Napatanga ako sa sinabi ni Thauce. Nagbibiro ba siya? tinatapos na niya ang kasunduan namin? at teka, iyong halik. Iyong matagal na halik na iyon? para saan? pinagti-tripan niya ba ako? pero ang mga binitawan niyang salita, ang itsura niya ngayon... lahat ay ramdam kong seryoso.
Isa pa, hindi nagbibiro ang isang Thauce Arzen Alessandro Cervelli.
Hindi niya ako bibiruin.
Mas kinabahan ako, mas bumilis ang kabog ng dibdib ko lalo pa at ang aliwalas ng kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Hindi niya inaalis ang paningin habang hawak ako ng mahigpit ng mga kamay niya.
"T-Teka, a-ano... ano ang... ibig mong sabihin?"
Halos magbuhol-buhol na ang mga salita ko sa pagkabigla. Hindi na rin ako makapag-isip ng tama. Habang nakatingin ako sa kaniya ay mas sumisikip ang dibdib ko, hindi na normal ang aking paghinga lalo pa at ang pakiramdam sa mga labi ko ay narito pa rin.
Ang mahaba at mapusok niyang halik kanina na kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na gagawin niya.
At iyong kasunduan? Tinatapos niya ba dahil... h-hala, gusto niyang iba ang maging trabaho ko?
"Zehra–"
"Ayoko nang ibang trabaho, i-iyon bang sinabi mo noon sa opisina mo? iyong... a-ano..."
Kunot ang noo niya pagkatapos ng mga sinabi ko pero sandali lang dahil tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi ako sanay na ganito si Thauce, pakiramdam ko ay may mali sa kaniya. Sanay akong masungit siya, nagsasalubong ang mga kilay, nakasigaw o hindi kaya naman ay nanlilisik ang mga mata kaya mapapasunod kang bigla.
"What are you trying to saying?" ang kapit niya sa aking baywang ay lumuwag at umakyat sa aking likod ang kaniyang palad.
Napatikhim ako, ang tingin niya ay parang natutuwa pa siya sa ekspresyon ng aking mukha. Sigurado naman ako na pulang-pula na ako hanggang sa aking mga tainga.
"W-Wala ka ba balak na lumayo kahit kaunti sa akin?"
Umiling si Thauce. Napasinghap ako nang hilahin niya akong muli palapit. Nailapat kong tuloy ang mga kamay ko sa dibdib niya.
"Thauce, b-bitawan mo nga ako. Ano ba itong ginagawa mo?"
Napataas ang aking mga kilay at nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang mukha niya at mabilis akong muli na halikan.
"Thauce! Nakakarami–"
"I am in love with you, Zehra Clarabelle."
Nabigla ako doon! nanlalaki ang aking mga mata na nakatingin sa kanya. Sandali rin na tumigil ang aking paghinga sa narinig kong mga sinabi niya.
"I... in l-love?"
Hindi sapat ang salitang gulat para maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko at sigurado na kita rin iyon sa aking mukha!
"T-Thauce..."
Anong... sobra na ito kung binibiro niya ako.
Tumaas ang sulok ng labi ni Thauce at pinaraan niya ang isang daliri sa pang-ibabang labi ko.
In... In love? sinabi niya bang in love siya sa akin? At kailan pa? Teka lang... K-kung ganoon, iyong mga naramdaman ko, ang galit niya... a-ang pakiramdam kong pagseselos niya ay hindi ko lang akala dahil totoo pala.
"Thauce, may s-sakit ka ba?" inilapat ko pa sa kaniyang noo at leeg ang aking isang kamay.
Natawa siya sa aking sinabi. Hinuli niya ang kamay ko na iyon, ikinapit niya iyon sa kaniyang batok at idinikit niya ang kaniyang noo sa akin.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...