Chapter 102

5.2K 92 1
                                    


"Thauce, bayad na ang renta. Hindi mo naman kailangan bilhin 'tong apartment. A-Ano naman ang gagawin mo dito?"

Hindi ko ba alam kung dahil sa galit lang niya kay Ma'am Jineth kaya niya 'yon sinabi pero kasi...

Sinulyapan ko ang pera na nasa gilid namin. A-Ang dami non, punong-puno ang brief case. Napabuntong hininga ako at tumalikod kay Thauce, pagkatapos ay hinarap ko si Ma'am Jineth na wala nang kulay ang mukha.

"I-Ipapapulis ba ninyo ako?" tanong nito, mababa na ang tono ng boses kaysa kanina.

"Hay naku ka kasi, Ma'am. Bakit kasi binalikan mo pa si Zehra ay may resibo ako ng mga binayaran ko sa 'yo? huhuthutan mo pa itong kaibigan ko ayan ang napala mo," si Lea ang sumagot.

Lumapit ako sa landlady at tumingin naman ito sa akin. Hindi ko nagustuhan yung mga sinabi niya kanina na sobrang ikinainis ko pero ngayon naaawa na ako sa itsura niya lalo pa at alam kong hindi nagbibiro si Thauce.

"Pa-pasensiya ka na, Zehra! oo! bayad na ni Lea ang lahat! huwag ninyo akong ipakukulong!"

"I will really put you in jail for deceiving my wife. Hindi pa ako natatapos, pagdating ng lawyer ko ay--"

Nang lingunin ko si Thauce ay napahinto siya sa pagsasalita. Isang tingin ko lang ng seryoso sa kaniya. Nauunawaan ko na galit siya dahil sa pagtrato sa akin ni Ma'am Jineth pero kahit pa ganoon ay wala itong magiging laban sa kaniya.

"Maggawa na lang po tayo ng kasulatan. Isulat ninyo po na bayad na po ang lahat ng renta at iba pang kailangan bayaran dito sa apartment. Iyon lang po at tapos na po ang usapan na ito," sabi ko.

Napatayo naman siya at lumapit sa akin, nakuha kong hahawakan ako nito pero si Thauce ay mabilis na humarang at hinila ako sa gilid palayo. Alerto rin si Adriano nang tumayo ito at lumapit.

"G-Gusto ko lang pagsalamat at humingi ulit ng tawad. S-Sorry, Zehra!"

Tumango lang ako dito bilang sagot. Nang mapansin ko na tumingin si Thauce kay Adriano ay lumabas naman ito. Mabilis lang rin na nakabalik at may dala na itong papel at ballpen. Minsan namamangha ako sa dalawa na ito, tingin lang ni Thauce kahit wala nang sabihin ay nauunawaan ni Adriano.

Nagsimula na ngang magsulat si Ma'am Jineth sa papel ng pangako niya na panghahawakan namin na wala na akong atraso sa pagbabayad ng renta. Nang makatapos ay kinuha ko 'yon at inilagay sa loob ng bag ko. Nagpaalam na rin siya at humingi ulit ng paumanhin. Sinabi pa na kung may kailangan ako at kung mananatili pako dito sa apartment ay pwede pa naman dahil bayad na ang pang-isang buwan na renta.

Pero tumanggi na ako. Nang maiwan kaming apat ay saka ko hinarap si Thauce. Nagpamaywang ako sa harapan niya at seryoso siyang tiningnan.

"Maaayos naman 'yon sa usapan, Thauce. Dumating naman rin si Lea, siya rin makakapagpatunay at may mga resibo na siya mismo ang tumanggap. Natakot sa 'yo ang tao," sabi ko.

Maaliwalas naman na ang mukha niya, wala na ang galit. Hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos ay hinalikan ang ibabaw non. Sa gilid naman ng mga mata ko ay nakatingin lang si Lea, pinanonood kami. Ngayon niya makikita ng harapan talaga yung sinasabi ko na iba si Thauce at hindi nakakatakot tulad ng iniisip niya.

"That's my intention, baby, to threaten her. Wala siyang karapatan na sigawan ka ng ganon."

Huminga ako ng malalim, minsan itong si Thauce sa sobrang protective niya sa akin nagugulat ako sa mga desisyon niya. Binalingan ko naman 'yong pera, napatingin rin siya doon.

"At paanong nakahanda na ito?"

"Ohh, that... the money is yours and Adriano always has it with him in case you want to buy something."

Talaga ba?! ganito karaming pera dala-dala lang palagi ni Adriano p-para sa akin? eh, yung isang daang libo nga non gulat pako! ito pakiramdam ko ay higit isang milyon!

"Ahh, Zehra, kasi hinahanap ka na rin ni Adriano kanina. Pagkabalik ko sa bahay ay kinausap niya ako. Tapos sinabi ko nga na nandito ka. Mukhang naabutan niya yung nangyayari at sinabi kay Mr. Cervelli na andito na rin at saka niya pinakuha iyang pera."

Napahilot ako sa sintindo at pagkatingin ko kay Lea ay nakangiti lang siya. Nang hilahin naman ako ni Thauce sa baywang palapit sa kaniya ay natuon na sa kaniya ang pansin ko.

"Don't get mad," bulong niya. Nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniya.

"Hindi ako galit, Thauce."

Nanlalambing ang tingin niya, humihingi ng paumanhin kaya napabuntong hininga na lang ako. Si Adriano na tahimik lang ay isinarado na ang briefcase at lumabas ng walang pasabi, si Lea ay ganoon rin at sinabi na mauuna na daw siya. Siya na rin ang nagsarado ng pinto pagkaalis nilang dalawa. Alam ko naman na gusto lang nila kaming bigyan ni Thauce ng privacy.

"You are mad..." giit niya.

"Kung ipipilit mo ay talagang magagalit ako."

Tapos na rin naman, pero may isa pa akong gustong malaman sa kaniya. Tinitigan ko siya ng mariin, ikinulong ko rin ang mukha niya sa mga palad ko.

"At ang asawa, Thauce? sinabi mo lang ba 'yon para mas matakot si Ma'am Jineth?" natigilan siya. Hindi ako nasagot. Masarap sa pandinig ang mga sinabi niya kanina pero gusto kong malaman ang tungkol doon.

"Hmm?" kuha ko sa atensyon niya ulit dahil nakatingin lang siya sa akin. Pero imbis na sumagot ay mabilis lang niyang pinatakan ng halik ang mga labi ko.

"I actually like calling you my wife, baby. And when I introduced myself as your husband, damn. It felt great."

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Palapit lang ng palapit ang mukha niya sa akin, at ang hina na ng boses niya.

"Thauce--" nang tawagin ko ulit ang pangalan niya ay siniil niya naman ng halik ang mga labi ko. Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko at ang isa ay nasa batok ko habang hinahapit pa ako palapit.

"Hmm... T-Thauce..." sa klase ng halik niya ay alam ko na agad ang gusto niyanng mangyari. Napakapit ako sa mga braso niya, hindi ko na rin masundan ang mga labi niya na inaangkin ang sa akin. At nang bigla niya akong buhatin at idikit sa pader ay napasinghap ako.

Nag-uusap pa kami pero ito at may iba na siyang gusto na mangyari!

"Fck. When I said that you are my wife, this is what I wanted to do after, baby. It turned me fckng on," titig na titig siya sa akin. At hindi na rin niya ako binigyan pa ng pagkakataon na makasagot o makapagtanong tungkol doon dahil muli niya akong hinalikan.

Mas idinidikit pa niya akong lalo sa pader habang naglalaban ang aming mga labi. Nalulunod na rin ako sa kaniyang mga halik, sinasabayan ko ang pagkilos niya at napapada'ing ako sa tuwing sisip'sipin ng dila niya ang akin.

"H-Hmmm..." ungol ko nang maglakad siya habang buhat-buhat ako.

"Why don't we leave good memories in your apartment, my wife?" sabi niya. 

Napangisi ako. At talagang pinanindigan na niya yung my wife na 'yon! ni hindi ko pa nga naitatanong kung nagbibiro lang ba siya talaga.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon