Warning: The next chapters contain scenes that are not suitable for young readers. Mga, be! hm! haha
"Sigurado ka ba na ayos lang sa 'yo na na ikaw ang magluluto ngayong gabi?"
Nakamasid ako kay Thauce habang inilalabas niya ang mga lulutuin na nasa loob ng ref. Pagkaalis kasi nila Lianna ay sinabi niya sa akin na siya ang magluluto ngayon at hindi na muna kami mag-oorder ng pagkain.
Iyong nakalipas kasi na mga araw ay dahil nga sa hindi pa magaling ang kamay ko ay puro pagkain sa labas ang kinain namin. Nang sabihin ko kasi sa kaniya na magluluto ako at medyo kaya ko naman na ay tumutol siya.
"I know how to cook a simple dish. So you don't need to worry about the taste," sagot niya at lumingon sa akin.
Hindi naman sa ganon! syempre ayoko na maabala siya. Saka, napakabusy niya sa trabaho. Maaga siyang umaalis, tapos nitong nakaraan nakikita ko na bago matulog nagche-check pa siya ng mga files at kahit hatinggabi na ay may kausap pa siya na kliyente na taga ibang bansa. Sobrang abala niya tapos pag-uwi ipagluluto pa ako?
"Also, natikman mo naman na ang luto ko, 'di ba? sa rest house."
"Oo pero hindi naman ang lasa ang tinutukoy ko, pagod ka sa trabaho, eh. Pwede naman na ako na riyan, hindi naman na ganoon kasakit ang braso ko--"
Tumigil naman si Thauce sa ginagawa kaya napatigil ako sa pagsasalita, ang mga mata niya ay seryoso, katulad nung mga panahon na una ko siyang nakilala. At kapag ganito na siya, gusto niya na huwag nang salungatin ang nais niya.
Hindi pa rin talaga nawawala yung pagiging strikto niya, seryoso, yung kasungitan na ayoko rin naman. Iba rin kasi siya kapag ganto at masasabi ko na isa rin ang mga katangian na ito na nakuha ang atensyon ko dati. Kahit pa natakot ako non at kinagalitan siya ng sobra.
"Wala pang isang linggo nang mangyari ang aksidenteng 'yon sa 'yo, Zehra Clarabelle. And do you think you can use both of your hands? hmm?"
Ayan na nagagalit na siya.
"S-Sabi ko nga..."
Inilayo ko na lang ang tingin kay Thauce at naramdaman ko naman na bumalik na siya sa ginagawa. Napaayos na lang ako ng pagkakaupo at muli ay pinanood siya na kumikilos sa kusina.
"Your bones will heal after six to twelve weeks, don't push yourself too much. Kung magiging matigas ang ulo mo at gusto mong magkikilos dito sa bahay ay mas mapapatagal ang paggaling mo. Kahit ako, gusto ko na rin naman na gumaling ka."
Nabasa ko ang mga labi ko sa mga sinabi niya. Ngunit yung mga huli ay mahina na. Napapangiti rin ako dahil sa tuwing magsasalita siya tungkol sa kalagayan ng braso ko ay ramdam na ramdam ko ang pagkadoctor niya.
"Sorry. Ayoko lang naman madagdagan ang trabaho mo."
"I am doing this for you, so it's okay, Zehra."
Napatingin tuloy ako sa kamay ko, naikikilos ko naman pero tama si Thauce, hindi ko magagamit kung magluluto ako dahil hindi ko maihahawak ng mga rekados.
Hay naku, Zehra. Manahimik ka na lang kasi at baka uminit pa ang ulo ni Thauce.
"Sige. Hindi mo rin naman maiaalis sa akin na makaramdam ng ganito. Nahihiya lang rin kasi ako na walang ginagawa," pagkuwan ay sagot ko muli sa kaniya.
Kasasalang lang ni Thauce ng pan, napansin ko sa gilid na umuusok na rin yung sa rice cooker. Nagluto na pala siya ng kanin? siguro nong nasa silid ako kanina at umakyat sandali para kunin ang cellphone ko.
"I am not expecting you to do the chores anymore, Zehra Clarabelle," lingon niya sa akin ng sandali at muling ibinalik ang mga mata sa paghihiwa ng bawang. Natuon ang pansin ko don, ang galing niyang maghiwa ng bawang, mabilis, ganon rin sa sibuyas. Iyong para bang mga professional chef na napapanood sa TV.
Kung iisipin, ngayon ko lang makikita si Thauce na magluto ng harapan. Ang sa resthouse ay luto na nang bigyan niya ako ng pagkain na may note.
"Iyon naman ang rason mo nung una kaya mo ako pinatira dito sa bahay mo, 'di ba? dahil kailangan mo ng tagapagluto at taga linis ng bahay mo."
Huwag niyang sabihin na hindi?!
Pagkasalin niya sa lalagyanan ng nahiwa naman niya ngayon na mga patatas ay humarap siya sa akin. Nakangiti.
"Do you really think that's true? naniwala ka sa sinabi ko na 'yon?"
Napanguso ako sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Nagduda ako noon, dahil ang usapan natin ay mapalapit ako kay Errol pero ang nangyari ay napalayo pa nga ako tapos sa 'yo... itinira mo ako dito."
Tumalikod ulit si Thauce pero kasabay non ay ang malutong na pagtawa niya. Tingnan mo? natuwa pa nga.
"That's my plan when I learned about what I felt for you, baby. Of course, sa tingin mo ba ay gugustuhin ko pang tumuloy ka sa mga utos ko at maging malapit kayo ni Errol? damn hell, no. I was crazy thinking that time that what if there's something special between the two of you? kaya nang sumang-ayon na si Ariq na siya ang mag-aalaga kay Seya sa Australia, I decided to take you..." ibinitin niya ang mga salita, pagkasara niya ng gripo dahil natapos na siyang maghuga sng mga gulay ay muli siyang lumapit sa akin.
Tumaas ang isang kilay ko nang mabilis niya akong bigyan ng halik sa mga labi.
"...home," pagpapatuloy niya.
Yun naman pala at si Dr. Ariq may alam na kaya siya noon pa lang na minamahal ako ni Thauce?
"Pero bakit hindi ka kaagad umamin?" palo ko sa braso niya.
Nakapatong ang mga braso niya sa lamesa at nakadukwang sa akin, malapit pa rin ang mukha niya at hindi pa rin siya lumalayo. Nakamasid lang ako sa kaniya at hinihintay kung ano ang sagot niya. Malayo sa isipan ko na isang araw makikita ko ang ganitong Thauce, dahil noon ay takot talaga ako sa kaniya at ang alam ko lang ay palagi siyang galit.
"I had a hard time taking back my words because I was afraid that when our agreement ended, you would run away from me."
Hindi ko naman gagawin 'yon!
"Thauce, nasabi ko na sa 'yo una pa lang na hindi ako tatakbo sa 'yo, kahit ang sama-sama ng tingin ko na ikaw na ang pinakamasamang tao sa mga mata ko nang mga oras na 'yon. Nanatili ako sa tabi mo at hindi ako umalis dahil--"
"Mahal mo ako."
Hindi ko inaasahan ang pagsingit niya sa pagsasalita ko. Bigla akong napatigil, pati ata ang paghinga ko lalo sa paraan ng tingin ni Thauce. Inilayo ko ang mga mata sa kaniya at tumikhim kahi pa totoo rin naman... inaamin ko sa sarili ko na isa sa dahilan ay siya mismo.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomansDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...