"Arzen, bro, I'm serious. I need the report--""I will be the one who will check on her condition, Ariq."
I sipped on my wine and I looked around my place. Naglakad ako habang hawak ang kopita.
Hindi ko dapat makalimutan kung bakit ko ito ginagawa.
"Ariq can save her, may tiwala ako sa kapatid mo, Arzen. Nakakaawa. Gusto ko na rin na gumaling si Seya. Sana ay makaligtas siya sa sakit na ito. Naaawa na ako sa kanila lalong-lalo na kay Zehra."
Iyon ang mga salita na sinabi sa akin ni Lianna.
Wala pang ilang buwan nang bumalik siya ay napakarami nang nangyari. My plan of taking her to good places was ruined because the moment she stepped her foot in the Philippines she looked for Errol.
Napaismid ako at umiling.
She still love Errol until now. Si Errol pa rin kahit matagal na silang naghiwalay.
Narinig ko ang malalim na paghinga ng aking kapatid sa kabilang linya.
"Arzen, you can't. Ito ngang pag-o-opera mo kay Seya ay lulusutan ko na lang. You don't have your license. You are not a doctor in Martini. I am sure Mama will take the company if you will step in the Hospital again as a doctor. Ayaw mo naman sigurong mapunta sa mga kamay ni Mama ang kumpanya, hindi ba?"
I will never let Diana take the company my father worked hard for. Pero nahahati ang aking isipan ngayon sa pagtuloy sa ospital. Alam na alam ko na hindi magiging maganda ang mangyayari kapag itinuloy ko aking pagpunta.
Ang hirap.
"Hinga po kayo ng malalim, Doktor Prince! gagaling po ako kasi kayo ang doktor ko!"
Damn...
"Ito po, stuffed toy ko iyan. Kapag natatakot ako at nalulungkot ay niyayakap ko lang po iyan. Nakakakuha po ng bad energy kaya sa 'yo po muna! ang lungkot-lungkot po kasi ng itsura mo!"
Suddenly, I remembered Chloe. Ang isa sa pasyente ko noon sa Martini's Hospital. I was thinking about my profession as a doctor that time dahil kinausap na ako ng attorney ng Papa na sa akin na isasalin ang kumpanya. I was bothered the whole day and the only one who noticed me was Chloe.
"Doctor Prince, sabi ng ibang mga bata hindi na raw ako gagaling sa sakit ko. Malubha na raw kasi ito."
"Don't believe them. Sa akin ka maniwala dahil ako ang doktor mo. I am your Doctor Prince right? at ano ba ang ginagawa ng prince?"
"Isene-save ang kaniyang princess!"
The stuffed toy that Chloe gave me was the stuffed toy I gave to Seya. Nakikita ko ang pagkasigla ni Chloe kay Seya.
But the saddest part. I wasn't able to save Chloe. Ang araw na inatake si Chloe ay siyang araw na nag-aagaw buhay ang Papa at hindi ako makaalis sa tabi niya. Papa was holding my hand so tight until his last breath. He was saying sorry to me about my mother. Hanggang sa huling hininga ay humihingi ng tawad.
And that night...
I lost both of them.
"Dr. Arzen... huminto ang pagtibok ng puso ni Chloe nang nasa kalagitnaan na kami ng operasyon. H-Hindi na namin siya na-revive but she called your name before the operation starts."
"Sinabi niya na sabihin namin sa iyo na maraming salamat at sana daw ay huwag ka nang malungkot. Sana maging masaya daw ang Doctor Prince niya."
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...