Araw na ng pag-alis ni Seya. Pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina ni Thauce ay ipinangako ko sa sarili ko na kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya ay kalilimutan ko na. Mas pinaintindi ng halik na aking nakita kung ano ang papel ko sa buhay niya... sa buhay nila."Ate..."
Hinimas ko ang pisngi ni Seya. Nakahanda na ang lahat, kumpleto na ang mga gamit niya at narito na rin kami sa airport. Kasama ko si Errol at si... Lianna. Napatingin ako sa kaniya. Napakaganda niya sa suot na white dress. Bigla ay natingnan ko ang aking sarili. Nakapulang blouse at pantalon. Ibang-iba talaga kami. Magkalayong-magkalayo.
"Siguradong magaling na magaling ka na pag bumalik ka dito sa Pilipinas, Seya," sabi ni Lianna sa kapatid ko.
"Mabilis lang ang dalawang taon, Seya, huwag ka rin mag-alala dahil hindi namin pababayaan ang ate mo, ha?" si Errol na lumapit sa amin at hinawakan ako sa aking balikat. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid.
Nang dumating si Thauce at magkatinginan kami ay inilipat ko ang aking tingin kay Seya.
"Hindi ko pababayaan ang ate mo," dagdag pa ni Errol at mas inilapit niya pa ako sa kaniya.
"Thank you, Kuya Errol! sana rin ay sagutin ka na ni ate!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Seya.
"Seya!"
"Naku, si Ate namumula! sigurado pagbalik ko ay kayo na ni Kuya Errol!"
Napatawa naman si Errol sa sinabi ng kapatid ko at dumukwang ito upang magpantay ang mukha nila.
"Sana nga, Seya, sana nga."
Nang makaramdam ako ng titig sa akin ay naptingin ako sa aming mga kasama at nakita ko si Thauce na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. Umiwas kaagad ako at lumayo kay Errol. Naramdaman naman niya iyon kaya napatingin siya sa akin.
"We will go now," sabi ni Dr. Ariq. Lumapit siya kay Seya at pumwesto sa likod ng kapatid ko. Siya ang humawak sa wheelchair nito. Tumingin ako ako kay Hermi, niyakap ko siya at hinagod ang likod.
"Ikaw na ang bahala sa kapatid ko, ha? sa iyo ko na siya ipagkakatiwala."
"Hindi ko pababayaan doon si Seya, palagi kaming tatawag rin sa iyo. Mag-iingat ka dito, Zehra."
Namuo ang luha sa aking mga mata nang humiwalay kay Hermi at hinarap ko si Seya. Umiiyak siya. Itinaas niya ang mga kamay sa akin para sa isang yakap.
"Babalik ako ate... mabilis lang... mahal na mahal kita, ate ko."
Tumango ako ng sunod-sunod habang ang mga luha ay patuloy sa pagdaloy. Ang paghihiwalay namin na ito ni Seya ay para sa kaniyang kaligtasan. Para sa tuluyang paggaling.
"Mahal na mahal na mahal kita, Seya, mag-iingat ka doon, palagi akong tatawag sa iyo, ha? palagi akong magcha-chat, m-mamimiss kita ng sobra."
Hindi pa man tuluyan na nakakaalis ang kapatid ko ay nakakaramdam na kaagad ako ng pagkamiss sa kaniya.
"We will take care of her, Zehra," sabi sa akin ni Dr. Ariq.
"Salamat... s-salamat ng marami, Dok."
Ngumiti ako sa kaniya at nang ibalik ko ang aking mga tingin kay Seya ay pinalis ko ang mga luha niya. Hinalikan ko siya ng mariin sa kaniyang noo.
"Mag-iingat ka doon..."
"We need to go now," sabi ni Dr. Ariq. Tumango ako at binigyan sila ng daan. Nang maglakad na sila ay nilingon ako ni Seya.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
Roman d'amourDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...