Chapter 64

6.7K 114 28
                                    


"Hmm, not a lot knows about this but, higit sa lahat ng narito ay ikaw ang mas nakakaalam ng totoo. Hindi ba, Lianna?"

Biglang nagkaroon ng tensyon sa kusina. Naramdaman ko ang pagdiin ng kapit ng mga kamay ni Lianna sa akin. Nang bumaba ang tingin ko sa kamay niya na hawak ako at dahan-dahan na tumingin sa kaniya ay nakita kong naging seryoso ang reaksyon sa mukha niya.

"Kit," may pagbabanta sa boses nang sumagot siya.

"Why? hindi pa ba alam ni Zehra ang totoo? ang dahilan ng paghihiwalayan ninyo ni Errol? I thought you two are close, Lianna. Nakakapagtaka nga, akala ko ay masama ang motibo mo sa paglapit kay Zehra pero totoo pala ang malasakit mo sa kaniya."

Ano ba ang... mga sinasabi niya? magkaibigan sila, hindi siya dapat ganito.

"Kit, are you drunk?" nang hinawakan ni Wayne ito sa braso ay pinalis lang 'yon ni Kit na diretso ang tingin kay Lianna na nasa tabi ko.

"Come on, save the woman. Why don't you tell her that Errol and you broke up because he cheated? that you saw him fckng a woman, at hindi lang isang beses, na dahil sa sinasabi mong pagmamahal mo, hinayaan mo lang siya, 'di ba? and you caught him multiple times. Iba-ibang babae ang ikinakama, kung sino-sino..."

S-Si Errol?

Napaawang ang mga labi ko sa gulat. Tumaas ang dibdib ko at nahigit ko ang aking hininga. A-Anong... niloko ni Errol si Lianna? n-nagawa niya iyon sa kabila ng pagmamahal nito ng sobra?

Parang hindi ko kayang maniwala. Si Errol... Diyos ko, kaya ba ganito nasasaktan si Lianna? pati ang mga salita niya kanina.

"B-But, do you know what's the hardest part of loving someone, Zehra? that's when you see the worst and you felt the endless pain because of him but you still wanted to s-stay..."

Sandali...

"Hey, Kit. Stop. Lasing ka na, eh. Hindi mo dapat sinasabi iyan. Let Lianna handle this," pati si Wayne ay nawala na ang ngiti at naging seryoso na. Hinila niya sa braso si Kit pero ang huli ay desidido na manatili. Nakatingin pa rin kay Lianna na dumulas na ang mga kamay sa hawak sa akin.

"Zehra will be just one of Errol's toys. The fck we all know his craziness about fckng women. His desire of fckng virgins. We all knew that, come on, Lianna? kaya nga hindi ka bothered ng masyado kay Zehra, 'di ba? oo nakakaramdam ka ng selos pero hindi ka sumusuko kay Errol dahil alam mo na kung makuha man nito si Zehra ay itatapon lang rin tulad ng mga naunang mga babae na nakita mo. At ikaw? kagaya ng dati ay maghihintay pa rin, maghihintay na balikan," umiling si Kit at tumawa.

Hindi ko mapaniwalaan lahat ng naririnig ko. Parang... p-parang imposible naman. Pero sa kabila ng gulat ng mga nalaman ko ay hindi ako sa aking sarili mas nag-aalala kung hindi kay Lianna.

"Ikaw ang mas nakakaalam, Lianna. Errol likes to collect women and fck them and you--"

Pero nang lalapit na ako upang kausapin siya ay ganoon na lang ang pagsinghap ko nang biglang kuhanin ni Lianna ang hawak ni Wayne na isang baso ng tubig at isaboy iyon sa mukha ni Kit.

"L-Lianna..." mahina kong tawag sa kaniya. Galit na galit ang mga mata niya na nakatingin kay Kit, galit at puno ng mga luha.

Nakita ko na napailing si Kit at napaismid. Humawak naman si Wayne sa braso nito at kaagad na pumaigitna habang ako ay tumalima rin at inilagay ko sa aking likod si Lianna habang hawak siya at hindi binibitiwan. Ang sama pa rin ng tingin niya sa kaibigan niya.

"Masakit ba ulit marinig ang totoo? you will never erase what happened in the past, you will never make us forget. And don't ever make me look like a liar in front of Zehra about who Errol is. Dahil tatlo tayo dito na alam ang totoo," tumingin siya sa akin. Nagtatagis ang bagang, at nang marinig ko ang mga sumunod niyang sinabi ay napalunok ako at napaatras.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon