Thauce Arzen Alessandro Cervelli"Are you insane?!"
Diana--my step mother gave me a hard slap. Galit na galit ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin pero wala akong pakialam.
"Ipinapahamak mo ba ang sarili mo?! why didn't you let the other doctors do their work, ha?! at bakit ikaw ang nag-opera sa bata na 'yon? what if you failed?! you are not a doctor anymore, Thauce! malalagay sa alanganin ang kumpanya dahil sa ginawa mo!"
I was looking at her blankly. My step mother really loves money. Hindi siya sa akin may malasakit kung hindi sa kumpanya ng aking ama na hanggang ngayon ay pinapakinabangan niya.
"You are so stubborn! kahit kailan! manang-mana ka sa nanay mo na padalos-dalos magdesisyon! Wala kang pinagkaiba kay Alessandra!"
Nang marinig ko ang sinabi niya ay napahakbang ako. Nagtatagis ang aking bagang nang banggitin niya ang aking yumaong ina. She has no right to talk about my mother like that.
"Leave my house, Diana."
"Leave or the guards will drag you out."
She looked at me sharply. Nanlilisik ang mga mata pero wala akong pakialam. Nang tumalikod siya at lisanin ang aking bahay ay nahilot ko ang aking sintido. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ko na may mga mensahe si Ariq.
"Ikaw ang nag-opera? Dr. Alvaro told me. Arzen, dapat sinabi mo ang balak mo."
"Mother was so mad. She would go there, lock all your doors, Arzen. The witch will arrive in a few minutes."
Napailing ako. It's too late. His evil mother already left my place after pissing me off. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon na nakuha na nga ni Diana ang pwesto na nais niya sa kumpanya ko at nakay Ariq na ang ospital ay ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin.
"Nandiyan na ba? Naku, Arzen, palabasin mo na lang sa kabilang tainga ang mga maririnig mo."
He knew his mother would come to me. Mabilis lang na kakalat ang balita lalo pa at ang ospital ay monitor ni Diana. May mga mata siya doon.
The Martini's Hospital was actually Ariq's inheritance from our father. Ang sa akin ay ang kumpanya.
Ang nais kong pamahalaan ay ang ospital but because Papa wanted me to take over the company ay wala akong nagawa. It was his dying wish. Handa na ako noon, alam na alam ng Papa ang nais ko but everything fell when the attorney said that the company will be transferred in my name.
Galit si Diana, dahil ang nais niyang mapunta kay Ariq ay ang kumpanya. Pero ang kapatid kong iyon ay walang pakialam sa kahit anong mana galing kay Papa.
Si Alec naman na kapatid niya ay walang interes sa kahit ano.
"You can still be a doctor, Arzen. Maaari naman na iba ang mamahala sa kumpanya ni Papa. Wala na siya, maaari mo nang gawin ang mga gusto mo. Bumalik ka sa ospital, magligtas ka ng mga buhay, iyon ang gusto mo, hindi ba?"
If only I could. Pero wala na akong magagawa pa. I would protect his first company that brought him all of this wealth.
Tinungo ko ang cellar at naghanap ng alak na maiinom. I was so damn tired. Pakiramdam ko ay babagsak ang katawan ko sa pagod.
Too much stress from the company.
Nalaman ko na malaking halaga ang nawawala sa kumpanya and I don't fckng know who's stealing it. Kung hindi ko pa tiningnan ang mga finances sa mga nakaraang buwan ay hindi ko pa malalaman. Someone was stabbing me on my back. Masyado akong nagpabaya at nagtiwala sa mga tao sa kumpanya.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...