Chapter 39

8.7K 168 10
                                    


Mag-uusap? k-kami?

"A-ako? Ano ang pag-uusapan natin?"

"Thauce!" sigaw ni Errol, sa gilid ng aking mga mata ay nilapitan siya ni Lianna. Niyakap at sinusubukan na pigilan na lumapit sa amin. Ako naman ay naguguluhan. Hindi sumagot si Thauce. Ang kamay niya na nasa aking balikat ay ngayon bumaba na sa aking baywang. Ganoon na lang ang paglunok ko nang kumapit siya doon.

"I will not fckng let you do what you want, Errol," mahina lamang iyong mga salita na binitawan niya ngunit rinig na rinig ko. May diin, may panganib. Pagkatapos ng ilang segundo ay hinila na niya ako palabas ng silid.

"S-sandali... anong--"

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil tumingin na ako kay Lianna at Errol nang maglakad si Thauce paalis habang hawak ang aking kamay. Nakikita ko sa kanilang mukha ang gulat, sino ba ang hindi mabibigla? k-kahit ako naman!

"Thauce, ano ba?" nauubos na ang aking pasensiya nang subukan ko na alisin ang hawak niya ngunit ang higpit non. Paglingon ko ay nakita ko pa na hahabol sana si Errol ngunit pinigilan siya ni Lianna.

Lungkot at sakit. Iyon ang nakita ko sa mukha nito habang mahigpit siyang nakayakap sa galit na si Errol.

Sa isip ko ay mabuti na rin ito, na napaglayo ang dalawa. Ngunit nakaramdam naman ako ng takot dahil sa nakikita kong galit sa lalakeng ito na humihila sa akin.

Ano ba ang bago?

"Thauce!" hindi iyon pasigaw ngunit madiin ang pagkakabanggit ko sa kaniyang pangalan

Nakatingin ako sa kaniya at nakikita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Halos patakbo na rin ako sa laki ng hakbang niya at bilis sa paglalakad.

Huminga ako ng malalim, kailangan ko na naman harapin ang galit na halimaw na ito sa aking harapan.

"He fckng wants all the attention."

Kumunot ang aking noo nang marinig ang boses ni Thauce ngunit hindi naman malinaw sa aking pandinig ang mga binitawan niyang salita.

"Damnit." Ngunit itong huling sinabi niya ay napakalinaw. Ang lutong ng kaniyang pagkakamura. Sa tingin ko ay magkakaproblema pa ng malala kung mananatili siya sa bakasyon na ito lalo at nandito pa si Errol.

Napababa ang tingin ko sa kamay ko, nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang makaramdam na ako ng sakit sa higpit ng hawak ni Thauce sa aking palapulsuhan. Hinila ko iyon kahit na alam ko na hindi pa rin niya mabibitawan dahil sa higpit ng kaniyang hawak.

Nakakabigla, hindi ko nahulaan ang gagawin niyang ito. Akala ko ay ang pinsan niya ang kakausapin niya dahil doon siya nakatingin ng masama.

"Thauce..." ilang beses ko pa ba kailangan tawagin ang pangalan niya? hindi ako maaaring magtagal kasama siya, baka kung ano ang isipin ni Lianna at ni Errol na naroon pa rin sa silid.

Nailapat ko ang aking isang kamay sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Inalala ko ang mga nangyari simula nang umalis kami at sumakay sa private plane niya hanggang makarating dito sa resthouse nila Lianna.

Wala akong maling ginawa, sigurado ako at kung pagagalitan niya ako sa pagkakataon na ito ay dedepensahan ko na talaga ang sarili ko. Sa aming kasunduan ay palagi na lang akong nakasunod sa kaniya.

Palagi niyang sinasabi sa akin na, "You will follow everything that I will going to say." "Ako ang masusunod, Zehra Clarabelle." Iyong awtoridad niya sa bawat salita na binibitawan niya, iyong mga tingin niya sa akin na sinasabing hindi ako maaaring humindi. Ngayon na alam kong wala akong ginagawang mali at tama lang ang desisyon ko, sa oras na may sabihin siya ay sasagot na talaga ako.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon