Chapter 30

9.9K 167 3
                                    


Note: Good evening po! sa mga interested for Physical copy of this story po, pwede na po umorder. Isearch ninyo lang po ang name ko sa fb. 'Pennie' nakapinned post po ang details ng book. Pakipm lang rin po ako par sa mga gustong magpalista. Thank you so much po! -Pennie

-------


"Zehra, gumagalaw pa ba iyan?"

Siniko ko si Lea. Ang tinutukoy niya ay si Adriano na nakatayo sa labas ng bahay nila. Ang mga kamay ay nasa harapan at blangko ang itsura. Kanina pa ito pinagtitinginan ng mga kapitbahay namin na dumaraan. Hindi nga ito gumagalaw pero tingin ko ay ganito ang training niya. Mukhang bodyguard kasi talaga siya ni Thauce.

"Pero, ang gwapo niya talaga Zehra. Ano ang pangalan? ilang taon? nang pumunta kasi siya nung kunin ang mga gamit mo ay hindi ako kinausap kahit na ang dami-dami kong tanong sa kaniya. Sinabi ko pa nga sa sarili ko at nanalangin sa mga tala na magkita kami ulit. At ito nga... narito na siyang muli."

Hinila ko na lang si Lea papasok ng bahay nila. Tiyak kasi na naririnig ni Adriano ang usapan namin na dalawa at nakakahiya! itong kaibigan ko kasi ay lantad ang pagkagusto dito sa tauhan ni Thauce.

"Tingin ko ay hindi naman nalalayo ang edad niyan sa akin! 30? 32? ayos lang iyon! 27 naman na ako!"

"Shh!" suway ko sa kaniya. Ibinaba ko sa lamesa sa kanilang sala ang buko pie na binili ko. Dinagdagan ko na rin iyon ng isang bilaong pansit. Hindi ko ginastos ang pera na ibinigay ni Thauce dahil mayroon pa naman akong natira sa akin saka isa pa, madaragdagan ng madaragdagan ang gastos niya na hindi ko naman kailangan.

Iyong mga damit at sapatos ay tiyak na mga mahal. Hindi ko naman maisasauli iyon kay Thauce kaya itong black card at isang daang libo na nakasobre ang ibabalik na lang sa kaniya.

"Saan ba ang bagong condo mo? para naman kung abala ka sa trabaho mo ay mapuntahan kita. Alam mo naman na mami-miss rin kita."

Kamuntikan na akong masamid sa sarili kong laway sa naging tanong ni Lea sa akin. Kung alam lang niya. Wala akong condo at sa bahay talaga ako ni Thauce nakatira.

"Huwag ka na mag-abala! malayo dito sa Dapdap. Saka, kung gusto mo naman na magkita tayo ay puwede naman kita na puntahan."

"Hmm, sige na nga. Pero, hindi ba maaabala ang trabaho mo sa kumpanya ni Thauce? hindi ba at doon na ang trabaho mo ngayon? ano pala? sekretarya? ayie, ganoon kasi sa mga nababasa kong novels. Iyong magandang sekretarya ng isang mayaman na CEO tapos magkakatuluyan sila--aray!"

Pinalo ko sa kaniyang balikat si Lea.

"Kababasa mo iyan. Hindi naman iyan nangyayari sa totoong buhay."

"Ay, malay mo nga!"

Tumayo si Lea at kinuha niya ang isang bilao ng pansit. Ako naman ay inilibot ang paningin sa buong bahay nila. Parang siya lang ang nandito. Paano ako makakapagpasalamat sa kaniyang pamilya? sila ang nasandalan namin noon ni Seya, binantayan nila ang kapatid ko. Si Aling Sonya ang kaniyang ina na talaga naman naging magulang na rin para sa amin.

"Zehra! ano ang gusto mo? juice? coke? kukuha ako sa tindahan," rinig ko ang malakas na boses ni Lea na nanggagaling sa kusina. Tumayo ako at pinuntahan siya.

"Kahit ano, kung ano na lang ang mayroon."

Marami na nga ang naipaayos dito sa bahay nila. Itong dating kusina na hindi naman sementado ay tiles pa ngayon. Tapos ang kanilang pinto ay hindi na kahoy kung hindi may screendoor pa. Natutuwa naman ako at marami na ang naging pagbabago sa bahay nila.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon