Chapter 72

5.6K 95 4
                                    


Nang bumalik si Lianna sa silid niya ay inilagay ko na lahat sa maleta ang mga gamit ko. Wala na akong iniwan kahit isa. Naupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang paningin ko. Sa isang buwan na pananatili ko rito sa resthouse masasabi ko naman na nag-enjoy talaga ako. Unang araw man na nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin ni Thauce na akala ko mauuwi sa hindi na talaga namin pagpapansinan.

Pero hindi ko inaasahan na 'yon pala ang magiging dahilan para mabigyan ng sagot yung nararamdaman ko rin para sa kaniya.

Hindi ko inaasahan na minamahal na rin pala niya ako. Gusto kong marinig ng paulit-ulit kung kailan, ano ang dahilan at paano niya nalaman sa sarili niya na ako na pala yung mahal niya at hindi si Lianna.

Kasi parang kahit ngayon? ang hirap pa rin paniwalaan... ang taas ni Thauce, eh. Para sa akin napakahirap niyang abutin na hindi ko inasam na mamahalin niya rin ako. Tapos sa isang iiglap ito na kami... ipinaparamdam niya na lahat gagawin niya para sa akin.

Ang huling pag-uusap pa na susunduin niya ako, kahit hindi matagal ang tawag ay sobrang naramdaman ko yung pag-aalala niya kahit kalakip non ay galit.

"Mahal ka ni Thauce, Zehra..." bulong ko sa sarili ko at inilapat ang kamay ko sa tapat ng aking dibdib. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Kusang pumasok sa isipan ko ang mga alaala, kung saan ko unang nakita si Thauce, kung ano siya.

Takot ako sa kaniya, tingin pa lang niya non ayaw ko nang salubungin, naririnig ko pa lang ang malamig na boses niya nahihigit ko na ang paghinga ko. Sino ang mag-aakala na ang lalakeng katulad niya ay mamahalin ako na walang kahit anong maipagmamalaki?

Hindi ako maikukumpara sa kahit na sinong babae... lalong-lalo na kay Lianna.

"Pero sa kabila ng pag-aalinlangan ko na maniwala... ipinaramdam ni Thauce na totoong minamahal niya ako."

Napahawak ako sa kwintas na perlas na ibinigay niya. Isa sa hindi ko makakalimutan ay nang ibigay niya rin sa akin ang bagay na 'to.

Hindi ko naman akalain na iyong masungit at aroganteng si Thauce ay kaya rin pala maging sweet.

"Akala ko puro pagseselos lang ang alam niya."

Nakangiti na ako habang inaalala ang mga nangyari. Nang maalala ko na magmensahe sa kaniya ay iniangat ko ang cellphone ko na hawak ko at nagtipa kaagad.

"Mag-iingat ka, Thauce..."

Iyon lang ang nakalagay pero nang maisipan ko na dugtungan ay nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Mag-iingat ka, Thauce. Mahal na mahal kita."

Pagkasend ko non ay nahigit ko ang hininga ko. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at hindi ko na hinintay pa na mag-reply siya. Alam ko rin naman na abala siya ngayon dahil nabanggit rin ni Lianna kanina.

Hinayaan ko na lang na kainin ako ng antok.

Baka paggising ko... nandito na siya.

"Zehra?"

Napadilat ako at napaunat nang marinig ang boses ni Lianna. Mabilis rin akong napabalikwas ng bangon nang makita na alas siko na ng hapon. Parang sandali lang yung naging tulog ko pero nasa tatlong oras na pala.

"Lianna, sandali lang," sagot ko at lumait sa pinto. Pagkabukas ko non ay nakita ko siya na may hawak na tray ng pagkain. Umuusok pa ang laman non.

"Ipinagluto kita! mabuti na lang rin pala at nakatulog ka dahil kung hindi at bumaba ka ay tiyak tutulungan mo pa ako."

"Nag-abala ka pa. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko, dahil grabe rin yung pagsusuka niya kanina, eh. Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pumasok siya. Dumiretso siya sa coffee table sa loob ng silid at ibinaba ang mga pagkain.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon