Chapter 104

5.1K 76 2
                                    


"Akala ko talaga ay aabutin pa ng matagal bago tayo magkita ulit!"

Maaga pumunta si Lianna dito sa bahay ni Thauce para sunduin ako. May dala siyang sasakyan at may driver rin. Ito nga at matutuloy na ang lakad namin na dalawa. Alas nuwebe pa lang! at ang oras na ito ay ayaw talaga ni Thauce dahil bukod sa masyado daw na maaga ay bukas na ako uuwi dahil iyon ang gusto ni Lianna. Doon muna ako sa bahay nila matutulog.

"Hindi naman, Lianna," sagot ko sa kaniya at ngumiti.

Pero hindi kami sa Antipolo tuloy, kung hindi doon lang sa bahay nila. Kabilin-bilinan naman ni Thauce kay Lianna habang kausap ko ito sa video call kagabi ay kaming dalawa lang dapat at wala nang iba itong iimbitahin.

"Can't wait to spend more time with you! pero maganda sana kung makakagala talaga tayo kaso, hmm, ang killjoy ni Arzen, eh."

"Kung sa malapit siguro sa inyo, Lianna. Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala kay Thauce," paninigurado ko.

Nagkwentuhan kami sa buong hanggang sa makarating na nga kami sa kanila. Napakadaldal at lively pa rin ni Lianna. Walang nagbago sa kaniya pero pansin ko na palagi siyang nakakapit sa akin at palagi niyang pinipisil ang pisngi ko.

Napansin ko rin na medyo nagkalaman siya.

"Magandang umaga po, Ma'am!" bati sa amin ng mga kasambahay pagkapasok namin sa loob ng kanilang bahay.

"Magandang umaga rin po," sagot ko sa mga ito at ngumiti.

Ang laki rin ng bahay nila, dito pala siya sa parents niya ngayon tumutuloy pero sabi niya kanina sa sasakyan na may sariling bahay talaga siya na nasa mismong Village rin na ito.

"Huwag kang mag-alala, sa susunod pwede na siguro tayo na makalibot sa malayo," sabi ko na lang sa kaniya nang marinig na nagrereklamo siya ulit sa hindi pagpayag ni Thauce na tumungo kami sa Antipolo.

"Ang higpit naman kasi sa 'yo ni Arzen! hindi ko rin 'yon inaasahan. I mean, hindi naman na mauulit for sure yung nangyari sa resthouse, hindi naman natin hahayaan 'yon o na may mangyari sa 'yo na hindi maganda kaso pag ganiyan na grabe siya kung magkulong sa 'yo hindi ba nakakainis rin 'yon?"

Tama naman siya at sinabi ko ito kay Thauce talaga, iyon nga ang tingin ko kung bakit rin pumayag siya sa pag-alis ko at sama kay Lianna pati ang pagtulog sa bahay nito.

"Hmm.... but just the two of you, baby."

"Oo nga, Thauce. Bakit sino pa ba ang tingin mo iimbitahin ni Lianna? Si Errol? Tingin mo gagawin niya 'yon?"

Napanguso naman siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ikaw, masyado kang seloso. Naiinis na ako."

"Baby..."

Napapikit ako ng mariiin sa nalaala kong usapan namin ni Thauce. Kailangan ko ata dalasan na maging masungit sa kaniya pag wala na siya sa rason minsan.

"Naiinip na nga rin ako minsan sa bahay, last week pumunta ako don sa tirahan namin sa Dapdap, pumayag naman siya," sagot ko kay Lianna.

At ang tungkol nga pala sa sinabi ni Thauce na asawa niya ako ay hindi ko na naungkat pa sa kaniya dahil pakiramdam ko naman na sinabi niya lang 'yon dahil sa sitwasyon ko non.

"But I understand his possessiveness and how he protects you, Zehra. Kasi you know? kahit ako, I felt the need to do that to you also as you older sister. I see you as a precious person, sobrang soft mo for me na gusto ko rin na alagaan ka. Kaya naiinis ako kay Arzen sa tuwing sasabihin ko na magkita tayo and he won't allow it. Pero hindi ako tumitigil, ha! Kinukulit ko talaga siya!" sabi niya ng natatawa.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon