"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot.
"Kadarating-dating lang..."
"The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko.
"What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!
"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto.
"M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."
D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!
"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.
May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat ay mga lalake na, ang ilan ay parang kaedad lang rin ni Thauce. Nakilala ko ang tatlo! Si Eleazar at yung dalawa ay sa orphanage ko nakaharap. Kung hindi ako nagkakamali ay si Mr. Valleje ang isa at ang isa naman ay Alexo ang pangalan.
"Sit here beside me, baby."
Pinauna na akong maupo ni Thauce sa tabi ng upuan niya, kinuha rin niya ang hawak ko na paperbag.
"She's not used to meeting people, Mrs. Argueles. Mabilis kasing mahiya ang asawa ko."
"Hmm aside from that eh mukhang ikinukulong mo ata sa bahay mo kasi! but, I understand your possessiveness, Mr. Cervelli. You got a lovely wife. And..." tumuon ang pansin nito sa paperbag.
"Very caring too."
Nang bumalik ang tingin sa akin ng tinawag ni Thauce na Mrs. Argueles ay ngumiti ito at gumanti naman ako agad, bahagya ulit na yumuko. Malalaking tao, mayayaman, kabado ako na baka mahusgahan pero nagpapasalamat naman ako dahil sa maayos na pagbati rin sa akin ng mga ito.
"She is, and I am lucky she's my wife, Mrs. Argueles," pagkasagot non ni Thauce ay inangat niya ang kamay ko at pinatakan ng halik ang ibabaw. Napatingin ako sa kaniya, lumapit ako sandali at bumulong.
"N-Nakakahiya... doon na lang sana kita hinintay sa table ni Shirley," sabi ko. Pero si Thauce ay ngumiti lang sa akin at sa harap ng mga taong nakatingin sa amin ay hinalikan niya ang aking noo.
"I don't want you waiting outside for me."
Hindi na ako sumagot, lalo pa at ramdam kong pinanonood kami ng mga narito sa loob ng silid. At nang may magsalita nga ay napatingin ako dito.
"We're actually surprised that you are married," sabi ng isang lalake, may edad na rin ito. Nakangiti at may hawak na ballpen.
"Ang akala namin ay puro trabaho na lang ang nasa isip mo, eh."
"But we forgot that he is also a very private man," sabi naman ng isa pang may katandaan.
"He loves to work in silence and then he will shocked all of us of his success. Like what he was doing in his company right now. He's working so hard than the usual, and now we know the reason why."
Tumingin ito sa akin at saka ngumiti.
Mas humigpit naman ang kapit ni Thauce sa kamay ko.
"Hmm. But the CEO was so motivated. Is your wife pregnant? mukhang kaya rin sobra ang pagtatrabaho lalo."
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...