Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan sa aking harapan. Nasa hospital na ako at ang kasama ko ay si Lea at Letty. Tinitingnan pa rin ng doctor si Seya. Bakit biglang hinimatay si Seya? kanina lang naman ay maayos siya.
Masigla at napakasaya niya pa.
"Zehra, wear this. Malamig dito," sabi ni Errol. Hinubad niya ang coat niya at isinuot sa akin. Naka-gown pa kasi ako at litaw ang balikat ko. Malalim rin ang hati sa gawing dibdib.
"S-Salamat," sabi ko.
"Maraming s-salamat rin sa kabutihan ninyo na ihatid kami ng kapatid ko dito sa ospital," sabi ko.
"Sino ang kamag-anak ni Seya Mineses?"
Napatayo ako nang marinig ang boses ng doctor. Kaagad akong lumapit.
"A-Ako po, ako po ang kapatid niya. Ano po ang nangyari sa kapatid ko?" tanong ko.
"Miss Mineses, your sister has stage 1 lung cancer."
Para akong nabingi. Napapikit ako ng mariin ng dalawang beses at umawang ang aking mga labi para sana magsalita pero walang lumabas sa aking bibig.
"Sa tingin ko ay may nararamdaman na siya pero hindi niya ito sinasabi sa 'yo. Nagreseta na ako ng mga gamot, pero mas mabuti kung regular siyang mapapatingnan, Miss Mineses."
Nanginig ang mga labi ko. Walang ibang lumabas sa akin kung hindi ang salamat. Nang makaalis ang doctor ay nilapitan ako ni Lea at ni Letty. Hinawakan nila ako sa magkabilang balikat.
"Zehra..."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napayuko. Stage 1 lung cancer? gamot?
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi pa pala tapos ang mundo sa pagbibigay ng problema sa aming magkapatid. At ito naman ngayon... mas malupit na pagsubok.
Pinalis ko ang mga luha na kumawala sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim. Hindi ako dapat makita ni Seya ng ganito. Dapat maayos ang kalagayan ko at hindi umiiyak. Maaaring makasama sa kaniya.
Bago ako pumasok sa loob ng silid kung nasaan ang kapatid ko ay hinarap ko si Errol at si Thauce.
"Maraming salamat sa tulong ninyo," sabi ko at yumuko.
"Zehra, if you want--
"Errol, let's go now. You have helped them enough," sabi ni Thauce.
Sa nakalipas na limang taon hindi pa rin nagbabago ang lalakeng nakaharap ko at nagbigay sa akin ng limang libo. Mabait pa rin siya at matulungin. Ganoon rin ang lalakeng may seryoso at malamig na tingin, hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang ekspresyon nito.
"But, Thauce--
"Don't be blinded. You have helped them enough, I repeat."
Pagkasabi non ay tumalikod na si Thauce at naglakad paalis.
"Pasensiya na kayo sa pinsan ko. Pinaglihi kasi iyon sa sama ng loob. By the way, Zehra. I wanted to help you if you need work don't hesitate to call me, okay? I am praying for your sister recovery. Laban lang."
Ang mga salita ni Errol ay nakarating sa aking puro at isipan. Mabuti siyang tao... kabaligtaran ng pinsan niya.
Pero nagpapasalamat ako dahil tumulong rin si Thauce sa pagdala kay Seya sa ospital. Iyon nga lang ay pakiramdam ko ginawa niya lang iyon para kay Errol.
Nang huhubarin ko ang coat ay pinigilan ako ni Errol.
"Malamig dito, gamitin mo na 'yan," sabi niya ng nakangiti.
"Errol, I am tired and I want to go home now."
Sabay kaming lumingon ni Errol sa nagsalita. Napakamot siya sa batok at nagpaalam muli sa akin pagkatapos ay nilapitan na ang pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...