya?

"Thauce–"

"You will work for me. Cook my food and clean my house."

Ha? Iyon ang dahilan kung bakit ako dito titira? Bakit hindi na lang niya diretsahin na nais niya akong gawin na katulong!

"Paano iyong tatlong buwan? kailangan ko na makasama si Errol, hindi ba? paano kapag nalaman niya na nakatira ako dito sa iyo?"

"Thauce... hindi ako puwede dito."

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya kahit nang umakyat siya ng hagdan. Inalis niya ang kaniyang kurbata. Hindi niya ako nililingon at nang makarating siya sa kaniyang silid ay binuksan niya iyon. Nagdalawang isip pa ako kung susunod pero nagdire-diretso na rin ang aking mga paa dahil nais kong malaman kung ano ang pinaplano niya.

"Hindi ako maaaring tumira dito. May buhay rin naman ako na sarili, Thauce. Isa pa, wala akong balak na takasan ka lalo at nasa kamay mo rin ang kapatid ko. Hindi kita lolokohin para dito mo pa ako patirahin sa bahay mo. Wala akong gagawin na kung ano para mabali ang nasa kasunduan dahil tiyak na ipakukulong mo ako."

"Thauce..."

Huminto siya sa paglalakad. Mukhang papasok na siya sa kaniyang closet non. Humawak ang mga kamay niya sa kaniyang baywang at humarap sa akin. Tanggal na ang mga butones ng puting polo na kaniyang suot.

Ayoko rin sa ideya na narito ako sa bahay niya dahil tiyak na hangga't nakikita ko siya at nakakasama ay hindi mawawala ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"You will stay here in my house until I tell you to leave."

"The vacation will happen next week. Sasama si Errol, we will stay at Lianna's family resort in Palawan for a month. Hindi ako sigurado kung gaano pa katagal. And you staying here in my house is my decision. Ang lahat ng aking sasabihin ay kailangan mo na sundin. I need someone who will clean my house--"

"Edi, kumuha ka ng katulong!" sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sigawan siya. Siguro dahil alam ko na ang pagkalimot ko sa kaniya sa nararamdaman ko ay nasa bingit ng trahedya.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon