Chapter 71

5.7K 109 2
                                    


"Are you okay, Zehra?"

Kababalik lang namin sa resthouse nang kausapin akong muli ni Lianna. Nakita ko sa mga mata niya ang awa habang bitbit pa rin ang handbag niya. Hindi pa nga niya 'yon binibitiwan, pagkarating namin ay dito siya sa silid ko dumiretso.

"Ayos lang, maraming salamat, ha? saka pasensya ka na rin at nagkaroon pa ng tensyon kanina. Sana umiwas na lang ako at hindi na pinatulan pa si Rita."

Iyon naman rin ang dapat pero nang marinig ko kung paano niya binanggit si Seya ay nawalan ako ng pasensiya. Alam ng Diyos kung paano ko ipinaglaban ang buhay namin ng kapatid ko sa hirap, ang buhay ni Seya sa sakit niya na dumating ako sa puntong nakagawa ako ng kasalanan sa kapwa ko.

Masakit lang rin dahil kung may iba akong pagpipilian ay sa maayos na paraan ko pa rin gustong kumita ng pera pero wala akong nagawa. Sobrang hirap, itong bigat sa dibdib ko dala ko pa rin dahil kahit kay Lianna alam kong malaki ang kasalanan ko dahil sa kasunduan namin ni Thauce.

"Rita is a btch so it's understanable, and sometimes you need to stand up for yourself, Zehra. It's okay. Kung naroon ako ay baka nasampal ko ang babaeng 'yon."

"Lianna..." suway ko sa kaniya. Ayoko naman na pati siya ay madamay pa. Naupo ako sa kama at ibinaba ang cellphone ko. Lumapit naman siya kaagad, nakatayo siya sa harapan ko.

"If it is not for Kit, hindi ko naman isasama ang babaeng 'yon. Nakiusap lang si Kit. Ewan ko ba, she is so obsessed. Dapat nga na siya ang makisama dahil hindi ko naman siya inimbita. At ang nakakainis pa, sinabi ni Kit sa akin na intindihin na lang daw si Rita."

Siguro iyon na nga lang ang mas tamang gawin para hindi na lumala pa ang away. Nakakahiya rinn dahil naroon pa sila Tristan at Wayne kanina. Narinig nila ang mga sinabi ni Rita, ano kaya ang iniisip nila sa akin ngayon? hay...

"And Kit said that he would apologize to you, but where is he? ang sabi pa ay ihahatid tayo, 'di ba? is he siding that btch?"

"Ayos na rin 'to, Lianna. Baka lang kasi inaalo pa ni Kit, nasaktan ko rin naman kasi si Rita."

Umiling siya, nakikita ko ang galit sa mukha niya habang nakahalukipkip.

"No, Kit knows Rita has that btch attitude, ewan ko baka nagpaawa na ang babaeng 'yon. Don't worry, pag nakabalik sila ay magkakaroon ng pag-uusap."

Natahimik na ako don, mukhang hindi na ata mangyayari na haharap pa ako sa pag-uusap na 'yon dahil si Thauce ay babalik rin ngayong gabi, uuwi na kami. Nang maalala ko naman 'yon ay hinarap ko si Lianna, salubong pa rin ang mga kilay niya. Ngayon ay nakatingin naman siya sa cellphone at nagtitipa.

Hinintay ko na mayari siya.

"Wayne sent a message, mga alas singko raw ang balik nila, gusto rin daw niyang maayos at magkaroon ng linaw ang nangyari kanina sa isla. He also want Rita to apologize to you."

Mangyari kaya?

"Huwag na, Lianna. Bago pa naman mangyari yung kanina, pansin ko nang hindi ako gusto ni Rita saka wala naman problema sa akin kung hindi siya humingi ng tawad. Wala na akong dapat rin ipaliwanag saka, ayoko na malaman pa ng iba ang tungkol kay Seya, baka mas isipin nga na nagpapaawa ako sa inyo..."

Dahil lahat sila na kasama ko ay mayaman, at kung mag-aalok ng tulong ay parang totoo na rin ang sinabi ni Rita na nagpapaawa ako sa kanila para sa pera, na ginagamit ko si Seya.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko, ang sakit lang... kahit kailan naman ay hindi ko gagamitin ang kapatid ko sa pansariling gusto.

"Haay, but if that's what you want I will respect that," naupo si Lianna sa tabi ko. "Ako na lang ang sasampal kay Rita--"

"Lianna!" namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumawa siya at saka hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"You know, when I saw that you were so mad earlier? and that you were about to cry, nagsisi ako na nahuli ako. Kung nasaksihan ko ang nangyari ay baka nakatikim talaga sa akin ng sampal si Rita. I know your struggle, Zehra. I saw how you fought hard for Seya, I was there at hindi ko pa nalalaman non ang ibang pinagdaanan ninyo. Anong karapatan ni Rita na magsalita sa 'yo ng masasakit?"

"I felt like an older sister earlier wanting to fight back for you, and even right now while I am comforting you..."

Lianna...

Nag-init ang mga mata ko habang nakikinig sa kaniya, bawat salita ay ramdam ko ang sinseridad. Napakatotoo niyang tao, at kahit nang malaman ko ang tungkol kay Errol walang galit na namuo sa akin dahil sa ginawa niya.

"The next time someone hurt you, tell me, hmm? huwag kay Arzen! kilala ko 'yon! I saw how he made some people's lives miserable. Maawa ka, Zehra. At pwede ba na ilihim natin itong nangyari? ako na lang ang gaganti kay Rita because if Arzen learned about this I can't imagine what he would do, lalo na at takot ang ama ni Rita sa kaniya, baka madamay pa ang ama nito."

T-Teka... hindi siya ang nagsabi kay Thauce? natigilan ako at napaisip.

"Lianna, hindi mo ba sinabi kay Thauce?" tanong ko pa kahit alam ko na ang sagot. Sunod-sunod naman siya na umiling.

"No! oo at gusto kong makaganti kay Rita pero nakakaawa siya kapag nalaman ni Arzen. That man is the head of all the evil. Kahit babae ay hindi niya palalampasin."

Napalunok ako. G-Ganoon ba? pero sino ang nagsabi?

"Zehra? why?" sinilip ako ni Lianna nang mapayuko ako at nang umangat ang tingin ko sa kaniya ay napangiwi pa ako bago sumagot.

"A-Alam na kasi ni Thauce."

"What?! you told him? i-it's okay kung nagsabi ka na sa kaniya kasi syempre he is your boyfriend and--"

"H-Hindi! hindi ako ang nagsabi, nung tumawag siya sa akin nasa isla pa tayo, eh. Galit na siya non na kahit ako natahimik habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi ko rin alam kung kanino niya nalaman, Lianna..."

Napabulong siya, rinig ko ang 'Oh my God' niya. Pati tuloy ako ay kinabahan dahil sa mga sinabi niya kanina.

"Who told him? hindi ako, ha! ibig sabihin may mga mata pa si Arzen dito sa isla maliban sa akin? wait, is it Wayne? for sure kasama natin, eh. That ass, nanigurado siya talaga at hindi nakuntento na ako lang ang titingin sa 'yo."

Pero ang bilis ng pagtibok ng puso ko... ibig sabihin ganon nag-aalala sa akin si Thauce nang maiwan niya ako dito?

"At oo nga pala, sinabi niya na susunduin niya ako, Lianna. Ngayong gabi rin ay uuwi kami."

Napahilamos siya sa kaniyang mukha.

"That's why he is not answering my calls, tatanungin ko sana kung anong oras ang balik nila bukas nun pala ay nalaman na niya at siguradong nagtatapos ng trabaho 'yon. Well, wala na tayong magagawa, goodluck to Rita demonyita. She will face the real evil tonight."

Tinapik ni Lianna ang likod ko at tumayo siya.

"No one can stop Arzen, pero alam ko naman na ikaw kaya mo," ngiti niya sa akin.

"Nakikinig siya sa 'yo, Zehra. Kahit isang salita mo lang, napapalingon siya agad. He is so different when it comes to you."

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon