Nakatingin ako ngayon sa mataas na gusali ng kumpanya ni Thauce. Napirmahan ko na ang kontrata. Tinignan ko ang envelope na hawak ko. Binigyan niya ako ng kopya. Sinabi niya sa akin na sa isang araw ililipat ng private hospital si Seya, lahat ng gastos ay siya ang magbabayad.
Sinabi ko na ang mahalaga lang sa akin ay ang kaligtasan ng kapatid ko. Hindi na niya ako kailangan bayaran kung siya naman ang sasagot ng lahat ng gastusin ni Seya sa ospital.
"I don't like you questioning my decisions, Zehra Clarabelle. Kung ano ang sinabi ko ay iyon ang susundin mo."
"I will prepare what your sister need. Kilala ko rin ang doktor na titingin sa kaniya. Sa ospital ng kapatid ko ia-admit si Seya. Wala kang dapat na intindihin na iba maliban sa iniuutos ko sa 'yo."
"Make Errol fall for you hard. Siguraduhin mo na mababaliw siya sa 'yo at hindi ka niya kayang iwan."
Napabuntong hininga na lamang ako. Naglakad ako at pumara ng taxi. Balak kong umuwi muna sa bahay at magpalit ng damit bago muling pumunta sa ospital.
"Manong sa Dapdap West," sabi ko.
Habang nasa daan ay nagmensahe ako kay Lea. Kinamusta ko si Seya sa kaniya. Napakalaki na ng utang na loob naming magkapatid sa pamilya ni Lea. Palagi silang nariyan para sa amin, hindi nila kami iniwan. Kahit na may trabaho online si Lea ay nagpiprisinta pa siyang magbantay kay Seya.
Ibinalik ko ang aking cellphone sa loob ng bag nang makapagmensahe. Napipikit ako sa antok ngunit nilalabanan ko. Wala pa akong maayos na tulog dahil sa pagbabantay kay Seya. Napapagod na ang katawan ko, pero kailangan kong tiisin.
Para sa kapatid ko kailangan kong magsikap, kailangan kong tiisin lahat ng hirap.
"Sana naman wala nang sumunod na problema, baka hindi ko na kayanin pa," bulong ko.
Nang makauwi ako sa bahay ay itinago ko ang kontrata sa loob ng aking drawer. Kaagad akong nagpalit ng damit at sandali lang ang inilagi sa bahay umalis na rin ako upang pumunta sa ospital.
Naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Thauce kanina, ang sinabi niya na gagawin niya ang lahat para makuha ang atensyon ni Lianna. Mahal na mahal niya ito, handa siyang gawin ang lahat para kay Lianna.
Kaya niyang magpakawala ng lima hanggang sampung milyon para lamang sa atensyon ng babaeng minamahal niya. Habang sa loob ng sampung taon na pagmamahal ni Lianna kay Errol ay hindi pa rin ito napapansin ng huli.
Naisip ko, gaano katagal na bang mahal ni Thauce si Lianna para umabot siya sa puntong ito?
Pero nakakatakot ang ganoong pag-ibig.
"At ako ang bagay na gagamitin niya."
Bagay... wala naman akong magagawa, nangangailangan ako, para ito sa kaligtasan ng kapatid ko.
Nang huminto ang sinasakyan ko sa ospital ay napatingin ako sa pulang kotse na nasa parking lot. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang sasakyan ni Errol.
"Manong, bayad ho," sabi ko at iniabot ang bente pesos sa tricycle driver.
Baka nagkamali lang ako. Hindi ko rin naman tanda kung ano ang numero ng sasakyan ni Errol. Nang gabi na tinungo namin ang ospital ay hindi ko nakita ang numero ng kaniyang sasakyan.
Naglakad na ako papasok ng ospital, tinungo ko ang silid ni Seya. Nang binuksan ko ang pinto ay napahinto ako sandali nang makita si Errol. Wala si Lea. Si Errol ang nagbabantay kay Seya ngayon.
Kung ganoon sasakyan nga niya iyong nasa labas. Narito siyang muli. Nagdikit ang mga labi ko ng mariin at isinara ang pinto.
Lumapit ako sa kanila. Tumingin sa akin si Errol at tumayo ito.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...