Unti-unting umangat ang tingin ni Thauce sa akin. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Tumalim ang mga mata ko pero hindi nawala ang ngiti kay Thauce.
Halu-halo na ang emosyon sa akin pero humupa na ang kirot, wala na ang sakit na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Lianna.
"I did that because I was scared that you would leave me also because of my company."
Naramdaman ko naman 'yon pero ang gusto ko lang naman ay manatili sa mga kamay niya ang kumpanya dahil siya rin ang naghirap don.
"Our marriage certificate was still on process that time. Kakukuha ko nito lang, that was my last card para mapasaakin ng buo ang kumpanya nang wala nang gagawin pang iba. And Diana knows about it, maybe that is also the reason why he offered you money to leave me. She would get nothing. But it's too late for her. She didn't know that I am already married."
Kumunot ang noo ko dahil proud na proud pa ang rinig ko sa mga huling sinabi niya. Kaya pala maganda na rin yung mood niya nang mga nakaraang araw!
"E-eh, paano nga kung umalis ako? paano kung naniwala ako na a-anak mo yung dinadala ni Lianna? sobra akong nasaktan kanina, natakot ako, Thauce. Nakita mo itong mukha ko? Namamaga pa sa pag-iyak pero--"
"Pero naniwala ka pa rin sa akin... you believe in me and you didn't leave. Thank you so much, baby."
Sumama ang tingin ko sa kaniya.
"I will accept any punishment, cold treatment or anything you want to do because I deserve it."
Napabuntong hininga ako. Ginawa naman niya 'yon para sa amin at sa kumpanya ng ama niya. Ang hirap rin ng sitwasyon nilang mayayaman sa pagpili ng makakasama nila habambuhay. Dahil sa negosyo ay magpapakasal sila sa isang taong hindi nila mahal. Pero, marami rin siguro ang nagulat nang tumanggi si Thauce na pakasalan si Lianna dahil hindi naman sikreto na minamahal niya ito noon.
"Are we... okay now?" haplos niya sa pisngi ko. Pinakatitigan niya ang mukha ko at nakita ko ang kislap ng lungkot sa mga mata niya.
"Oo..."
Masyado akong nasaktan dahil sa mga sinabi ng stepmother niya.
"Your eyes are swollen... I am sorry, baby."
Umiling ako, malinaw sa akin na wala siyang kasalanan.
"Sorry rin, inisip ko na agad na ikaw ang ama... sorry, Thauce. A-Alam ko kasi kung gaano mo ipinaglaban rin si Lianna dati."
Naunawaan ko na inilihim niya ang pagbubuntis ni Lianna dahil sa pakiusap sa kaniya at kahit hindi ito makiusap ay ano naman ang magiging dahilan ni Thauce para sabihin sa akin nang mga panahon na 'yon? hindi pa rin siya nagtatapat sa akin. At para kay Thauce sa mga nangyari nang maging kami na ay ang hadlang at problema lang na nakikita niya na mabigat ay ang pagpapakasal kay Lianna.
Hindi ang pagbubuntis nito dahil hindi naman siya ang ama. Nagkaproblema lang dahil hindi niya pala inaasahan na makikialam ang stepmother niya para mapaalis ako.
"Damnit. Diana will really pay for this. Paano kung iniwan mo ako dahil sa mga sinabi niya at sa mga larawan? she even left money," nanggigigil na sabi niya, bumalik na naman ang galit kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
"T-Thauce, hindi ako aalis nang hindi ko naririnig ang paliwanag mo. Matigas rin ang desisyon ko na kung totoo nga na may anak kayo ni Lianna, t-tatanggapin ko 'yon k-kahit masakit at hangga't hindi ko naririnig na hindi mo na ako mahal, hindi ako aalis sa tabi mo."
Idinikit naman niya ang noo sa akin. "You... will do that for me?"
Tumango ako ng dahan-dahan. At hindi pa man ako nakakapagsalita nang iangat niya ang baba ko at halikan ako ng mariin. Mabilis rin niya akong inihiga sa kama. Nang lumayo siya ng bahagya sa akin ay namumula ang kaniyang mukha at buong pagmamahal na nakatuon sa akin ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...