Hindi ako ganoon kainosente para hindi makuha ang nais iparating ni Thauce kanina, hawak at haplos pa lang niya sa akin. Ilang beses niya rin sa akin sinabi sa isla pa lang sa tuwing may mainit na tagpo na magaganap sa amin dalawa kung ano ang nais niya oras na makauwi kaming dalawa.
Pero dahil nga sa braso ko ay alam kong sobra ang pagpipigil niya, ngunit alam kong pwede naman...
Nabasa ko ang aking mga labi habang nakatingin ako kay Thauce, ngayon lamang niya ako binitawan nang maibaba niya ako sa ibabaw ng kama. Madilim pero aninag ko ang bulto ng katawan niya lalo nang hubarin niya sa harapan ko mismo ang suot niyang damit.
"I will be very careful..." iyon ang mga salita na sinabi niya nang sumampa siya sa kama. Sinupil ko ang ngiti na nais kumawala sa akin nang makita ang itsura niya habang pagapang palapit sa pwesto ko.
Pakiramdam ko nanuyo ng husto ang aking lalamunan. Alam kong nasa tamang edad na para sa ganitong bagay at ilang beses nang may naganap na mainit na pangyayari sa amin sa resthouse, lalo na sa kweba ay hindi ko pa rin maiwasan ngayon na kabahan ng sobra.
Kaba na may halong pagkasabik.
"Fck, baby... I am still giving you time to say no."
At tingnan mo? kahit na ako na sa kusina kanina ang hindi direktang hinayaan siya sa kung ano ang nais niya ay tinatanong niyang muli ako.
"Ayaw mo ba?" pang-aasar ko, tuluyan na akong napangiti. Hinapit ni Thauce ay baywang ko at otomatiko akong napaluhod sa kama habang siya ay nakaupo. Nasa gitna ako ng mga hita niya at ang aking isang kamay na walang cast ay nakahawak sa kaniyang balikat.
"I fckng want you, Zehra Clarabelle. But I am still giving you a--" hindi ko na siya pinatapos dahil ako na mismo ang humalik sa kaniyang mga labi. Hindi banayad, hindi rin mabilis dahil pagkalapat ng akin sa kaniya ay siyang pag-upo ko sa kaniyang kandungan at kapit ng isang kamay ko sa batok niya.
Napadaing ako nang lumaban ang mga labi niya sa pagkilos, nang ang mga kamay niya ay hindi na lang nanatili na nakahawak sa baywang ko at ngayon ay pumaloob na sa suot kong blouse. Ilang segundo pa sa gitna ng aming halikan ay naramdaman ko ang pagkaalis ng bra na suot ko. Mabilis rin ang mga kamay ni Thauce nang ibaba ang cotton square pants ko.
"Hmm..." at hindi ko alam kung kaninong ung/ol 'yon dahil nabibingi na ako sa pagtibok ng puso ko. Halos wala na rin akong ibang nasa isip kung hindi ang mas lasapin ang sensasyon na aking nararamdaman dahil sa mainit na palad niya na naglalakbay sa katawan ko.
"Thauce..." bulong ko sa pangalan niya nang kagatin niya ng mariin ang pang-ibabang labi ko, hindi pa doon natapos, hinila 'yon ng ipin niya at muli hinalikan ako ng mariin. Nagtagpo ang aming mga dila.
"Hmm..."
Nakakahilo, para akong idinuduyan habang patuloy kami sa paghahalikan. Hindi ko na rin naitigil ang aking isang kamay sa batok niya at tumungo iyon sa kaniyang dibdib at lumapat. Hinimas ko ang parte na 'yon pababa sa kaniyang tiyan ngunit nang biglang pagpalitin ni Thauce ang pwesto namin ay napatingin ako sa kaniya.
"Are you... okay?" ikinalunok ko ang itsura niya na bumungad sa akin. Nag-aalala pa rin talaga siya!
Gulo-gulo ang kaniyang buhok, namumula ang mukha at mga labi, mapungay ang kaniyang mga mata at hinihingal. Tumango ako ng dahan-dahan at ngumiti sa kaniya.
"Ayos lang..."
"And your arm?" talagang nag-aalala siya sa braso ko!
"Okay na okay," sagot ko muli. Ngumisi si Thauce sa akin at kasabay ng pag-angat niya ay napasinghap ako nang sirain niya ang suot kong blouse.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...