Chapter 25

9.3K 160 2
                                    



Hindi ako umalis sa tabi ni Seya habang ine-examine pa rin siya sa Martini's hospital pagkatapos ng operasyon. Ang mga araw ay mabilis na lumipas at isang linggo na lang ay ita-transfer na si Seya sa Australia para doon ituloy ang gamutan at para masigurado na wala na ang cancer sa kaniyang katawan.

"Ate, nakakakaban at natatakot rin ako kasi wala ka doon. Ang layo ng Australia. Mabuti sana kung makakasama kita, ate."

Katatapos lang paliguan ng nurse si Seya. Ito at sinusuklay ko naman ng dahan-dahan ang kaniyang buhok. Nang mapatingin ako sa nurse sa gilid ay ngumiti ako dito at gumanti rin naman ito ng ngiti sa akin.

Siya si Hermi. Tatlumpu at tatlong taong gulang. Isa siya sa mga makakasama ni Seya sa Australia.

"Huwag kang mag-alala, Seya, hindi mo mamamalayan ang paglipas ng mga araw, kita mo bukas ay uuwi na tayo ulit," sabi ni Hermi nang lumapit ito at hinimas sa braso ang aking kapatid.

"Naku, Ate Hermi, hindi pa nga tayo nakakaalis!"

Sabay-sabay kami na napatawa dahil sa sinabi ng kapatid ko. Nagpatuloy ako sa pagsuklay sa kaniyang buhok. Hindi naman na naglalagas-lagas at napapansin ko rin na nanunumbalik na ang dating kulay ni Seya. Hindi na siya sobrang putla hindi tulad ng dati.

Nakapirma na rin ako ng mga papel. Ilang linggo ko na rin hindi nakikita si Thauce ang huling pagkikita namin ay noong pumunta pa siya dito sa ospital. Hindi na rin naman ako makapunta sa kaniya dahil wala naman nang dahilan para kausapin ko siya.

Bigla ay naalala ko si Errol. Pagkatapos kasi ng mabigat na pag-uusap namin tungkol sa mga inaakto ni Thauce sa akin ay mas napadalas na ang pagpunta niya dito sa ospital. Ilang beses ko na sinabi sa kaniya na ayos na at wala na sa akin ang mga sinabi niya pero patuloy pa rin siya sa paghingi ng tawad.

Napagkamalan na nga siyang kasintahan ko ng mga nurse na nandito dahil pabalik-balik siya at halos dito na talaga mamalagi. Mas ipinakita rin ni Errol ang interes niya sa akin na totoo siya sa nararamdaman niya.

Pero hindi ko masusuklian iyon... lalo pa at alam ko na kung sino talaga ang gusto ko.

"Ate? sumasakit ba ang dibdib mo?"

Nabalik ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Seya. Ngayon ay nakatingin na sila sa akin ni Hermi. Noon ko lang rin napagtanto na ang aking kamay ay nakalapat pala sa aking dibdib.

"A-Ah, wala--"

"Normal naman ang examinations sa iyo, 'no?" tanong ni Hermi.

Iyon pa nga. Natapos na ang general check up sa akin at wala naman nakitang problema. Iyong vitamins na ibinigay sa akin ng nurse ay pinapatuloy-tuloy para makabawi ako ng lakas at para na rin sa immune system ko.

"Alam mo, Zehra, feeling ko nga talaga, eh, type ka ni Dr. Arzen. Naku, maraming nagnanasa doon na mga nurse! pero ako ang type ko ay si Dr. Ariq, may pagka suplado kasi si Dr. Arzen saka intimidating!"

Napabaling ako kay Hermi sa sinabi niya.

"A-ay, wala! hindi... hindi ganoon, hindi ako type ni Thauce," sagot ko sa kaniya.

Kahit sino ay mami-misinterpret ang mga kilos ni Thauce sa akin dahil nakakapagtaka naman talaga. At kung... kung wala ang kasunduan sa pagitan namin ay baka pati ako ay iyon rin ang maisip ko.

Pero, palagi akong sinasampal ng realidad na ang lahat ng ginagawa niya ay para lamang sa pagmamahal ni Lianna.

"Ate Hermi, sa akin si Dr. Ariq!"

Nagkakulitan pa si Hermi at si Seya. Tumayo ako at tinungo ang drawer sa gilid at naglabas ako ng mga damit upang maligo na.

"Kailan kaya siya babalik ulit dito?" mahina kong tanong sa aking sarili.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon