Chapter 121

4.3K 77 1
                                    


Nang magbabayad na kaming dalawa ay hindi talaga siya pumayag na hindi siya ang sasagot ng dalawang damit. Mayroon naman akong dalang card--personal card ko na ito na bigay ni Thauce, pero kasi dahil mahal nga ay wala na sana akong balak. Ayoko rin naman na basta-basta gumastos lalo kung hindi kailangan.

"Thank you, Lianna," pagkakuha ko ng paperbag ay nagpasalamat ako agad sa kaniya. Ako na rin ang nagprisinta na magdala ng mga paperbaga na hawak niya.

"No worries! I am happy to buy things for you and Seya. Sana nga kasama na natin ang kapatid mo. Nakaka-miss ang kakulitan niya," sagot naman niya.

Nami-miss ko na nga rin si Seya. At ilang linggo na lang ay birthday na niya. Nag-iisip pa ako ng surpresa na maaari kong ipakisuyo kay Doc. Ariq.

"Look at those bodyguards, Zehra. Nakakainis. Ito rin talaga ang ayoko kay Eleaz. Yung parang tatakasan ko siya kaya kailangan niya pa akong pabantayan."

Humigpit ang hawak niya sa aking braso.

"Hindi ba at magkasama na kayo sa bahay?"

Tumango naman siya. "But still, I think he don't trust my words."

Pagkarinig ko non ay nahimigan ko ang lungkot kay Lianna. Agad kong iniba ang usapan namin. Alam kong hindi makabubuti sa kaniya kung masstress siya.

"A-Ahm, mag-lunch na muna tayo? tapos saka na tayo ulit mag-ikot-ikot pag tapos?" aya ko. Nagliwanag naman bigla ang mukha niya at tumango.

"Oh gosh! ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Uhh, my baby," hinimas niya naman ang tiyan.

"I am sorry, nalibang ang mommy sa pagtingin ng mga clothes, ha?"

"Sa susunod mga baby clothes naman ang bibilhin natin," sabi ko habang naglalakad kami. Napatango naman si Lianna at humilig sa balikat ko.

"Thank you, Zehra! I am so happy!"

At habang naglalakad nga kami, naalala ko ang pagiging sweet at malambing sa akin ni Lianna. Napangiti ako, mukhang pinaglilihian niya ata ako non, lalo nang nasa isla kami.

Nang makarating na kami sa restaurant ay nagpaalam na muna ako kay Lianna na sandali lang na magpupunta sa comfort room. May nadaanan naman kami na malapit. Sabi niya ay sasamahan daw niya ako pero minabuti ko na ako na lang lalo at kanina pa rin kami nakatayo at naglalakad. Baka mapasama pa 'yon sa kaniya.

Binilisan ko na lang dahil walang kasama si Lianna. Wala naman rin gaanong tao sa loob, pumasok na ako sa isang cubicle at umihi. Pero hindi pa man ako nakakatapos nang makarinig ng pamilyar na boses.

"Yeah. I don't want to sell some of my bags talaga but I need to. Ido-donate ko rin kasi ang mapagbibilhan. The bags are very important to me kaya sana ay maingatan ninyo, ha?"

Rita?

"Oh sure, Rita. Magaganda pa at mga bago ang mga bag mo at parang kabibili nga lang."

"Ganoon talaga ako kaingat sa mga gamit ko. But, anyway, may mga ibebenta pa ako next week. Mga heels and jewelries naman."

"At idodonate mo rin ba ang mapagbebentahan? that's so kind of you, Rita!"

Napailing ako at napangisi. Umahon ang inis sa akin. Akalain mo na dito pa mismo sa cr ng isang mall ko siya ulit makikita?

"O-Oh, yes. Of course! They will all proceed to my chosen charity!"

"Ohh nice. May gusto lang akong iconfirm, Rita. Thauce is now married, and ang sabi sakin ng husband ko, kilala mo raw ang napangasawa. Do you think we can meet her? You know! Our husbands were business partners!"

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon