Sa mga sinabi ni Lianna sa akin ay wala na akong ibang maisip kung ano pa ang maaaring gawin ni Thauce na makakapagpahiwalay sa amin o makakasira ng tiwala ko. Nakita ko na nung una yung sama ng ugali niya, kinamuhian ko na siya at para sa akin noon siya na ang pinakamasamang tao na nakilala ko. At sa mga ipinapakita ni Thauce ngayon, sa pag-aalaga at halos ayaw na niyang malayo sa akin, panatag ako na kung magkaroon man kami ng hindi pagkakaintindihan ay hindi malaki na kaya naman namin mapag-usapan ng maayos.
Pero kahit hindi naman niya rin sa akin sabihin, hindi ko basta-basta iiwan si Thauce... katulad ng sinabi niya sa akin non, sa kaniya lang ako maniniwala. Higit sa lahat, siya lang ang paniniwalaan ko.
"Do you want to eat outside na lang, Zehra? I think mas maganda ata na kumain na lang tayo sa labas, doon sa may Pavilion na lang? para mahangin-hangin."
"Ikaw? okay lang ako kung saan mo gusto."
Pero hinawakan na niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng silid.
"Sa Pavilion na lang! let's go!"
Akala ko talaga sa reaksyon niya kanina ay magagalit siya o magtatampo, pero talagang mabait si Lianna. Malawak ang pang-unawa niya. Kaya kahit na matagal ay hindi rin agad si Thauce nakalimot sa pagmamahal sa kaniya.
Nang makarating kami sa Pavilion ay siyang pag-sunod na rin ng mga kasambahay na may dalang mga pagkain. At napakarami non para sa aming dalawa! Tama rin si Lianna na mahangin rito, malamig at nakakagaan sa pakiramdam rin ang mga halaman na nakapalibot sa amin.
"I prepared a lot of food, just tell me kung may gusto kang kainin, ha? we have a long week! napapaisip tuloy ako kung ano ang mga gagawin sa bawat araw. Syempre, hindi tayo mananatili dito sa bahay lang," sabi niya sa akin.
"May mga gusto ka bang puntahan?" tanong ko naman. Nagsimula na siyang magsalin ng pagkain sa pinggan ko, siya talaga ang gumawa non! hinayaan ko na lang dahil alam kong hindi rin siya magpapapigil.
"Kung ako lang ay marami talaga akong gustong puntahan na lugar, Zehra. But, after the vacation, nag-focus na rin ako sa kumpanya dahil sinasanay na rin ako ni Dad sa pag-ha-handle. Arzen is helping me, hindi niya ba nababanggit sa 'yo?"
"Ah, oo, nung nakaraan nasabi niya na kagagaling mo nga lang sa opisina niya," sagot ko naman. Ngumiti ako at nagpasalamat nang salinan niya rin ng juice ang baso ko.
Pero ang totoo, wala naman nabanggit si Thauce sa akin na tinutulungan niya si Lianna. Nabasa ko ang mga labi ko at sumubo ng pagkain. Nagsimula naman magkwento si Lianna ng tungkol sa kaniya, sa kanila nila Thauce at Errol. Kung paano sila nagkakilala ng mga ito at kung sino ang madalas nakakaintindi sa kaniya noon at dumamay.
"Errol is sweet when we were kids, he is a prince in my eyes. He was the one helping me with my homeworks. Talagang napakabait niya non, I don't know what happened to him. Kaya siguro nahirapan rin ako na kalimutan siya dahil umaasa ako na baka bumalik yung Errol na minahal ko."
"Eh, si Thauce?" tanong ko.
"Oh, kung ano siya dati ay ganoon pa rin siya ngayon!" natatawa niyang sagot.
"He cares for me, but in a different way. Hindi yung sweet tulad ni Errol. Arzen always scold me but that means he cares for me. May iba-iba naman tayong paraan ng pagpapakita na mahalaga sa atin ang mga taong malalapit sa atin, hindi ba?"
Childhood friends talaga sila. At noon pa man, nagpapakita na talaga ng malasakit si Thauce sa kaniya, kahit nang mag-high school at college sila ay magkasama pa rin sila. Napainom ako ng tubig habang nakikinig kay Lianna sa patuloy niyang pagkukwento. Ngumingiti ako pero ang totoo... nakakaramdam ako ng inggit.
Hindi ko gustong maramdaman ito. Ayoko... pero mukhang hindi talaga maiiwasan dahil hindi ko maiaalis na si Lianna pa rin ang dahilan kung ano ang mayroon kami ni Thauce ngayon. At maaaring dumating pa rin yung pagkakataon na maikukumpara ko ang sarili ko sa kaniya. Sa kung gaano katagal siyang minahal ni Thauce at ipinaglaban.
"Oh, nagiging madaldal ako. I am sorry, Zehra!"
Umiling ako. Wala naman masama, hindi naman puro si Thauce ang ikinukwento niya. Nang
"By the way, how is Seya? nasabi sa akin ni Arzen na bumalik na raw si Ariq ng Australia. Nagkaroon pa nga ata ng away sa pagitan nila ni Dr. Ravasco."
Nakuha naman ang atensyon ko ng sinabi niya.
"Ha? walang nabanggit sa akin si Thauce tungkol kay Doc Ariq at Doc Ravasco..."
"Oh, akala ko ay nakwento niya sa 'yo. He told me that there's a misunderstanding that happened. Sa case ni Seya, A few days ago, we talked about it when he visited me in my office."
Hindi ang tungkol kay Seya ang ikinaitigl ko. Kung hindi ang sinabi niya na pumunta si Thauce sa opisina niya. Walang sinasabi sa akin si Thauce at ang alam ko, itong nakalipas na mga araw ay abala siya sa trabaho niya... wala siyang nababanggit sa akin na nakakasama niya mismo si Lianna.
Napainom akong bigla ng tubig, hindi ko gusto ang umaahon na matinding selos sa akin. Panatag ako dahil alam ko na lagi nagsasabi sa akin si Thauce ng mga pinupuntahan niya, pero bakit hindi niya sinabi sa akin na pupumunta siya mismo kay Lianna?
"Tinutulungan ka ni Thauce sa kumpanya ng papa mo, 'di ba, Lianna?" tanong ko. Hindi ko alam at wala akong dapat ikakaba pero ang bilis na ngayon ng pagtibok ng puso ko. Nanlalamig rin ang mga kamay ko.
"Yes. He is teaching me. Ang gusto ng Dad ay siya ang magturo sa akin dahil may tiwala sa kaniya ang ama ko. He sees Arzen as his own son because our dads were best friends. Arzen also respects him."
At nang marinig ko 'yon ay hindi na ako nagsalita pa. Tipid akong ngumiti. Si Lianna ay nagpatuloy sa pagkain at pagkukwento kung ano ang mga itinuturo sa kaniya ni Thauce.
"Masasabi ko talaga na si Arzen ganoon pa rin at walang pinagbago. He is arrogant, masungit but I know he cares. Ang haba pa rin nga ng pasensiya niya sa akin!"
Alam kong walang ibang intensyon si Lianna kung hindi ang magkwento, pero nakakaramdam na ako ng selos. Ang mga bagay na sinabi niya sa akin ay hindi nabanggit ni Thauce. Naappreciate ko ng sobra yung pag-uwi niya ng maaga, ang pagsasabi niya ng ginagawa niya, p-pero... para sa akin mas mahalaga pa rin ito l-lalo at alam niyang maaari kong pagselosan si Lianna.
Kasi sino ba ito?
"Zehra, are you okay? ayaw mo na ba? kaunti pa lang ang nakain mo," tanong niya sa akin.
"Oo, okay lang ako, Lianna," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay tipid ako ulit na ngumiti. Binasa ko rin ang mga labi ko at sumubo ako ng cake pero halos hindi ko maramdaman ang tamis non.
Nang may dumating na maid ay diretso na lumapit 'yon kay Lianna. Napansin ko na problemado ang mukha.
"Ma'am, narito po si Mr. Cervelli. Nasa living room po at hinahanap po si ahh..." tumingin ito sa akin. "Si Ma'am Zehra."
At pagkarinig ko non ay ang bilis ng pagtingin ko sa paligid habang si Lianna ay napataas ang boses.
"W-What?! he is really unbelievable! mukhang hindi nga papayag si Arzen na dumito ka ng isang linggo dahil ito at sinusundo ka na niya ngayon!" tumayo siya at ganoon rin ako pero bago pa man kami makaalis sa Pavilion ay natanaw ko na si Thauce na naglalakad papunta rito.
Hindi maipinta ang mukha.
"Nakakainis naman!" bulalas ni Lianna pero ako ay hindi inaalis ang tingin kay Thauce at ganoon rin siya sa akin. Napalunok ako, may kirot pa rin sa dibdib ko.
Masyado lang ba akong nag-iisip? nadadala lang ba ako ng inggit at selos ko? pwede ko naman kausapin si Thauce tungkol sa kanila ni Lianna, sinabi ko na magiging tapat ako sa mga nararamdaman ko sa kaniya. Pero namuo na agad ang takot sa akin dahil sa hindi niya pagsabi na nagkikita pala sila. Nasaktan na ako agad.
At kahit pa tungkol 'yon sa trabaho... hindi ba at dapat pa rin na malaman ko?
"Arzen--"
"Where is your phone?" hanggang makalapit ay hindi niya ako inalisan ng tingin. Hindi naman ako sumagot at bumaling lang ako kay Lianna pero ramdam ko ang malalim na mga mata ni Thauce na nakatuon sa akin.
"Pasensiya ka na, Lianna. Uuwi na muna ako ngayon dahil sumama kasi ang pakiramdam ko. Pero, babawi na lang ako sa mga susunod na araw. Maglibot tayo sa mga lugar na gusto mo."
"Ohh, that's why nagbago yung mood mo. I see. Tawagan mo lang ako, ha? I am always free."
"Maraming salamat, at thank you sa mga pagkain. Mag-memensahe na lang ako ulit sa 'yo," sabi ko. Hindi ko pa rin pinapansin si Thauce at alam kong ramdam na niya agad na may problema. Lalo nang hawakan niya ang kamay ko para mas kuhanin ang atensyon ko pero nanatili akong nakatingin kay Lianna.
"Uhh, okay. So, ihatid ko na kayo sa labas?"
"Ay, Ma'am, may bisita rin po kayo na dumating. Nasa may study room po ng Daddy ninyo at naghihintay," sabi ulit ng maid. Pagkarinig ko naman non ay umiling ako at lumapit kay Lianna. Pwersahan ko naman na kinuha ang kamay ko kay Thauce kaya nabitiwan nito.
"Puntahan mo na, baka mahalaga. Bawi na lang talaga ako sa susunod," pag-uulit ko. Ako na rin ang yumakap kay Lianna. Nang humiwalay ako ay tumungo pa ang mga mata niya kay Thauce.
"Sige, Lianna, maraming salamat ulit."
Nang makapagpaalam na ako at nakuha ko ang pagngiti niya ay nauna na akong naglakad palabas. Hindi ko pa rin pinapansin si Thauce pero nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makalabas kami, pero nang nasa tapat na ako ng sasakyan niya ay narinig ko ang boses niya.
"Zehra Clarabelle."
Naiinis talaga ako.
Nagseselos ako.
"Baby, what's wrong?"
Pakiramdam ko ang babaw ko o masyado lang akong umasa na lahat malalaman ko? dahil talagang ang mga ginagawa niya, ang mga pinupuntahan o kung sino ang mga kasama niya ay sinasabi naman niya sa akin.
Pero bakit pagdating kay Lianna... ay hindi?
"Umuwi na tayo," pagkasabi ko non ay sumakay na ako sa sasakyan niya--hindi sa harap sa kaniyang tabi. Kung hindi sa likod at kahit pa narinig ko ulit ang pagtawag niya ay hindi ko pa rin siya pinansin.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...