Ramdam ni Thauce na ayokong makipag-usap sa kaniya. Hindi naman na siya nagpumilit pa pero kanina habang pauwi kami at hihinto ang sasakyan dahil sa red light at sinusulyapan niya ako ng tingin sa salamin. Nakikita ko 'yon sa gilid ng mga mata ko.
Wala akong ibang nasa isip kung hindi ang mga sinabi ni Lianna kanina. Kahit nang makauwi na kami ngayon sa bahay niya ay iyon pa rin ang laman ng isipan ko.
Diretso at walang salita na lumabas ako ng kotse niya at pumasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad ay tumingin ako sa sandali sa cellphone ko at nakitang alas-dos na ng hapon. Ang bilis ng oras. Halos hindi ko namalayan.
"Zehra..."
Napalunok ako nang marinig na tinawag ni Thauce.
Sa relasyon namin, hindi ako madalas nagtatanong ng mga pinagkakaabalahan niya. Napanatag rin ako sa pag-iisip dahil sinasabi naman niya sa akin ang mga ganap niya bawat araw.
Tumatawag rin siya sa akin pero sa mga oras na hindi... 'yon ba ay naroon siya sa opisina ni Lianna?
"Baby, what happened? bakit hindi mo ako pinapansin? may sinabi ba si Lianna sa 'yo na--"
Pagkarinig ko non ay siyang pagtigil ko sa paglalakad at pumihit ako para humarap sa kaniya. Seyoso ang tingin na ibinigay ko habang nakakuyom sa inis ang aking mga kamay. Halos isang oras ang byahe, ang tagal non para sa akin pero hindi nawala ang bigat na nararamdaman ko.
"Marami kaming napag-usapan ni Lianna, bakit Thauce?" Nahuli ko ang paglunok niya, sandali siyang umiwas ng tingin at doon pa lang ay sa reaksyon niya ay mas nadagagan ng sakit ang nararamdaman ko.
May itinatago ba siya sa akin? m-may hindi ba siya sinasabi na dapat kong malaman? Nakatingin ako a hinihintay ang sagot niya, nang marinig ko ang marahas niyang pagbuntong pero hindi siya nagsalita ay nakuha kong wala akong mapapala sa kaniya.
Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko, gusto kong umalis pero alam kong katawa-tawa na lisanin ko itong bahay niya ng kahit ano wala ako.
"Asan ang mga susi ng mga kwarto?" tanong ko. Umangat ang isang kamay niya at hahawakan sana ako sa siko pero umatras ako.
"Zehra--"
"Nasaan?" may galit nang ulit ko, medyo tumaas na rin ang boses ko. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganitong pagkatapos ng mga masasayang nangyari sa mga nakalipas na araw. Malinaw naman ang gusto ko sa relasyon namin, hindi pera, hindi kahit anong materyal na bagay.
Ang gusto ko ay maging tapat siya.
"In our room, sa drawer. Naroon ang lahat ng susi."
Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya dahil agad akong tumalikod. Mabibigat ang mga paa na tinungo ko ang kwarto namin. Ramdam ko na nakasunod pa rin siya at binibigyan ako ng distansya. Malapit nang mamuo ang luha sa mga mata ko, selos na selos yung pakiramdam ko. Wala kong problema kay Lianna, alam ko naman kasi kung gaano niya kamahal si Errol at impoible na maibaling niya pa ang atensyon niya kay Thauce lalo at alam niyang may relasyon kami ngayon pero...
Ang sakit lang na sa tanong ko nanahimik si Thauce.
Pagkakuha ko ng susi ay saka ako ulit lumabas ng kwarto namin. Sunod lang siya ng sunod. Tinatawag ang pangalan ko pero hindi ako lumilingon, hindi ako napapatigil at hindi rin bumabagal ang paglalakad ko. Nang makarating ako sa silid ko dati nang patuluyin niya ako dito sa bahay niya ay walang salita na binuksan ko 'yon.
"Zehra Clarabelle, baby... let's talk about it. Ano ang ikinaiinis mo sa akin?"
Pero malapit na akong maiyak, nanginginig na ang mga labi ko at pigil na pigil ko. Hindi pa rin ako humarap sa kaniya, ayokong palagi na lang umiiyak sa tuwing napag-uusapan namin si Lianna. Ang higpit ng kapit ko sa seradura, matigas ang loob ko na huwag siyang harapin.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...