Chapter 76

6.4K 106 37
                                    


Zehra Clarabelle

Mali na nagtiwala ako p-pero bakit? napakabuti ni Kit... napakabuti sa isip ko na hindi ko naisip na magagawa niya 'to sa akin.

"A-Akala ko mabuti kang tao..."

Natigilan siya sa mga sinabi ko, ang suot ko na lang na pang-itaas ay ang panloob ko. Umakyat ang kamay ko at kinapa ko sa gilid sa gawi ng aking leeg ang kwintas na ibinigay sa akin ni Thauce. Nang makuha ng kamay ko ay mahigpit ko 'yon na hinawakan.

"Nagtiwala ako sa, 'yo, K-Kit..."

"I fckng trusted you too, Zehra..." galit niyang sabi sa akin. Bawat salita ay mabigat at nanlilisik ang mga mata niya. Kahit malabo ang paningin ko ay nakikita ko kung gaano kadelikado ang itsura niya.

Nang idiin niya ang katawan sa akin at ngumiti siya ay mas kumawala ako kahit nahihirapan na. Nanginginig ang buong katawan ko, napapagod na ako pero k-kailangan kong makawala sa kaniya... k-kailangan kong makabalik kay Thauce.

"Sana pala ay naniwala ako kaagad kay Rita! everything makes sense right now, pero alam mo yung masakit sa parte ko? gustong-gusto kita pero isa ka lang rin pa lang babae na tinatapatan ng pera!"

"Dahil 'yon ang ipinaintindi sa 'yo ni Rita! sinabi niiya ang mga salitang 'yon dahil nagseselos siya sa akin at hindi mo ako pinagpaliwanag! mahal ako ni Thauce at may relasyon kami! h-hindi ako nagsisinungaling! kaya parang awa mo na... p-pakawalan mo na ako... please..."

Tumawa siya ng malakas, sa tawa niya na 'yon ay mas nawawalan ako ng pag-asa na makakaalis sa sitwasyon na 'to. Lalo nang mas humigpit ang kapit ni Kit sa braso ko.

"I will let you go..." mahina niyang sabi, unti-unting bumaba ang mukha niya sa akin.

"Sige, pakakawalan kita pero sa isang kondisyon..."

Napalunok ako at tinapatan ang tingin niya. Sa nanginginig na mga labi ay sumagot ako.

"A-Ano?"

"Give me your body for tonight. Pakakawalan kita pagkatapos--" nanlaki ang mga mata ko, at umiling hindik o na rin siya pinatapos sa pagsasalita.

"Hindi ko 'yon magagawa!"

B-Bakit ba ako umasa? bakit ako umasa na mapapakiusapan ko siya gayong halata naman na nalason na ang isip niya? hindi ko na rinn siya makilala, iba na rin ang mga lumalabas na salita sa bibig niya.

"Okay, but you don't have any choice too... ibigay mo man o hindi, makukuha ko pa rin."

Hindi...

"K-Kit! ano b-ba! huwag!"

Nag pumiglas ako nang pwersahan niyang alisin ang pantalon ko. B-Bakit ba lagi akong napupunta sa ganitong sitwasyon? bakit palagi na lang ako nasasaktan? nahihirapan? ang gusto ko lang maging masaya kami ni Seya, k-kami ni Thauce...

"And when you tell them what I did? I will fckng tell them you seduce me... kahit sa harap ni Thauce o ni Errol, sa harapan ng lahat sasabihin ko na inakit mo ako."

Napailing ako... p-paniwalaan siya ang iba, mas maniniwala ang mga kaibigan niya sa kaniya kahit pa makuha ko ang simpatya ni Lianna at si T-Thauce... p-paano kung maniwala rin siya?

"Ang s-sama mo..." halos hindi ko na masabi ng may boses ang mga salita dahil sa pag-iyak, sobrang bigat ng dibdib ko, pagod na ang katawan ko lumaban sa kaniya.

"N-Napakasama mo..." nang tumungo ang mga labi ni Kit sa leeg ko at kagatin niya 'yon ay napahiyaw ako sa sakit.

Wala akong magawa... iyak ako ng iyak habang gumagapang ang mga kamay niya sa katawan ko. Nang humarap sa akin si Kit at hinawakan ang panga ko ay bigla niya akong hinalikan ng mariin.

"Hmm..."

"Fckng open your mouth!" sigaw niya at nang dumiin ang pagpisil niya sa panga ko ay napaawang ang bibig ko. Napailing ako at nagpumiglas nang halikan niya, nang pumasok ang dila niya sa bibig ko.

N-Napakatanga mo, Z-Zehra... masyado kang nagtiwala... napansin mo nang parang may mali pero t-tumuloy ka pa...

"Hmmm! t-tama na..."

Patuloy akong hinahalikan ni Kit, at nang maramdaman ko nna tuluyan na niyang natanggal ang butones ng pantalon ko at sumusubok pumaloob ang kamay niya ay namilog ang mga mata ko. Kaagad kong kinagat ng mariiin ang pang-ibabang labi niya na ikinahiyaw niya sa akin.

"Btch!"

Napalayo si Kit sa akin, pero sa ginawa ko ay nakatanggap akong muli ng sampal sa kaniya, nahilo ako sa lakas non pero hindi ako tumigil, k-kailangan kong lumaban... kailangan kong subukan...

Nang muli siyang kukubabaw sa 'kin ay sinipa ko ang pagkalalake niya.

"Putangina!"

Napatumba si Kit sa gilid, dali-dali akong tumayo, mahigpit kong hawak ang kwintas ko at takot na takot na tumakbo pero hindi pa man ako nakakalayo nang madapa ako dahil sa kamay ni Kit na pumigil sa paa ko.

"Fck you, btch. You can't runaway from me! akala mo hahayaan kita?!"

"T-Tama na, Kit! m-maawa ka! Aaah!" sigaw ko nang bigla niyang hilahin ang paa ko. Pero nahagip ng mga mata ko ang bato sa gilid, sa kagustuhan kong iligtas ang sarili ko ay wala nang ibang pumasok sa isip ko kung hindi ang makawala sa kaniya. Gamit ang isang kamay ay kinuha ko ang may kalakihan na bato.

"Inuubos mo ang pasensiya ko, Zehra!" nang muli niya akong makubabawan ay hind ako nag-aksaya ng oras, ang hawak kong bato ay ipinupok ko sa gilid ng ulo niya. Nanginginig ang buong katawan ko, a-ayokong gawin ito... pero kailangan...

"Ahhh!" sigaw ni Kit nang tumumba siya. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko, patuloy ako sa pag-iyak.

"Fck! Fck you, Zehra!" Nakita ko ang dugo na tumulo sa gilid ng ulo niya, pero ang nasa isip ko ay makatakas kaya muli akong tumayo at tumakbo. Hindi ako lumingon, iika-ika akong tumakbo palayo, kahit hinndi ko alam kung saan ako pupunta at sa dilim ng gubat.

"Zehra!!"

Umiiyak ako habang walang tigil sa pagtakbo.

Natatakot ako... t-takot na takot ako pero hindi ako maaaring huminto, h-hindi hangga't hindi ko siya nakikita.

Mahigpit kong hinawakan ang kwintas na bigay niya, k-kailangan kong makauwi, makabalik. D-Diyos ko po... h-hindi ko gustong saktan si Kit pero parang awa ninyo na po... iligtas ninyo ako sa kamay niya.

"Zehra!" at nang marinig ko na mas lumalapit ang sigaw ay tumindi muli ang takot ko. Natutop ko ang bibig ko habang mas binibilisan ang pagtakbo. Pagod na pagod na ako, nanghihina na ang katawan ko p-pero hindi ako maaaring huminto...

"Zehra Clarabelle..."

Napahikbi ako. Bakit kailangan pa itong mangyari? b-bakit ang hirap-hirap naman para sa akin maging masaya...

Wala akong tigil sa pagtakbo pero dahil sa dilim ng gubat at hindi ko na makita ng maayos ang lugar ay hindi ko namalayan ang pababang daanan papunta sa isang bangin. Nawalan rin ako ng balanse, nabitiwan ko ang kwintas na hawak ko nang sinubukan kong kumapit sa isang sanga ngunit hindi ako non kinaya.

"Aaahh!"

Sinubukan ko pa na may makapitan pero sumadsad ng tuluyan ang katawan ko pababa, naramdaman ko rin ang pagtama ng aking ulo sa isang bato at ang unti-unting panlalabo ng mga mata ko.

T-Thauce... 

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon