Chapter 67

7.1K 103 7
                                    


Iniiwas ko ang tingin at pwersahan na binawi ang kamay ko nang maalala si Thauce. Lumayo rin ako kay Kit at sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na natigilan siya at nagsalubong ang mga kilay niya.

"Zehra?"

Nasabi na sa akin ni Lianna na interesado sa akin si Kit sa tingin pa lang na binibigay nito, hindi ako naniwala noong una pero... totoo nga.

"Pasensiya ka na, Kit," pagkaharap ko ay iyon ang mga salita na binitiwan ko.

"W-What? why?"

"Pero hindi pwede..."

Mas kumunot ang noo niya, napahakbang rin siya palapit sa akin at nang muli niya akong hahawakan ay mabilis ang pagkilos na inilayo ko ang aking sarili sa kaniya.

"Y-You said wala kang nararamdaman kay Errol? wait, is it because of what I did earlier? nakikita mo na ako ngayon na masamang tao?"

"Hindi... h-hindi sa ganoon, Kit," tanggi ko kaagad. Ang bilis ng pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Pero walang galit doon, ngayon ay pagkabigo ang nakikita ko.

"I just did that to save you, Zehra. Hindi ko naman alam na--"

"Hindi nga ganoon, Kit. Inamin na rin sa akin ni Lianna na totoo ang mga sinabi mo at nagpapasalamat ako sa malasakit mo. Pero hindi kita m-mapapayagan na manligaw sa akin."

Humugot siya ng malalim na paghinga at napatingala siya sa langit. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Taas baba rin ang dibdib niya at ang mga kamay ay nasa baywang.

"I don't... understand."

"Kit..." gulong-gulo ang itsura niya, isinuklay rin niya ang mga daliri sa buhok at patuloy pa rin siya sa malalalim na paghinga.

"Can't you give me a chance, Zehra? to prove myself?"

"I fckng like you... since that night I saw you at the bar. Pero hindi ako gumawa ng aksyon dahil ang sabi-sabi ay pinopormahan ka ni Errol and that there's a mutual understanding between the both of you dumistansya talaga ako. Pero hindi rin ako nakatiis kaya nang makasama ka namin dito sa isla nilalapitan na kita."

Naramdaman ko ang sinseridad niya sa bawat salita, nangungusap at nangungumbinsi rin pati ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"P-Pasensiya ka na talaga, Kit--"

"Why?" may pagka-agresibo niyang tanong.

"Do you like someone else?"

Ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang pumasok sa isipan ko si Thauce.

Sa mga narinig ko kay Kit, sa pagiging totoo niya sa akin at sa pagtatapat niya ngayon. Sa tingin ko ay tama lang na sabihin ko rin sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi ko kayang tanggapin ang nararamdaman niya.

"Kit--"

"Hey, Kit! Wayne was looking for you!"

Ngunit ang pagsasalita ko ay naputol nang marinig ang boses ng isang babae na 'yon. Naglalakad na ito palapit sa amin habang may ngiti sa mga labi.

"Fckng timing," rinig kong mura ni Kit.

Napahugot ako ng malalim na hininga at hinila payakap lalo sa akin ang cardigan ko. Mas lumayo rin ako lalo nang makalapit na sa amin ang kasama nilang babae.

Sign ba 'yon? na hindi ko muna dapat sabihin sa kaniya ang relasyon namin ni Thauce?

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap dahil nga may kailangan si Wayne. Nasa entertainment room siya."

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon