Chapter 59

7.9K 120 4
                                    


"Nagiging malapit sa iyo si Kit at hindi ko iyon nagugustuhan."

Magkasalikop ang mga kamay ko at isang dipa ang layo ko kay Thauce nang marinig ko ang mga sinabi niya. Narito kami ngayon sa may rooftop. Katulad ng dati, kung saan kami nagtatagpo kapag mahimbing na ang tulog ng lahat.

Halos gabi na rin nakauwi si Thauce, alas sais trenta y singko na. At nainis ako ng kaunti dahil ang huling mensahe niya sa akin ay iyong pagpapaalam niya na may kakausapin siya.

"Paano mo nalaman? wala ka naman dito sa buong maghapon," halos bulong iyon nang lumabas sa aking bibig. Nakita ko ang pagtagilid ng bahagya ng ulo niya, nasabayan iyon ng pagtatagis ng bagang.

Bigla akong napatikhim at napalunok nang mapagtanto ko na hindi pala tama ang aking sinabi.

"Not because I haven't been here all day doesn't mean I don't know what's going on, Zehra Clarabelle."

Nakagat ko ang loob ng aking pisngi at mahigpit ang naging pagkapit ng aking isang kamay sa dulo ng suot kong damit. Iba talaga kapag tinatawag niya ako sa aking buong pangalan. May bigat, may diin. May nagbabadyang panganib lalo pa at matalim ang tingin ng mga mata niya sa akin.

Matalim pero wala akong nararamdaman na takot, hindi katulad ng dati.

"Wala naman akong ginagawang masama, Thauce."

Seloso siya, mapag-angkin at pakiramdam ko anumang oras, kung lapitan man ako ulit ni Kit at Errol ay sasabog siya at sasabihin sa lahat ang relasyon namin na dalawa.

"I don't like them touching you, I don't like them doing things for you. Damn it. Why the fck almost all of my friends are into you? Why are they trying to get what is fckng mine?"

Hindi ako nakasagot agad pero tinawid niya ang distansya namin at kinuha ang kamay kong kanina pa mahigpit na nakakapit sa dulo ng aking tshirt. Nang gawin iyon ni Thauce ay napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"Ininom mo ba ang itinimplang tsokolate ni Kit para sa iyo?" seryosong-seryoso ang kaniyang mukha na tanong sa akin.

"H-Ha? anong tsokolate?"

"He went inside with a hot chocolate he made for you. Ininom mo ba iyon?"

Saan niya naman nalaman? sinabi kaya ni Lianna?!

Inilayo ko ang aking tingin pero hinuli lang niya ang aking baba at ipinaharap muli sa kaniya.

"E-Eh, oo. Pero hindi ko naman naubos, Thauce."

Kakaiba siya magselos, kahit ang hot choco ba naman...

"May natira naman... kalahati," dagdag ko pa pero mas nainis lang ata siya sa sagot ko. Kitang-kita iyon sa mukha niya. Salubong pa ang mga kilay at taas baba rin ang dibdib. Umatras siya sa akin at humalukipkip siya.

"I don't have time to boil water right now and I am very sure you will not go down with me in the kitchen so I could make a hot choco for you."

Naguluhan ako sa mga sinabi niya pero may hinugot siya sa kaniyang bulsa. Nakita ko na tsokolate iyon. kisses. Saan niya iyon nakuha? binili niya ba kanina? nang tanggalan ni Thauce ng balat ay nakuha kong ibibigay niya iyon sa akin.

"Parang hot choco lang, Thauce," natutuwa kong sabi pero sinagot lang niya ako ng masamang tingin at paghapit sa aking baywang. Nailapat ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib sa pagkakalapit ng aming mga katawan.

"Hot choco lang that another man made for you. Is it sweet? masarap ba, Zehra Clarabelle?" nagtatanong pa kasi eh, mas nadaragdagan lang iyong inis niya! Pasaway rin.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon