Mabuti na lang at tinotoo naman ni Thauce yung sinabi niya na 'mabilis' lang. Akala ko pa nga ay balak pa niya na ituloy pagkalabas namin sa bathroom pero hindi naman pala. Naku, talagang kailangan kong masindak minsan itong si Thauce. Pansin ko na ilang beses na rin siyang tanghali na pumapasok at maaga naman kung umuwi.
Kahit na siya ang CEO o may pinakamalaking share sa kumpanya ay dapat na maging maayos pa rin siya sa trabaho dahil siya ang tinitingnan ng mga empleyado niya.
"Are you nervous?" tumabi si Thauce sa akin sa sofa, nasa harap na namin ang laptop niya at iyon ang gagamitin namin upang makausap si Seya, kay Doc Ariq na rin siya tatawag dahil 'yon ang gusto ng kapatid niya.
Baka tulungan rin kami magpaliwanag? Kasi may alam rin si Doc. Ariq sa mga nangyari.
At ngayon nga ay hinihintay na lang namin na maging available si Seya. Nasabihan ko na ang kapatid ko na mag-uusap kami ngayon, pero iyong normal na kamustahan lang. Hindi ko ipinahalata ang nais kong pag-usapan, wala ring bigat ang mensahe ko na parang mayroon akong ipagtatapag sa kaniya.
Pero matalino si Seya, sigurado akong nakakutob na 'yon.
"Medyo lang. Nakausap mo na ba ulit si Doc. Ariq? Naroon na kaya siya sa bahay?"
Ito rin ay biglaan nang malaman namin ni Thauce, hindi rin kasi sa kaniya sinabi ng kapatid niya na bumalik na pala ito sa Australia. Inis na inis nga itong isa kanina, hindi ko alam kung ano ang pinanghuhugutan niya, siguro naman ay hindi lahat ng kilos ni Doc Ariq ay dapat sabihin sa kaniya? Iyon kasi ang dating ng mga salita ni Thauce kanina sa telepono nang kadaratiing ni Doc. Ariq sa Australia.
"That ass is already there. Hindi rin naman pala makakatiis. But I think he flew that fast because of Seya's new doctor," sagot niya.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Ano naman ang kinalaman ni Doctor Ravasco? Nagkaroon ng maikling kwento si Seya doon sa bago niyang doctor, bata pa rin at mabait naman daw, maalaga, nakakatuwa at palagi daw nagbibiro sa kaniya.
Ang sagot ko pa ay hindi na ba kako si Doc. Ariq ang crush niya, at umikot lang ang mga mata niya sabay sabi na hindi na daw.
Pero biro ko lang naman 'yon, alam ko naman na yung crush crush na ganon ni Seya ay hindi pang seryosohan na gusto niyang makatuluyan si Doc. Ariq.
Isa pa, ang layo ng agwat ng edad nila. Kung magkagusto talaga ang kapatid ko ay masasaktan lang siya dahil tiyak nakababatang kapatid lang rin ang turing ni Doc sa kaniya. O maaaring hanggang pasyente at doctor nga lang na relasyon.
Ayokong umasa si Seya at para sa akin, napakabata pa niya. May plano pa kami na magtapos siya ng pag-aaral.
"Kung tungkol sa bagong doctor ay tingin ko wala naman problema, Thauce," sagot ko.
"Ang kwento sa akin ni Seya napakabuti daw non ay para rin niyang kaibigan, close na nga daw sila," dagdag ko pa.
Napansin ko naman na tumaas ang sulok ng mga labi ni Thauce.
"That's my brother's problem," mahinang sabi niya.
"Ha? Bakit naman magiging problema 'yon ni Doc. Ariq?"
Hindi na nasagot ni Thauce ang tanong ko dahil tumunog na ang laptop niya. Ang bilis ng pagharap ko doon. At nang dumukwang si Thauce para i-accept ang call ni Doc. Ariq ay bumungad sa akin kaagad ang mukha ng kapatid ko.
Nakasimangot!
"Seya," tawag ko sa kaniya.
Hala, hindi kaya alam na niya? Sinabi ni Doc? Pero sigurado naman na hindi niya kami uunahan. Ngumiti ng tipid sa akin ang kapatid ko, maayos naman ang itsura niya ngayon. Nakasuot ri siya ng kulay itim na oversized shiirt, ang buhok ay maayos rin at parang bagong suklay, hindi naman siya maputla at parang may lipgloss pa nga ang mga labi niya.
"Ate," tawag niya sa akin. Napalunok ako nang tumingin siya sa katabi ko–kay Thauce. Ang huli naman ay hindi nagsalita pero mas lumapit lang sa akin.
"Ano, uhm, naalala mo ba yung usapan natin nung nakaraan? Ang tungkol sa kung may boyfriend ba ako?"
Mas nadaragdagan ang kaba sa akin dahil hindi okay sa akin ang ekspresyon sa mukha ng kapatid ko. Kilala ko siya kapag okay siya at hindi okay.
"Ate, nahihirapan ka ba sa akin na aminin na kayo na ni Kuya Thauce?"
Napatanga ako na imbis oo ang isagot niya ay 'yon ang narinig ko.
"S-Seya... alam mo na?"
"Nito lang, ate. Napansin ko na rin na may kakaiba simula nang nasa isla ka, lalo nang makauwi dahil sa tuwing tatawag ako at video call ay sa same lang ang lugar na nakikita ko–iyon pala ay sa bahay ka na ni Kuya Thauce nakatira."
Napapikit ako ng mariin. Pero normal naman ang mga reply niya kanina, ibig sabihin ay hindi siya galit? Pero paano niya nalaman?
"Ibig sabihin pala ay kayo na talaga ng ate ko," sabi pa ni Seya at tumigin kay Thauce. At si Thauce naman na nasa tabi ko ay ngumiti, kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. At saharapan mismo ng kapatid ko ay ipinakita niya 'yon.
"Yes. Your ate is my woman now, Seya."
"And we are living together. Sa bahay ko na siya nakatira at hindi na siya aalis pa rito."
"T-Thauce, dahan-dahanin mo nga!" sabi ko sa kaniya. Ni hindi pa nga namin nasasabi ang tungkol sa kasunduan.
"What, baby? Hmm?" tanong niya. Ibinaba ko naman ang kamay namin ay ngumiti sa kapatid ko, nasa mukha niya na parang hindi na siya nagulat. Nang makita ko naman sa screen si Doc. Ariq at tumabi kay Seya ay napansin ko agad ang paglayo ng kapatid ko.
"Hello, Arzen, Zehra. It's nice to see you both," bati niya.
"H-Hello, Doc. Ariq. Maraming salamat at bumalik ka para tingnan ang kalagayan ni Seya."
Gustong-gusto ko nang itanong kung paano nalaman ng kapatid ko ang tugkol sa amin ni Thauce pero ayokong maging bastos kay Doc. Ariq sa pagdating niya.
"Ohh, she is my responsibility and–"
"I am not your responsibility, Waxen."
Napaawang ang mga labi ko. Nabibingi ba ako? S-si Seya ba yung nagsalita?
"Seya! Hindi ka dapat ganiyan magsalita—" pero napahinto ako nang hapitin ni Thauce ang baywang ko at ilapit sa kaniya.
Narinig ko ang pagngisi niya habang ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kay Seya na malayo ang tingin at kay Doc. Ariq na parang gustong magsalita pero hindi magawa.
May problema ba sila?
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...