Chapter 95

5.2K 100 2
                                    

"Ano ang ipinagawa mo sa ate ako?"

Ngayon ay may kalakip nang galit ang tono ng boses niya. Ako na sana ang sasagot non, ipagpapatuloy ko na ang pagsasabi sa kaniya ng mga nangyari pero nagsalita si Thauce.

"I told her to make Errol fall in love with her so that I could take Lianna's love and attention."

Diretso, at hindi pautal-utal. Wala ring bahid ng kaba sa boses niya. Seryoso si Thauce na nakatingin lang sa kapatid ko.

"Alam mo na may gusto na non si Kuya Errol kay ate..."


Hindi makapaniwalang sabi ni Seya. Iba na ang tingin niya ngayon kay Thauce kaysa kanina, ang galit sa mga mata niya ay naroon at hindi ko iyon nagugustuhan. Dahil kahit pa mali ang mga ginawa ni Thauce, naramdaman ko na pinagsisihan niyang lahat 'yon.

"That's why I offered Zehra Clarabelle a three-month contract. I want Lianna to see na wala na siyang aasahan kay Errol. Zehra needs to stay with Errol--"

"M-Masama ka pa lang tao... gumagamit ka ng inosente para sa mga gusto mo."


Napasinghap ako sa mga binitawang salita ng kapatid ko kay Thauce.

"S-Seya! hindi--" pero hinawakan ni Thauce ang kamay ko ng mahigpit, nang balingan ko siya ay nakatuon lang siya sa kapatid ko na galit na galit na nakatingin sa kaniya. Naalala ko naman ang sinabi niya. Na kung magagalit si Seya, tatanggapin niya ang lahat, dahil maling-mali ang ginawa niya.

"Ang bait ng ate ko, w-wala siyang choice non. Alam ko na mahirap sa kalooban niya na tanggapin ang gusto mo kasi napakabuti niyag tao, hindi niya magagawang manloko, l-lalo na ng mga taong walang ipinakitang masama sa kaniya. A-Ang sama mo... ginamit mo ang ate ko... kaya pala sa o-ospital non, palagi ko siyang napapansin na malayo ang iniisip."

"P-Pag magtatanong ako kung paano ang bayarin sa ospital, ngingiti lang siya sa akin."


S-Seya...

Natutop ko ang bibig ko. Tapos na ang pagsubok na 'yon sa amin, pero pag binabalikan ay napakasakit pa rin.

"Ang taas-taas ng tingin ko sa 'yo, sobra a-ang pasasalamat ko sa 'yo Kuya Thauce ka-kasi iniligtas mo na ang buhay ko, binigyan mo pa ng trabaho ang ate ko pero bakit ba hindi ko naisip? b-bakit hindi pumasok sa isipan ko na imposible ang l-lahat ng 'yon na walang kapalit. D-Dahil ang tulad namin na mababa ay hindi basta-basta mapapansin ng mga tulad ninyong nasa ere."

Tumutulo na ang mga luha ni Seya pero yung tingin niya kay Thauce na may kalakip na galit ay hindi pa rin nagbabago.

"Ang tanga ko s-sa parte na, hindi ko naisip na lahat ng natatanggap namin noon na libre ay maaaring s-si ate ang naghihirap. A-Ang ate ko na naman a ng nagsakripisyo."


Pero hindi naman rin mauuwi ang lahat sa ganito kung hindi ko tinanggap ang kasunduan, eh. Baka kung hindi rin dahil kay Thauce na naggamot sa kaniya, b-baka hindi ko na siya kasama.

"I will not tell you good things about me, Seya. Hindi ko ikakaila ang mga sinabi mo para mapaganda ang imahe ko sa 'yo upang matanggap para sa ate mo. Hindi ko rin sasabihin na mabuti akong tao because you are right, I am an evil person because I used your situation to manipulate Zehra into doing things for me. Pero hindi ako nagsisisi. Kahit isa ay wala akong pinnagsisihan sa mga naging desisyon ko."

"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Seya.

"I have no regrets for what I've done dahil lahat ng 'yon ay parte ng kung papaano ko unti-unting minahal si Zehra Clarabelle."

Pagkasabi non ni Thauce ay tumingin siya sa akin. Nagtagpo naman ang aming mga mata.

"That three-month agreement was the best damn thing I ever did because I found the love..." ibinitin niya ang sinasabi at umangat ang kamay niya, pinalis ang mga luha na nahulog sa magkabilang pisngi ko.

"That I can confidently say was meant for me."

"Thauce..." tawag ko sa pangalan niya.

"If I hadn't made that decision and offered her, she would never be mine."

Nasa kaniyang mga mata ang pagmamahal habang nakatingin sa akin. At nang bumaling siya kay Seya ay napatingin rin ako sa kapatid ko.

"I love your sister, Seya. Mahal na mahal ko si Zehra Clarabelle."

Ang bilis ng pagtibok ng puso ko, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Thauce.

"Maaaring mahirapan kang maniwala ngayon pero hindi kita mamadaliin, patutunayan ko sa 'yo na seryoso ako at mahal na mahal ko ang ate mo."

Nang tumingin sa akin ang kapatid ko ay napababa ang mga mata niya sa mga kamay namin ni Thauce na magkahawak.

"At Seya, hindi mo naman siguro ilalayo sa akin ang ate mo o uutusan siya na layuan ako dahil lang sa mga nalaman mong ginawa ko."

Walang kahit isa sa kanila ang kumukurap, kahit si Seya. Hindi na siya umiiyak pero seryoso pa rin ang tingin niya kay Thauce.

"Dahil kung gagawin mo--"

"Arzen."

Doon na sumingit ang kanina pa tahimik na si Dr. Ariq. At simula nang makita ko siya sa Martini's Hospital na palaging nakangiti, ang approachable at jolly na doctor ay ngayon bago ang nakikita ko sa kaniya.

"Cut it out. Stop giving Seya Clara that look. Don't even think about threatening her."

Ngayon ko lang nakita ang galit at nagbabantang tingin ni Dr. Ariq. Pero napansin ko, iba rin ang malasakit niya kay Seya.

"What?" tanong naman ni Thauce.

At sa tensyon sa pagitan ng dalawang magkapatid na biglang namuo ay saka muling nagsalita si Seya.

"Hindi ko iyan gagawin dahil alam kong mahal ka rin ng ate ko."


Doon na ako nakahinga ng maluwag at tumingin kay Thauce. At bigla ay isinandal naman niya ang noo sa balikat ko at mahinang nagsalita.

"Your sister is a little tough, but, damn it, baby, I really don't like the thought of you leaving me..."

"Kumalma ka nga kasi, hindi ako ilalayo ni Seya, sa 'yo, saka saan naman niya ako daldalhin sige nga? napag-usapan na natin ito, eh."

"Ate..."

Sabay kaming napatingin kay Seya, hindi na nagbago ng pwesto si Thauce. Para siyang bata na nakasandig ang ulo sa akin at nakayakp na ang mga kamay niya.

"Alam kong mahal na mahal mo rin si Kuya Thauce at ayokong maging hadlang sa inyo. Naiintindihan ko na maraming hindi magandang nangyari, pero nauunawaan ko rin ang mga sinabi ni Kuya Thauce."

"Totoong mahal niya ako, Seya..."

Dahil ramdam na ramdam ko 'yon, sa isla pa lang nang magapat siya, hanggang dito sa bahay na makauwi na kaming dalawa.

Nang ngumiti si Seya ay siyang pag-angat ng tingin ni Thauce dito. Sa wakas! nakikita at nararamdaman ko nang tanggap na ni Seya si Thauce para sa akin. Tanggap na niya ang relasyon namin pagkatapos niyang malaman ang totoo. Kanina ay kinabahan talaga ako, lalo nang magalit siya at umiyak pero nagpapasalamat ako dahil ngayon ay ayos na.

"Huwag mong sasaktan ang ate ko."

Tumango naman si Thauce. "I will not hurt her."

"Huwag mo rin siyang paiiyakin! iyakin pa naman ang ate ko!"


"Seya..." reklamo ko.

"Pero iyan... ang hindi ko maipapangako."

Sa sagot na 'yon ni Thauce ay napabaling ako sa kaniya at narinig ko naman ang malakas na tanong ni Seya kung bakit. Pero nang ngumisi si Thauce ay nakuha ko ang nasa isipan niya bigla, napaawang ang mga labi ko at agad na bumalik ang tingin ko sa kapatid ko.

"N-Nagbibiro lang siya! o-oo naman hindi niya ako paiiyakin!" sagot ko agad kay Seya bago pa kung ano ang masabi ni Thauce.

Pero nang lumapit at humigpit ang yakap niya sa akin ay muli siyang bumulong sa tainga ko.

"Hmm... but you always cry when I move fast inside you. Of course, I can't promise your sister, especially since I always want to make you whimper in bed."

Thauce talaga! 

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon