Chapter 51

8.9K 131 4
                                    


Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos na sagutin ko si Thauce at sa mga araw na iyon ay hindi naman na niya ako kinukulit na ipaalam sa mga kasama namin ang aming relasyon. Mukhang naintindihan na rin niya ako dahil nga sa sitwasyon namin at ni Errol. Pero, iyon ay may kapalit naman.

"Once we get back, you can't stop me from doing what I want to do to you."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"H-Ha?" iyon ang lumabas sa aking bibig kahit nagkaroon ako ng ideya kung ano ang kaniyang sinasabi.

Tumaas ang sulok ng labi ni Thauce at lumapat ang kamay niya sa aking leeg, bumaba pa iyon hanggang sa aking braso at nang dumako sa aking tagiliran ay hinapit niya ako sa aking baywang.

"But I don't know if I can still bear it."

Napangiti ako nang maalala iyon, pinaypayan ko rin ang aking sarili nang makaramdam ng pag-iinit ng aking mukha. Hay, Zehra, ang rupok mo naman. Sa tingin ko ay makakatiis naman si Thauce, kasi sumusunod naman rin siya sa mga sinasabi ko pero ipinilit niya iyong pagkikita namin tuwing gabi sa rooftop.

Iba daw kasi na nakikita niya nga ako pero hindi malapitan kaysa iyong nakikita niya ako na kaming dalawa lang at nahahawakan. Isinisingit niya iyon palagi sa aming usapan. Iyon nga lang, hindi personal. Sa text kami ngayon madalas na magkausap. Nagtuloy-tuloy naman iyon, feeling ko tuloy teenager kaming dalawa. Ang cute niya rin, marunong pala siyang gumamit ng emojis.

"Good morning, baby. * heart sign*"

"What time are you going to the kitchen? I am here. Halika na dito. :("

Iyan 'yong chat niya kanina pero nang mag-reply ako na papunta na doon sina Wade ay symbols lang ang reply niya. ':(((' natawa ako kasi sad na sad ata ang ibig sabihin non. Nag-reply na lang ako na mamaya ako babawi pag nagkausap kami sa rooftop.

Mamaya...

"Haaay, Zehra!" kastigo ko na lang sa aking sarili. Parang mapupunit na rin kasi ang aking mga labi sa ngiti ko.

Ang rooftop na ata ang aming magiging sikretong tagpuan dahil nga sa umaga ay hindi naman kami nagkakasama. Maganda rin naman doon, saka wala talagang pumupunta dahil takot ang mga kasama namin. Naniwala sila sa kwento ni Liannna na may multo nga raw na ligaw dito sa taas.

Kahit ang mga kalalakihan ay hindi nagagawi sa pinakamataas na palapag. Mga duwag rin.

"Ohh, ang ganda ata ng gising mo, Zehra. You are smiling alone."

Ganoon na lang ang bilis ng pag-angat ko ng mukha nang marinig ang boses ni Lianna.

"H-Hindi naman," sagot ko.

Kapapasok lang niya dito sa kusina. Basa pa ang buhok niya at pinupunasan niya iyon ng towel. Naka white top siya at scallop shorts. Wala ata siyang balak na maglibot sa beach ngayon? narinig ko pa naman kanina na may maliit na isla na bibisitahin sila Errol.

Kaiisip ko sa mga naganap sa pagitan namin ni Thauce ay hindi ko namalayan si Lianna. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang aking ginagawa.

"Sinigang ang ulam natin for lunch?" tanong niya pagkatapos ay pumunta siya sa ref at binuksan iyon. Kumuha siya ng gatas at nagsalin sa baso. Nang makatapos ay isinauli niya at humila ng upuan. Naupo siya sa aking gilid. Sapat na ang distansya para makakilos ako ng maayos dahil sa pagluluto.

"Oo, uhm, nagpabili ako sa caretaker nitong resthouse ninyo."

Ito rin kasi ang request ni Thauce. Kagabi sinabi niya na nais niyang mag-ulam ng sinigang, ang gusto pa ay ang ipagluto ko siya lang. Paano ko naman iyon gagawin kung ang dami namin na kasama dito? tiyak na mapapansin ang gagawin ko. Kaya ito, magluluto na lang ako para sa lahat.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon