Chapter 63

7.6K 110 0
                                    


"They're always fighting, Zehra. Kahit ako ay hindi ko na sila mapigil, hindi naman dating ganito. But ever since I came back I noticed a lot changed between that two."

Nabasa ko ang aking mga labi sa narinig kong sinabi ni Lianna. Nakatingin kami sa papalayong sasakyan ni Thauce at Errol. Kami na lang ang naiwan dito dahil pumasok na ang mga kasama namin sa loob ng resthouse. Mayroon ata silang balak na mag island-hopping.

"Baka dahil sa... kumpanya."

Sa totoo lang inaasahan ko na kukomprontahin ako ni Lianna sa kung ano ang nadatnan niya kahapon pero hanggang ngayon ay wala siyang sinasabi, o binabanggit tungkol doon. Pati ang nalaman ni Errol, hinanda ko na rin ang sarili ko ngayon umaga sakaling tanungin ako ng mga kasama namin sa relasyon namin ni Thauce pero wala akong narinig kahit ano.

Walang sinabi sa mga ito si Errol, at pakiramdam ko ay kahit kay Lianna hindi niya rin 'yon sinabi.

"I don't think so, Zehra. They never fight about it. Arzen doesn't like when someone is interfering with his decision in his company and Errol knows about it. Though, sometimes, he needs to but that's his father's order."

Katulad ng narinig kong usapan nila bago dumating si Lianna. At pati na ang tungkol sa nais ng stepmother ni Thauce na pagpapakasal niya sa ibang babae. Napabuntong hininga ako ng wala sa sarili pagkaalala ko non.

Bago siya umalis kanina ay nagkausap kaming dalawa. Iniwanan naman niya ako ng mga salita na makakapagpanatag sa loob ko. Sinabi rin niya na madalas siyang tatawag sa akin at isang araw lang naman ang kailangan niya para maayos ang lahat. Pero tingin ko ay hindi... malaking problema 'yon, papalitan siya bilang CEO, maaari pang mawala ang kumpanya ng kaniyang ama. At hindi basta-basta na sa isang araw maaayos niya.

"Do you trust me?"

Hawak niya ng mahigpit ang kanang kamay ko. Nakatingin ang mga mata niya sa akin na para bang binabasa niya ang tumatakbo sa isipan ko. Napayuko ako ng bahagya at tumango. Pero agad rin niyang iniangat ang mukha ko para magtagpo ulit ang mga mata namin.

"Nagtitiwala ako sa 'yo, Thauce."

Higit sa lahat, sa kaniya lang rin ako makikinig.

"After I am done, I'll come back here, hmm? I just need a day to fix everything--"

"Hindi..." putol ko sa kaniya kasabay ng pag-iling.

"Kung kinakailangan mo na manatili pa doon ng matagal para masiguro na walang mawawala sa 'yo, gawin mo lang. Huwag mo akong intindihin dito. Ilang araw na lang rin naman, Thauce. Saka, nakausap ko si Lianna sa mensahe kagabi, gusto na rin niyang umuwi, nahihiya na lang rin siya sa mga kasama namin."

Nagbago na ang isipan ko na ayain ito pagkabasa ko non. Tama nga naman, ang ibang mga kaibigan nila ay sobrang nag-eenjoy rin. Hindi magandang gawin na mag-aya na lang umuwi basta-basta. Kaya nagpasya akong manatili hanggang huling araw para samahan si Lianna.

"Zehra..."

"Magagalit ako sa 'yo." Sagot ko agad. Ngumiti naman siya tanda ng pagsuko, napalabi at pagkatapos ay idinikit ang noo sa akin.

"I like you when you're mad though."

Hay naku! At natuwa pa nga. Naningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya at ngumisi naman siya sa akin.

"My tigress."

Umangat ang mga kamay ko at humawak sa kaniyang magkabilang siko.

"Basta, ipangako mo na walang mawawala sa 'yo. Ang posisyon lalo na ang kumpanya. Pagkatapos naman dito, uuwi na rin ako sa 'yo."

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon