Nang malapit na kami sa kubo ay napahinto ako at sinuri kong maigi ang mukha ni Lianna dahil na rin sa pagbanggit niya ng pangalan ni Errol. Kahit mahina lang ay mukhang hindi naman siya apektado doon 'di tulad ng dati na pag binabanggit ang pangalan ni Errol, nasa mukha niya ang lungkot.
"Sinabi ko naman agad na hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya, Lianna. Dahil alam mo naman kung sino talaga ang minamahal ko... p-pero nang tanungin ako ni Kit kung bakit ay hindi ko pa sinasabi sa kaniya na may relasyon kami nii Thauce."
"That... bakit nga ba, Zehra? why are you two keeping it a secret?" nagtatakang tanong niya.
Napabuntong hininga naman ako. "Ayoko kasi na maging masama ang tingin sa akin ng mga kaibigan ninyo. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag pero... h-hindi ba at akala nila ay okay kami ni Errol? na gusto namin ang isa't-isa."
"That's what I thought also before, Zehra. Kaya sobrang natakot ako at nainggit."
Nakita ko naman kung paano niya ako tingnan noon. Pati sa mga salita niya halata ang sakit.
"Pero wala, una pa lang wala na akong naramdaman na espesyal kay Errol. Hanggang pagkakaibigan lang talaga, Lianna. Ang totoo..." nabasa ko ang mga labi ko nang maalala ang antipatikong mukha ni Thauce noon sa bar, ang mga mata niya na matalim na nakatingin sa akin.
"Kay Thauce talaga ako noon hindi mapakali... s-siya talaga 'yong napansin ko sa pageant pa lang sa barangay namin--"
"Omg! so crush mo na pala siya noon pa lang, Zehra? Arzen is a lucky ass!"
"H-Hindi ko alam. Siguro?"
Lalo nang maganap 'yong halik sa bahay niya at inakala na ako si Lianna. Nasaktan ako non.
"Haa, but I understand you now kung bakit sikreto ang relasyon ninyo. That's possible lalo na sa inaakto ni Rita ngayon na sa tingin niya inakit mo si Kit. We don't know also what the other girls are thinking but, don't be affected, okay? kung ano man ang masasamang sinasabi nila or sasabihin sa 'yo, hindi ka ganon tao."
"Lianna..."
"I am here, nasa likod mo lang ako."
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. "Sasabihin ko rin kay Kit ang totoo pagkauwi natin sa resthouse mamaya. Mabait siyang kaibigan, totoong tao. Deserve niya na malaman ang dahilan kung bakit hindi ko matatanggap ang pagmamahal niya. Ayoko rin kasi na mag-isip siya na may mali ba sa kaniya."
"That's good! nagkalakas ng loob si Kit, but Zehra, Arzen didn't know that you meet him last night, right?"
At pagkasabi nga niya non ay otomatiko akong napalunok. Biglang pumasok sa isipan ko ang aroganteng mukha ni Thauce. Ang matalim na mga mata at salubong na mga kilay. Ang masamang tingin. Kinabahan akong bigla. Magagalit siya, sigurado.
Hay, sobra rin kasi ang seloso niya.
"Hindi ko... sinabi sa kaniya. Hindi naman kasi niya ako papayagan," sagot ko, nabasa ko ang aking mga labi at kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe si Thauce at mayroon nga. Tinatanong kung nasaan na kami, sunod-sunod 'yon at ang huli ay nagsabi siya na kung mabasa ko ang mga mensahe ay tumawag o magreply ako agad. May biglaang meeting daw siya.
Paano ko sisimulan sabihin sa kaniya ang tungkol kay Kit? ayoko rin naman ilihim. Hayy bigla naman akong kinabahan kahit alam ko naman na maaamo ko rin siya...
"That's... kind of scary for the both of us," sabi naman ni Lianna. Nangiwi siya at natatawa na.
"Wala kang maitatago kay Arzen, promise! so, let's think of a better reason later why you didn't tell him once he knew that you talked to Kit alone, okay?"
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...