Chapter 120

5.1K 83 0
                                    


"I am so excited! ngayon lang ako ulit nakalabas after that two hell week!"

Kasama ko ngayon si Lianna. Nakakapit ang kamay niya sa akin habang naglalakad kaming dalawa sa Mall na pagmamay-ari ni Thauce. Nagmensahe kasi siya kanina na magpapasama siya mamili ng mga damit dahil nga sa tiyan niya na lumalaki na.

"So, how's married life?" baling niya sa akin, nakahilig ang ulo niya sa braso ko. Ang lambing pa rin niya sa akin.

Alam na pala niya na kasal kami ni Thauce, nun pa lang mismong linggo na 'yon ay sinabi na rin nito sa kaniya ang totoo. At ang tungkol kay Ma'am Diana, sinabi sa akin ni Lianna na hindi siya makapaniwala na magagawa ng stepmother ni Thauce 'yon sa akin. Galit rin siya, lalo na kay Rita nang makialam pa ito at hindi pa rin ito tumigil pagkatapos ng mga nangyari sa isla.

"Hmm... parang wala naman pinagbago, Lianna. Ganoon pa rin dahil nasa bahay lang ako, ayaw kasi akong payagan ni Thauce na magtrabaho. Ang gusto niya ay iyong inaasikaso ko lang siya, pero minsan naiinip rin ako dahil wala akong ginagawa."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Tinapik rin niya ng mahina ang aking braso nang lumiko kami sa isang kilalang brand ng mga damit.

"That's so him, Zehra. You cannot expect Arzen to let you work. I mean, hello? he's a wealthy man and I saw how possessive he is when it comes to you. Kung payagan ka man nun magtrabaho ay baka sa kumpanya lang rin niya para mabantayan ka."

Napanguso naman ako. Naalala kong bigla ang 'trabaho' na nais ni Thauce para sa akin. At sa opisina nga nagsimula ang 'first day' ko daw. Ewan ko kay Thauce, napakaraming nalalaman. Pero grabe, dalawang araw pa lang ang nakalipas pero kaninang umaga ay humihirit na naman siya. Masyado nga ang pagod ang inabot ko non at gabi na nang magising ako sa opisina niya. Nakakahiya, pakiramdam ko non ay alam ni Shirley ang nangyari dahil kumindat pa siya sa akin pagkapaalam namin na uuwi na. Paano ay naroon pa pala siya at nagtatrabaho.

"Kung magkakaroon ako ng sariling pera yun naman ang mahalaga... at kahit siguro sa kumpanya. Kaso, Lianna, ang gusto ko talaga ngayon ay mag-aral. Pumayag naman si Thauce, pero nahihiya na kasi ako na sa kaniya pa rin aasa..."

Nakasunod lang ako sa kaniya, tumitingin na siya ng mga maternity dress. Nang lingunin ako ni Lianna ay ngumiti siya sa akin, may kinuha siyang isang nakahanger na baby pink at mahaba ang dress na 'yon.

"I uderstand you in that matter, Zehra. Pero asawa mo na kasi si Arzen, it's normal that he would help you. Pero totoo rin naman mas maganda pa rin yung may sarili kang pera, pero you can do that and start working after you finish your studies."

Tumango ako sa kaniya. Nang muling tumalikod si Lianna ay nagtingin-tingin rin ako ng mga damit pero iniisip ko pa rin ang mga sinabi niya. Ganoon rin naman ang nakuha ko kay Thauce. Na hindi rin daw biro ang mga ginagawa ko. Siguro nga sa ngayon ay mas pag-iigihan ko na lang ang pagiging may bahay muna at saka ko na iisipin ang pagtatrabaho.

Ayoko rin kasi na napagtatalunan namin ito ni Thauce, nang maungkat ko kasi ito kahapon ay nagsalubong agad ang mga kilay niya. Ayaw niya talaga sa ideya na mgtrabaho ako. Paulit-ulit niya lang sa akin sinasabi na maayos naman ang ginagawa ko bilang asawa niya at 'yon lang sapat na.

"I want this also... nahihirapan akong mamili. What do you think suits me better, Zehra?" humarap sa akin si Lianna. Hawak ang dalawang dress. Kulay Emerald at magenta. Itinuro ko naman ang unang kulay.

Malawak siyang ngumiti at nang ibalik sa pagkakahanger ang isang kulay ay humimas pa siya sa kaniyang tiyan. Biglang laki rin ng tiyan niya, parang dalawang linggo pa lang ang nakalipas ay hindi pa halata ang umbok don pero ngayon ay ito at kahit maluwag ang suot niya ay mapapansin na.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon