Chapter 10

10.4K 162 12
                                    


Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mga yabag sa loob ng silid ni Seya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita ko si Thauce na narito sa loob.

May kausap itong dalawang doctor at tatlong nurse!

"How is Seya's condition, Alvaro?"

Hindi ko alam kung bakit pero napapikit akong muli habang nakahiga sa sofa. Nagpanggap na natutulog pa rin habang nakikinig sa usapan nila.

"Her nose bleed last night. It's not a good sign. We are going to run some tests for today, Arzen. Are you related to this patient? nagulat ako nang sabihin ni Gabrielle na narito ka at may binabantayan na pasyente. Akala ko ay isa sa pamilya mo."

Arzen... second name iyon ni Thauce. Iyong iba ay Arzen talaga ang tawag sa kaniya. Mga close friend kaya? pero sila Errol at ang ibang mga kaibigan niya ay Thauce naman ang tawag sa kaniya.

"She's important to me. Anong oras ite-test?"

Napatigil ako nang marinig ang sinabi ni Thauce. Sinabi niya na importante si Seya... t-totoo ba iyon?

"Now. Hinihintay na lang namin ang kukuha sa kaniya."

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay naidilat ko ng sandali ang aking mga mata. Nakita ko ang isang stretcher na ipinasok ng dalawang kalalakihan.

"Oh, ito na rin pala," sagot nung Dr. Gabrielle.

Binuksan kong muli ang mga mata ko ngunit hindi buo sapat lang para makita ko sila kahit papaano. Nasa gilid ni Seya si Thauce. Nakita ko na nakatingin si Thauce sa IV ni Seya at pagkatapos ay nakahawak siya sa palapulsuhan ng kapatid ko.

"Okay, Seya, we are going to run some tests again, huh? mabilis lang ito," sabi ng isang doktor.

"Sige po, pero tulog pa po iyong ate ko, napagod po ata siya kagabi."

Nang makita ko na napatingin sa gawi ko si Thauce ay muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! pakiramdam ko ay lalabas na iyon sa loob ng dibdib ko. Tumawag kaya siya kanina? nagmensahe na pupunta dito?

"Malalaman naman niya kapag may nurse na pumasok dito. Don't worry about it."

"Sige po, Kuya Thauce!"

Hindi ako gumagalaw. Mahigpit ang kapit ko sa aking damit hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto at paglabas ng mga nasa loob ng silid. Nang sumara iyon ay hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko.

Umalis na ba silang lahat?

Wala na ba--

"I know that you are awake, Zehra Clarabelle."

Muntik na akong mahulog sa sofa sa gulat nang marinig ko ang boses ni Thauce. Sobrang lapit non! at nang idilat ko ang mga mata ko at umangat ang tingin ko ay nakita kong nasa harapan ko na siya at nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa akin.

"T-Thauce..."

Bigla kong naalala iyong ginawa nangyari kagabi.

Zehra! tigilan mo!

"A-Ano ang ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"

Dahan-dahan akong bumangon. Inayos ko ang buhok ko na dumikit sa aking mukha. Tumikhim ako. Hindi ako makatingin sa kaniya at dahil iyon sa naganap kagabi! akala ko ay makakalimutan ko pero dinalaw pa ako hanggang sa aking panaginip!

"You went to my house last night."

Hindi iyon tanong!

"H-Hindi!" mabilis kong sabi.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon