"A-Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo," sabi ko na lang.
"What? I know when your eyes are searching for me, Zehra Clarabelle. When we were at the island, hindi ba at nagseselos ka kay Lianna noon? you are not that hard to read, baby."
At iyon nga ang nakakainis! Ang unfair naman kung napansin na niya noon na may gusto ako sa kaniya!
"Ngiti-ngiti ka diyan," marahas akong lumingon at sinamaan siya ng tingin.
"Ibig sabihin pinagseselos mo ako dati?" sita ko. Itinaas ni Thauce ang mga kamay sa ere at umayos siya ng tayo. Nahuli ko rin ang paglunok niya. Kung kanina ay naroon pa ang panunudyo niya sa akin ay ngayon wala na.
"Baby... why are you mad?"
"Hindi ako galit. Ang sinasabi ko lang kung alam mo na pala noon na mahal kita ay ibig sabihin ang mga kilos mo kay Lianna at pagbanggit mo sa kaniya pati ang pagsama palagi sa resthouse ay para pagselosin ako?"
Napa-facepalm bigla si Thauce at sa itsura niya ay mukhang nahihirapan siya na sagutin ang mga tanong ko. Nakapamewang na rin siya sa akin ngayon.
"Sino ba kasi ang matutuwa. Nung mga oras na 'yon masakit rin sa akin na layuan ka, itulak ka kasi naguguluhan na ako tapos mahal mo na rin pala ako non hindi ka lang umaamin. Tapos nung nagselos ka na ng sobra saka mo lang naisipan na sabihin ang nararamdaman mo. Paano kung nawala na yung pagmamahal ko sa 'yo? paano kung nahulog na ang loob ko kay Errol?"
Dahil posible 'yon, alam rin ni Thauce na maaaring mahulog ang loob ko kay Errol dahil 'yon ang bukambibig niya una pa lang.
"Why are we in this situation right now?" naiiling niyang tanong at umikot palapit sa akin. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid at nakahawak sa armrest ng inuupuan ko.
"Okay, kasalanan ko 'yon, naduwag ako, natorpe. I admit I felt all of that before I confessed my feelings. Ang nagtulak sa akin ay yung sobrang selos ko. But I was not that confident that you are in love with me, Zehra. I was anxious when we were at the rest house. I got jealous so badly. Selos na selos ako..."
Hindi na ako nakapagsalita dahiil sa tingin niya sa akin. Diretso ang mga mata niya na para bang binabasa ang isasagot ko. Nang mapalunok ako ay mas lumapit pa ang mukha sa akin ni Thauce.
"I know Errol was trying to present himself in a positive light to win you over, but I'm grateful my woman isn't that easy to win over. That makes me happy lalo na nang makita ko mismo na ikaw ang lumalayo sa mga lalakeng kasama natin sa resthouse."
At doon na ako kumibo ulit.
"Yun naman pala pero nagseselos ka pa rin," isang matunog na halik ang ibinigay niya pagkatapos ng mga sinabi ko.
"Of course. I would get jealous, kahit sino basta napalapit sa 'yo ay magseselos ako. I am possessive, territorial..." mariiin kong napagdikit ang mga labi ko sa lalim ng tingin niya.
"Ang sa akin, ay sa akin, Zehra Clarabelle," dagdag niya sa mababa at mapang-akit na tono.
"P-Pero yun nga, wala ka naman dapat ikaselos, ako na ang lalayo kung alam kong hindi ka matutuwa."
Ngumiti naman siya sa akin at hinawi niya ang bagsak kong buhok. Inipit niya rin sa likod ng aking tainga at pagkatapos ay mariiin na halik naman sa noo ang iginawad niya.
"I realized the mistake that I made before, the way I treated you, the harsh words I've said. I am so sorry, baby. Hindi ko na uulitin."
Iba naman ang sitwasyon namin dalawa dati. Pareho lang kami. Ako lumapit ako sa kaniya dahil makatutulong siya sa sitwasyon ni Seya at tama lang na magalit siya dahil gusto ko noon tumalikod sa napagkasunduan namin na dalawa.
Umangat ang kamay ko at humaplos sa pisngi niya.
"Naniniwala naman ako na hindi mo ako sasaktan, Thauce."
Mas lumalim ang tingin sa akin ni Thauce, kung kanina malamlam ang mga mata niya na nakatuon sa akin ay iba na ngayon.
"A-Ahm, ano ba ang balak mong lutuin?" tanong ko, binalingan ko yung mga sangkap na inasikaso niya kanina. Sa tingin ko ay mukhang afritada 'yon. Napatingin na rin ako sa rice cooker at hindi ko napansin kanina na binunot na pala niya ang saksak.
"Zehra Clarabelle..."
Napalunok ako nang mababa niyang tawagin ang pangalan ko pero pagharap ko ay sinalubong ako ng mga labi niya. Malalim na halik kaagad. Napasinghap rin ako nang buhatin niya ako ng may pag-iingat at iupo sa ibabaw ng lamesa.
"Hmm... T-Thauce..."
Mahilig manghalik si Thauce, sa isang araw ay hindi ko na mabilang, palagi niyang binibigyan ng halik ang mga labi ko kahit mabilisan lang pero madalas. At simula nang makabalik kami pagkatapos ng bakasyon masasabi ko na ngayon lang niya ako muli hinalikan ng ganito.
Mapag-angkin, nagmamadali, at halos hindi ko masundan ang pagkilos ng mga labi niya sa akin.
"H-hmm.. uhhh..." da/ing ko nang maramdaman kong pumasok ang kamay niya sa loob ng puting blouse ko. Nahanap kaagad non at pinagtuunan ng pansin ang nais na paglaruan.
"Baby..." bulong niya nang pakawalan ang mga labi ko, ngayon ay nasa tainga ko na ang bibig niya. Nanayo ang mga balahibo sa aking buong katawan nang maramdaman ko ang pagdila niya doon.
"Uhmm..." ang higpit ng kapit ko sa tshirt ni Thuace ngunit sandali lang. Napalipat rin ang mga kamay ko sa batok niya, sa buhok habang nakikiliti ako sa paghalik-halik niya sa leeg at tainga ko.
"A-Ang iluluto mo... T-Thauce..." utal-utal kong sabi.
Nakagat ko ang loob ng aking pisngi, napapatiim bagang ako habang humihinga ng malalim. Napatigil naman siya sa ginagawa, lumayo siya ng kaunti sa akin pero ang mga kamay ay nasa baywang ko pa rin.
"Zehra Clarabelle..." tawag niya ulit. Gulo-gulo na ang buhok niya, basa rin ang mga labi at namumungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Nang lumakad ang mga daliri ko sa buhok niya at inayos 'yon ay nahuli ko ang paglunok ni Thauce.
Ano ba ang problema niya?
"Bakit?" tanong ko na siyang pagbaling niya ng tingin sa braso ko na napilay. Dahan-dahan rin na lumakad ang mga daliri niya doon. Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa pagtataka sa inaato niya.
"May problema ba?" tanong ko ulit pero pagkaangat at nang magtagpo ang tingin namin ay napaawang ang mga labi ko sa nabasa ko sa mga mata niya.
"Do you think... we can..."
Nag-init ang aking mukha, umabot 'yon hanggang sa mga tainga nang makuha ko ang tanong niya na 'yon. Alam ko kung gaano siya nagpigil, sa isla pa lang, pero, i-iyon ba ang gusto niya? at iniisip niya na baka masaktan ako kung itutuloy namin dahil sa braso ko?
"Damn it. I am sorry, just... just forget about it, baby," mabilis rin na sabi niya. Hinalikan niya ako sa noo pero bago pa man siya makalayo ay pinigilan ko siya sa kaniyang damit.
Napabalik ng tingin sa akin si Thauce.
"D-Doctor ka, 'di ba? alam mo kung p-papaano ang gagawin--"
"Fck."
At pagkasabi non ni Thauce ay muli niyang binalikan ang mga labi ko. Mariin at malalim na halik ang muli niyang sinimulan.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...