Ipinikit ko ang mga mata ko habang namamahinga. Alas sais na ako magpapasundo kay Adriano. Sinabi ko naman na kay Thauce kanina na baka nga gabihin na ako ng uwi. Siya ay binilinan ko nang wag mag-isip at uuwi naman ako.
"Takot rin na hindi ko siya uwian, eh," nakangiti ako habang nakapikit ang aking mga mata nang sabihin ko 'yon. Pero nang makarinig ako ng mga yabag ay akala ko si Lea na kaya napadilat ako. Pero hindi pala.
"Ayan. May nakapagsabi sa akin na nakauwi ka na nga raw. Akala ko ay talagang tinakbuhan mo na ang responsibilidad mo dito sa apartment."
Salubong ang mga kilay ng babae na nasa harapan ko. Tumayo ako ng tuwid. Si Ma'am Jineth. Kahit na nakaramdam ako ng inis sa mga nalaman ko kay Lea kanina ay ngumiti pa rin ako dito at sumagot ng maayos.
"Magandang hapon po. Pasensiya na po kung hindi ako kaagad nakapagsabi na mawawala--"
"Pasalamat ka mabait ako at hindi ko ipinatapon sa labas ang mga gamit mo noon at pasalamat ka mabait ang kaibigan mo na si Lea kung hindi ay talagang pinaupahan ko na ito sa iba."
Mahaba naman ang pasensiya ko, pero hindi ko ba alam kung dahil sa pagod kaya nakakaramdam ako ng matinding inis. Gayunpaman, maayos ko pa rin itong sinagot.
"Abala lang po talaga ako pero hindi ko naman po tatakbuhan ang bayad dito sa apartment. Nabalitaan ninyo rin naman po siguro ang nangyari kay Seya, hindi po ba?"
Humalukipkip ito sa harapan ko.
"Abala eh may sugar daddy ka daw at nagpapakasaya. Hindi naman nakakapagtaka 'yon sa itsura mo na 'yan. Pero sana hindi mo tinakbuhan ang pagbabayad sa apartment."
Sugar... D-Daddy?
"Ay, wala ho. Saan ninyo naman po nakuha ang balita na iyan? wala po akong sugar daddy--"
"Huwag mo nang i-deny, Zehra. O, ngayon na narito ka na lang rin naman, mabuti pang mag-ayos ka na ng mga gamit at may iba nang mangungupahan dito. Sayang ang lugar na ito at baka pamahayan pa ng multo. Hindi ko pa mapagkakitaan."
Teka? kung makapagsalita siya ay parang hindi binabayaran ni Lea ang renta, ah?
"Mawalang galang na po, Ma'am, pero ang kwento po sa akin ni Lea, kumpleto niyang binayaran ang renta at kahit nga raw ho tubig at kuryente buo ang bayad niya eh wala naman gumagamit."
Marunong akong umunawa ng sitwasyon. At kapag alam kong nasa katwiran naman ako ay ipaglalaban ko rin talaga.
"Mali ho ata 'yon na–"
"Aba! Ang yabang mo na, ah! kung makapagsalita ka parang ang taas mo na! sabagay, malakas na ang loob mo dahil nakabingwit ka siguro ng mayaman na matanda. Tingnan mo nga iyang kasuotan mo, iyang bag mo, mga mamahalin pa."
Hindi ko naman kilala talaga itong si Ma'am Jineth, sa dulo ito nakatira doon sa malaking bahay. At napakalayo ng ugali niya sa kapatid niyang si Ma'am Jean.
"Ayoko na ho ng maraming diskusyunan. At nakikita ninyo ho ba ang mga maleta?" itinuro ko ang mga nasa gilid na mukhang hindi niya napansin.
"Nakikita ninyo ho ba ang buong apartment? wala nang halos na mga gamit namin dahil ngayong gabi rin ho kukunin ko na. Ipaupa ninyo na ho ito sa iba at huwag ninyo nang sisingilin si Lea ng bayad na sobra-sobra."
Inis na inis ako. Naikuyom ko ang aking mga kamay. At iginiit pa na may sugar daddy ako, saka anong mayabang? wala akong maalala na ginawa ko o sinabi ko para masabihan niya ng ganon lalo at ngayon lang ako nauwi dito sa Dapdap.
"Maldita ka rin talaga! bait na bait sa 'yo ang mga taga rito pero may itinatago ka rin pa lang--"
"What's happening here?"
Kasabay ng pagtigil ng pagsasalita ni Ma'am Jineth ay tumigil rin sandali ang paghinga ko nang marinig ang boses na 'yon. Napaawang ang mga labi ko at namilog ang mga mata ko nang makita si Thauce sa harapan ng pinto. Nakaputing long sleeve polo at bukas ang dalawang butones non. Nakatupi rin ang sleeve ng suot niya hanggang siko.
Kunot ang noo niya, masama ang mukha at sa kilos ng panga ay alam kong maglalabas siya ng hindi magagandang salita. Naglakad agad ako palapit kay Thauce at hinawakan siya sa braso. Sa gilid naman ng mga mata ko ay nakikita kong nakasunod sa akin ang mga mata ni Ma'am Jineth.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
Akala ko ay abala siya sa trabaho!
"Thauce... bakit ka pa pumunta? Saka, hindi mo sinabi sa akin."
Halik sa aking noo ang una niyang ginawa bago ako hawakan sa gilid ng aking baywang.
"I am on my way here. I am sorry if I didn't message you," pagkasagot niya non ay bumaling ang tingin niya sa kausap kong babae. Napalunok ako at hinila ang ang braso ni Thauce dahil sa talim ng tingin niya. Nakita ko pang napaatras si Ma'am Jineth.
"How dare you shout at Zehra Clarabelle. Sino ka ba?"
"T-Thauce..." pigil ko. Bigla ay kinakabahan ako kay Ma'am Jineth sa kabila ng inis na nararamdaman ko para sa kaniya.
"I-ikaw ang sino?! saka eh ano kung sinisigawan ko ang babaeng iyan?! manloloko iyan! hindi na nagbabayad ng renta dito sa apartment at wala nang paramdam!"
At talagang naninindigan si Ma'am Jineth kahit wala naman akong kahit anong atraso sa kaniya.
"Usapan lang ho natin kanina na binayaran na po ni Lea," sagot ko pero si Thauce ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ko na parang ipinarating non na siya na ang bahala.
"I am Thauce Arzen Alessandro Cervelli," malalim ang boses na sagot niya sa tanong kanina pagkatapos ay hinapit ako sa baywang at ang tingin sa kaharap namin ay hindi pa rin nagbabago.
Matalim at may galit.
"Zehra Clarabelle's husband."
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko at gulat nang marinig ang sinabi niya.
H-Husband?! asawa?!
"A-Asawa ka ng babaeng iyan? manloloko iyan--"
"You should fckng stop talking about my wife like that. Nauubos na ang pasensiya ko sa 'yo."
Ang higpit ng hawak ko sa braso ni Thauce, pero habang kinakabahan ako dahil alam kong galit na talaga siya ay grabe ang dulot ng mga salita niya sa akin. Parang may umiikot na mga paru-paro sa tiyan ko.
'My wife'
Ngayon lang niya ako tinukoy ng ganon.
"W-Wife... nag-asawa ka na, Zehra?"
Tumingin sa akin si Ma'am Jineth. Ngayon ay siguro alam na niyang wala akong sugar daddy dahil sa gulat ng mga mata niyang nakatuon sa akin.
"Tell me how much I need to pay and I'll triple it."
Parang namutla ang babae na nasa harapan namin. Pero nagulat ako nang magsalita ito ng presyo.
"Ten thousand," kahit na namumutla na ay nagmamalaki pa ang itsura! napatanga ako.
"T-Thauce, bayad na ni Lea, wala nang babayaran."
Pero pagtingin sa akin ni Thauce ay hinaplos niya ang pisngi ko at tipid lang siyang ngumiti sa akin.
"It's just a small amount, baby. Don't worry, hmm?" sagot niya at pagbaling na naman sa kaharap namin ay ang sama ulit ng tingin niya.
"Ten thousand?" tanong niya. Tumango naman si Ma'am Jineth at pagkatapos ay humalukipkip.
"Oo. At hindi ko nakakalimutan ang sinabi mo na ti-triplehin mo. Nakakaintindi ako ng ingles kaya trenta mil--"
"Ten thousand? So it's thirty, but that's too cheap for the entire apartment. I meant the price of this whole building. How much for the land too, and I'll pay triple–no"
"Name your price."
Napasinghap ako sa mga narinig ko.
"Thauce," tawag ko sa kaniya nang hindi makapaniwala. Bi-bibilhin niya?!
"A-A-Ano?" kandautal na tanong naman ni Ma'am Jineth. Pareho kaming gulat. Pati ako ay hindi ko 'yon inaasahan dahil ang usapan lang ay renta hindi ang pagbili ng buong apartment!
"Tell me the price right now and don't fckng waste our time."
Si Ma'am Jineth ay namutla na lalo nang pumasok si Adriano, kasunod nito si Lea na gulat rin. Gumilid si Adriano na may dala na briefcase at nang buksan niya 'yon ay napalunok ako nang ang laman ay mga pera.
M-Maraming-maraming pera.
"I also want the ownership title to be under my wife's name."
"Thauce!" tawag ko sa gulat dahil sa mga sinabi niya. Pero sa seryosong tingin niya sa kaharap ay mukhang hindi talaga siya nagbibiro. Si Lea naman na nasa gilid ay ngingiti-ngiti at si Ma'am Jineth ay napaupo na lang sa sofa.
"Adriano, call my lawyer right now and tell him to come here."
A-Anong...
"Yes, Mr. Cervelli."
Pagbaling sa akin ni Thauce ay ngumiti siya at mas inilapit ako sa kaniya.
"I want the property and the land under the name Zehra Clarabelle Cervelli."
"Thauce, hindi–"
Pero mabilis na halik niya sa aking mga labi ang nagpatigil sa akin.
"No one should disrespect or belittle my wife like that."
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...