Chapter 66

6.4K 117 13
                                    


Pennie: Para sa mga nagtatanong, yes po, tatapusin po natin dito sa watty ang story ni Thauce at Zehra. Thank you so much po! <3


-----

Hindi ko binanggit kay Thauce ang magiging pag-uusap namin ni Kit. Alam ko naman kasi na hindi rin siya papayagan kung sakaling ipaalam ko. Seloso siya, lalo pa at pinagselosan na niya ang kaibigan niya na 'yon.

Umalis na rin ako ng silid ni Lianna nang makatapos kami sa pagkain, hindi pa nga pinatay ni Thauce ang video call. Nakaharap sa akin ang screen at sinabayan niya ako sa pagkain dahil patapos na rin non si Lianna. Nakangiti pa nga ang huli sa amin, at nang matapos ang tawag ni Thauce at pagkabalik ko ng cellphone kay Lianna ay sinabi niya na sobrang laki raw ng pinagbago nito.

"He's doing a lot of new things and it's because of you, Zehra. Nakakagulat, at hindi ko alam na gugustuhin niya pang magsabay kayong kumain thru video call. That's so sweet!"

Ako rin naman. Paano ay nang sabihin ko na kumain na rin siya at papatayin ko na, hindi siya pumayag. Siya na ang nagsabi na sabay kaming kumain. Iyon nga, bumaba siya ng kusina ng bahay niya at nakita ko pa kung paano siya magprepare ng pagkain niya.

Mabuti na lang talaga at ako lang ang nakakarinig sa kaniya kanina habang kumakain kami dahil sa mga sinabi niya.

"I miss your soup."

Sinabi niya 'yon ng nakangiti! iyong ngiti na may kapilyuhang naisip. Grabe ang pagkakasamid ko, nag-abot agad si Lianna sa akin ng tubig.

Ngayon ay narito na ako sa silid ko at ang paalam ko kay Thauce mag-aayos na ako ng mga gamit. Sa isang araw kasi ay uuwi na kami at bukas sinabi ni Lianna na dahil huling araw namin ay sulitin na namin ang paglilibot sa mga kalapit isla. Sinabi rin niya na kung gusto ko ay mag-ayos na ako ng mga gamit dahil tiyak pag-uwi bukas ay pagod na kaming lahat.

Iyon naman ang ginawa ko habang hinihintay ko rin ang reply ni Kit. Nagmensahe na ako sa kaniya na pagkatapos ko sa pag-aayos ng mga gamit ay lalabas na ako. Ang totoo ay gusto ko rin siyang makausap, hindi lang tungkol sa nangyari sa kusina kanina kung hindi pati na rin sa concern ko sa pagkakaibigan nila ni Lianna. Naramdaman ko yung malasakit niya at nalaman ko naman kanina na halos labing limang taon na pala silang magkaibigan nito, katulad nila Wayne.

Kaya marami rin nalalaman si Kit tungkol kay Errol.

"At masakit para sa kanila na nakikitang nasasaktan si Lianna..."

Napabuntong hininga ako. Pagkasara ko ng zipper ng maleta ay tumayo na ako at kinuha ang cellphone ko na nakapatong lang sa kama. Pagbukas ko ay mayroon na pa lang sagot si Kit.

"Hindi ko narinig..." bulong ko at binasa agad ang mensahe niya.

"I'm outside already."

Tumalima agad ako at kinuha ang naka-hanger na cardigan ko. Isinuot ko 'yon at lumabas na. Pagtingin ko sa oras ay 10:30 na at tahimik na tahimik sa buong rest house. Wala akong naririnig na ingay. At habang naglalakad naman ako ay nakatanggap ako ng message kay Thauce.

"Are you going to sleep early? you told me about the island that you guys are going to visit tomorrow."

Napalabi ako at hindi agad nakasagot. Mahirap para sa akin magsinungaling lalo na kay Thauce kaya hindi na lang ako nag-reply. Siguro ay sandali lang naman ang magiging pag-uusap namin ni Kit. Pagbalik sa silid ay saka na lang ako sasagot kay Thauce.

Pagkalabas ko ng resthouse ay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napakapit ako sa cardigan na suot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Natanaw ko na si Kit, nakatayo siya sa tabi ng isang upuan na kahoy at nakatalikod sa gawi ko. Pero hindi rin nagtagal nang humarap siya at pagkakita sa akin ay tipid na ngumiti. Hindi halos umabot sa kaniyang mga mata.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon