"B-Baby, masakit..." daing niya.
"Umayos ka kasi," huling sabi ko bago muling balikan ng tingin ang mga kaharap namin. Nakatitig sila, at si Tristan ay napatikhim pa.
"S-Sorry, this is surreal for me to witness this Thauce's behaviour and-"
"Bakit, anong problema mo doon, Tristan? may kasalanan ka pa sa akin. I asked you to look after my woman and you just fckng sleep that night. Kung hindi ka natulog ay-- hmmp."
Hindi na naituloy ni Thauce ang sasabihin niya dahil mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Nakakainis rin siya talaga minsan, kaya rin ayoko sa ideya na narito rin siya sa pag-uusap na 'to dahil sabi nga ni Lianna, hindi magiging maayos ang paliwanag ni Wayne at Tristan. At ito ngang huli, kabado na.
"Tumahimik ka muna, Thauce Arzen."
Sa pagbanggit ko na 'yon sa pangalan niya ay ang bilis ng lingon sa akin ni Thauce habang takip ko ang bibig niya. At sa ganitong sitwasyon namin ay nakita ko ang kilos ng mga labi niya--ang ngiti. Gusto pa niya kapag nagsusungit ako!
"Zehra, can I call you for help incase Thauce, did something bad at me?" rinig kong sabi ni Tristan.
Sabay kaming napabaling dito.
"Fck you, Tristan. Nasa listahan pa rin kita--"
At ang talim ng tingin ko ang nakapagpatigil sa kaniya. Nang tumango si Thauce ay ibinaba ko na ang kamay ko at muling tumingin kay Wayne.
"Pasensiya na, sige Wayne ituloy mo na yung sinasabi mo kanina."
"Can you shut up, Arzen? wag ka munang umepal, please? even I wanted to know what really happened."
Pero ang ideya na 'to ay ayaw talaga ni Thauce dahil para sa kaniya, mas manunumbalik ang nangyari sa akin na kahit siya ay gusto gumawa ng paraan para makalimutan ko agad.
Malabo naman mangyari 'yon.
"Wayne sige na, ituloy mo na ulit ang mga sinasabi mo kanina," ngiti ko dito.
Tumikhim naman siya at tumango.
"As... As I was saying, when I came back to my room wala na doon si Kit. Then we started to look for you, Zehra. Ang tagal ka rin namin hinanap sa buong isla, sa dagat, sa mga caves na malapit. Kinakabahan na si Lianna non at nakikita ko na ang sobrang pag-aalala niya. Honestly, I was about to tell her that time kung ano ang ginawa ni Kit pero dumating na si Thauce..."
Umangat ang tingin ni Wayne sa katabi ko na biglang humigpit naman ang kapit sa aking baywang.
"I didn't know Lianna called him, and even if she tells me unang maiisip ko bakit? bakit kailangan niyang tawagan si Thauce? Natakot ako ng sobra lalo nang sabihin ni Lianna na may relasyon kayong dalawa ni Thauce. that's when fear for Kit ignited. Ibig sabihin hindi totoo ang mga sinabi ni Rita kay Kit. I was... I was hoping things would get better kasi imposibleng matakasan ni Kit yung ginawa niya a-at alam kong hindi ko rin maililihim, hindi ko rin... kaya."
"And I am so sorry that I didn't tell this right away, Lianna."
"Ni hindi ko natanong si Kit agad kung saan niya dinala si Zehra p-para sana madali natin siyang mahanap non, a-ang bilis lang rin ng pag-uusap namin tapos bigla na siyang nawala. At pasensiya na rin, nanahimik ako at hindi ko sinabi kaagad ang totoo tungkol kay Kit dahil natakot rin ako para sa kalagayan niya. I know what Thauce can do..."
Hindi naman niya kailangan sisihin ang sarili niya, naiintindihan ko dahil matagal na silang magkakaibigan. Si Kit at si Thauce, at nakagitna siya, siguro nung mga oras na 'yon hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya. Lalo pa at may ideya siya kung paano magalit si Thauce.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomantikDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...